Akeos' POV
Nakatayo ako sa harap ng apat na nitso ng mga taong pinakamamahal ko. Mga taong nawala sa akin pitong taon na ang nakakalipas.
Kahit na pitong taon na ang nagdaan ay masakit parin ang nangyari. Nawalan ako ng pamilya at mga minamahal. At sa mga panahon na iyon ay wala manlang akong nagawa upang mailigtas sila.
Bumabalik sa akin ang pakiramdam na pagkawalang kwenta.
"Daddy, matagal pa ba tayo dito?" tanong sakin ng five years old na bata.
"Sandali muna, Sam. Ngayon lang ulit tayo nakadalaw dito kaya sulitin na natin. Saka di mo ba gustong makita sila kahit dito lang sa sementeryo?" tanong ko. Ngumuso naman siya kaya mas umumbok ang magkabilang pisngi niya.
"Gusto po, Daddy. Kaso nakakatakot kasi dito, puro mga patay." natatakot niyang sabi at napahawak pa sa laylayan ng jacket ko.
Natawa naman ako sakanya kaya naman umupo ako upang lumebel sa tangkad niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, kamukhang kamukha niya ang mommy niya, parehas din kami ng mga mata. Napangiti tuloy ako.
"Bakit ka naman natatakot, eh minsan na din silang nabuhay. Saka wala naman silang gagawin sayo eh, kasama mo rin naman si Daddy." sabi ko at hinaplos ang buhok niya. Mukha namang wala paring epekto dahil nakabusangot parin siya.
"Nasan na ba kasi yung mommy mo?" tanong ko sa kanya. Itinuro niya naman ang mat at nakaupo ngadun si Ate.
"Ayun Daddy, busy sa pakikipag-face time kay Papa. Namiss niya daw." masungit na sabi ni Sam kaya naman natawa ako. Ang bata bata pa niya pero ang sungit na niya.
"Punta ka na din dun atkausapin mo ang papa mo." sabi ko kaya padabog naman siyang kung nasaan si Ate. Oo, buhay si Ate. Nang gabing iyon ay naging maayos ang kalagayan niya, ang kaso ngalang ay hindi niya natandaan ang lahat ng nangyari magmula noong dumating si Devi sa buhay namin.
Hindi ko alam kung isa iyong masama o mabuting balita sa amin pero mas maigi na iyon keysa mawala siya.
Libingan na ito ay libingan ni Lola. Pero ipinagawaan ko narin ng mga nitso sina lolo, papa at mama na paglilibingan ko ng mga vase ng mga abo nila, dahil gusto kong magkakasama sila, pati narin kami kapag dumating na ang panahon na sumunod din ako.
Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para pumunta sa isang lugar na kanina ko pa gustong puntahan.
Ang lugar kung saan nakalibing si Sandra.
Pinagpag ko muna at inalis ang mga dahon na nahulog sa taas ng nitso at tinignan iyon.
Cassandra Z. Gabriel
20**-20**
Pitong taon na ang nakalipas pero sobrang sakit parin. Nandito parin yung sakit, isinakripisyo niya ang buhay niya para sa amin, para sa akin at para sa lahat ng pwede pang maapektuhan ni Devi.
Isa siyang mabuting tao.
Naramdaman ko naman ang malakas na ihip ng hangin na yumakap sa akin, pakiramdam ko ay si Sandra iyon.
"Kamusta na, Sandra? Masaya ba diyan sa taas? O baka naman nasa ibaba ka?" natatawa kong sambit habang nakatingin sa malayo.
"Pero alam kung nasa taas ka ngayon, isa kang mabuting tao, iniligtas mo ang buhay namin." pabulong kong sabi dahil para bang nawawalan na ako ng boses dahil sa pagbara ng kung anong bagay sa lalamunan ko.
Umiinit narin ang gilid ng mga mata ko at nagsimula narin itong lumabo.
At gaya ng inaakala ko ay bumuhos na ang aking mga luha.
"Masakit parin, sobrang sakit. Pero kahit anong gawin ko hindi ka na maibabalik pa, wala ng Sandra sa buhay ko." sabi ko habang umiiyak. Nagpiyok na rin ang boses ko dahil sa sakit.
Mas lumakas tuloy ang ihip ng hangin at mas dumilim na ang langit.
"Ano ba yan? Nakikisabay ka din ba?" pagtatanong ko sa kanya sa kawalan.
Alam kong mukha na akong tanga dito na nagmomonologue pero wala na akong pake pa. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Bumalik tuloy lahat ng ala-ala na magkasama kami noon.
Simula ng iligtas niya ako mula kay Devi na sumapi sa katawan ni Lolo Vlad noon.
"Hoy!"
"Bakit?" pagkaharap niya sa akin ay imbis na may lakas ako ng loob na magsungit ay napatitig nalang ako sa kanyang maamong mukha. Pero mukhang napansin niya iyon kaya napako tuloy ang tingin ko sa kwintas niya. Napakaganda nito.
"May balak ka bang hingiin ang kwintas ko?" tanong niya sa akin kaya napailing-iling tuloy ako.
Natawa naman ako ng maalala ko iyon, nung panahong masungit pa siya sa akin.
"Kumain ka na, nangangayayat ka na." pagaalok niya sa akin ng pagkain dahil wala akong gana sa pagkain noon kaya nangangayayat na ako.
""Its' not your fault, Aki. Kaya dapat ay magpalakas ka, pupwepwede niya tayong balikan." sabi pa niya.
"Eh di balikan niya ako para tuluyan na rin akong mamatay." nangingisi kong sabi pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Manahimik na na nga. Ubusin mo yan, pag di mo yan naubos malilintikan ka talaga sa akin." pananakot niya sa akin dahil ayaw kong kumain.
Isa yun sa mga araw na iningatan at inalagaan ako ni Sandra, pero yun din yung araw kung kailan din siya nawala sa akin. Di ko lubos maisp na iyon nalang ang pinakamaayos na paguusap namin ni Sandra.
Bumalik rin sa akin ang mga ala-ala ko nung naghihingalo at nanghihina na siya pero ipinilig ko nalang ang ulo ko para mapigilan iyon na pumasok sa aking isipan dahil mas nasasaktan lang ako.
"Miss na kita. Hintayin mo ako diyan, ha? Sasapukin kita pag nadatnan kitang may lalake diyan." pananakot ko saka ako ngumiti na parang baliw.
Malapit na ata akong mabaliw.
"Aki, tara na. Baka umulan!" rinig kong pagtatawag ni Ate sa akin. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako tumingin sa kanilang direksyion at sumagot.
"Sususnod na ako." sagot ko.
Tumayo na ako at tinignan ang libingan ni Sandra sa huling pagkakataon.
"Aalis na ako, ha? Pero promise ko babalik din ako dito. Next time magdadala narina ko ng bulaklak at kandila." natatawa kong sambit bako ko iyon nilisan.
I left the final destination of the woman who once made me feel at home.
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Mystery / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY