C. January 2, 2***

400 17 4
                                    

January 2, 2***

Dear Diary,

Hindi ko na nagawa pang mag-almusal dahil busog na busog na ako kagabi sa lamang loob at karne ni Jonas. Napakatamis ng karne niya kahit na medyo malansa ito. Busog na busog na ako.

Bago ako umuwi kagabi ay dinispatya ko muna ang mga ibedensiya na makapagtuturong ako ang suspek at lininisan ko muna ang aking katawan sa talon. Ang bangkay ni Jonas ay iniwan ko nalang doon. Wala naman akong fingerprints doon dahil balot na balot siya sa dugo.

Pinuri naman ako ni Devin sa ginawa ko, napakagaling ko raw umarte na kahit siya ay nasiglahan sa kalaswaan ko kahapon at ang galing ko raw humiwa. Nasiyahan naman ako doon sa papuri niya, ngunit kailangan ko pang mag-ensayo ng husto upang maging mas magaling pa na killer.

Wala sa bahay ngayon sila mommy at daddy dahil may inasikaso sila sa trabaho, tapos naraw kasi ang holiday nila. Iniwanan naman nila ako ng pera kaya naman napagpasyahan kong pumunta muna sa mall para bumili ng set ko n gkutsilyo dahil wala nang swiss knife sa bahay. nadispaya ko na lahat.

Binili ko ang isang set ng kutsilyo nasa isang leather na lalagyan. Una ko tong nakita sa isang pelikula. Portable ito dahil nakaroll lang siya. Masayang masaya naman ako dahil dito sa binili ko. Dahil sobra sobra ang pera ko ay nagpasya akong manood ng sine, pinanod ko ang bagong pelikula tungkol sa kanibal at patayan. Bumili narin ako ng pop corn ko at drink. Gusto ko sanang kumain ng karne ng tao ngayon kaya lang ay bawal makita iyon ng ibang tao.

Habang nanonood ako ay may tumabi sa akin na lalaki. Hindi ko naman siya pinansin dahil baka wala lang talagang ibang upuan napwede niyang pag-pwestuhan. Yun ang akala ko, ngunit ng maamoy ko ang masangsang na amoy ay nahulaan ko kaagad na si Devi iyon.

"Bakit ba ganyan ang amoy mo?" tanong ko sa kanya.

"Dahil inaagnas na ako." sabi niya. Pansin ko ngarin ang mga uod na lumalabas sa mga sugat niya,diary.

"Anong pwede mong gawin para hindi ka na maagnas?" tanong ko sa kanya. Kung bigla bigla na lang siyang nawawala eh dapat imortal siya.

"Kaya ako nakipagsundo sayo, Ysa ay dahil gusto kong bumalik sa dati." sabi nya.

Medyo nagtaka ako sa sinabi niya, diary. Mahirap nga rin kasing paniwalaan iyon.

"Pano naman iyon?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan mong pumatay ng sampung tao. Walong araw nalang ang natitira sa akin, Ysa." sabi niya. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya. Kung ganun ay kailangan ko syang tulungan. Dalawa na ang benepisyo nun sa akin. Nakatulong na ako, makakapatay at makakakain pa ako ng tao. Tutal ay utang na loob ko in sa kanya kung bakit ako lumakas.

"Talaga?" paninigurado ko sa kanya.

"Oo." sagot niya. Nagsigawan ang mga tao dahil sa pinapanood namin, ito kasi ang parte na hinahabol na ng killer ang babae.

Walang ano ano ay nawala narin siya kasama ng amoy niya. Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko, wala namang pumapansin sa amin. Marahil siguro ay tutok sila sa panood at siguro ay hindi nila nakikita si Devi.

Nang makauwi ako ay hindi parin mawala sa utak ko ang sinabi ni Devi kanina. May tatlo na akong napatay, pito na lang Devi. Maghintay ka lang at tutulungan kita.

Nagmamahal,

Ysa

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now