Akeos' POV
Binuklat ko ang sunod na pahina ngunit wala na akong nakita pa doon na sulat.
Nagtaka rin ako dahil kulang at bitin ang nakasulat doon.
Ngunit nagagalingan ako sa may akda nito dahil napaka-realistic ng pagkakasulat niya. Pati ang mga bahid ng dugo sa mga pahina ay napakatotoo.
Lahat rin ng detalye ay napakatotoo ngunit iniisip ko na baka isinulat lang ito ng mga magulang ni Lolo Vlad noon dahil baka bored sila o kung ano man.
Ginamit pa kasi ang pangalan ni lolo Vlad sa kwento. Pwede ring si lolo Vlad ang nagsulat nito bilang libangan hindi ba?
O di kaya ay coincidence lang na may Vlad talaga doon.
At saka, sino naman ang magsusulat ng pagpatay niya sa isang diary? Baka mahuli na siya nun. At kung isa man akong killer ay hindi ako magsususlat ng ganito dahil baka mahuli pa ako at makulong.
Napailing nalang ako sa aking mga pinagiisip.
Kinuha ko nalang ag libro dahil gusto ko itong iuwi. Ngunit baka kapag pinaalam ko ito kila lola at lolo ay hindi nila ako papayagan. Mabilis ko naman itong inilagay sa backpack ko at lumabas ng kwarto na para bang walang nangyari. Dumiretso na ako sa sala at nakita ko naman sila doon na nagmemeryenda na.
"Saan ka ba nanggaling, Aki?" mom asked me.
"Nagandahan po kasi ako sa garden eh kaya nagpahangin lang po ako doon." pagdadahilan ko naman. Baka pagalitan kasi ako sa pangengealam ko sa lumang silid.
Mga tatlong araw pa ang itatagal namin dito dahil sa makalawa pa ang birthday ni lolo.
Nga pala, hindi ko pa nakikita si lolo Vlad simula kaninang pagdating namin dito. Nasaan siya?
"Lola? Nasaan pala si Lolo Vlad?" tanong ko kay lola.
"Puntahan mo nalang siya sa ikalawang palapag sa may puting pintuan. Baka natutulog palang siya. Alam mo na, may katandaan na kasi kami eh." sabi naman ni lola.
Sinunod ko nalang ang utos niya na pumunta sa ikalawang palapag.
Mas maganda pala dito dahil mas classic at mas madaming antique na kolekyon.
May mga painting, sculpture, vase at mga furniture.
May picture ng pamilya simula ng bata pa si lolo Vlad. Meron din sila mom at pati kami.
Kilala ko lahat ng mga pictures dito maliban sa isang babae na katabi ni lolo Vlad sa isang lumang litrato. Isang babae na abot balikat ang buhok.
Naka berde itong bestida at nakangiti sa kamera.
Naka-akbay sa kanya si lolo Vlad at pareho silang mukhang masaya. Hindi ito si Lola.
Maganda siya.
Nakangiti siya ngunit ang mga mata niya ay salungat sa kanyang masayahing ngiti. Napakamisteryoso nito.
Umiling nalang ako at pinuntahan na sa kwarto si lolo Vlad.
Naguluhan naman ako ng makita ko siyang nakatingin sa isang ballpen na kagaya ng nasa lumang silid. Nakatitig lang siya doon habang may mga sinasabng kataga.
"Nandiyan na ulit siya....bumalik na siya...." paulit-ulit niyang sabi.
Matanda na siguo siya kaya siya ganyan. Sabi nga rin ni lola eh.
"Lolo. Tara na po sa baba." aya ko kay lolo. napatingin naman siya sa akin at para bang bumalik na siya sa katinuan niya.
"Andiyan ka pala Akeos. Namiss na kita apo." sabi naman ni Lolo at tumayo na saka ako niyakap.
"Tara na po sa baba, lo." aya ko at inalalayan siya na bumaba. Habang nasa hagdan kami ay nagsalita ulit siya.
"Babalik na ang kaibigan ko, Akeos. Gusto niyo ba siyang makilala?" tanong ni lolo sa akin.
Kaibigan? Baka may inimbitahan siyang mga batchmate niya at inanyayahan silang magreunion ngayong birthday niya.
"Sige ho, lo." sagot ko nalang kaya mas ngumiti siya.
Nasa bahay lang kami buong hapon at nagkwentuhan. Ngunit hindi ko inaasahan ang ikinuwento ni lolo Vlad sa amin.
"May kaibigan ako noon, nakalimutan ko na ang pangalan niya pero lagi siyang dumadalaw sa panaginip ko."kwento ni lolo.
Medyo kinilabutan ako sa pinagsasabi ni lolo. Ang weird kasi na mapapanaginipan mo ang isang tao. Take note, lagi daw.
"Anong hitsura niya,lo?" tanong naman ni Akiera kay lolo. Ngumiti naman si lolo.
"Hanggang balikat ang buhok niya na babae. Maganda siya ngunit napakamisteryoso ng mga mata niya." sabi naman ni lolo.
Naalala ko naman ang picture na nakita ko kanina. Yun siguro ang babaeng yun.
Importante siguro ito kay lolo noon na napapanaginipan niya lagi.
"Baka naman first love mo, pa?" asar naman ni mama kay lolo ngunit wala itong reaksyon.
"Hindi. Sa totoo lang ay babalikan niya ako sa makalawa." nakatulalang banggit naman siya. Medyo kinabahan naman ako doon dahil 66th birthday ni lolo sa makalawa.
Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa kaibigan niyang yan.
"Wag niyo nalang pansinin si Vlad. Matanda na kasi kaya kung ano ano na ang sinasabi. Sige kumain lang kayo." sabi naman ni Lola sa amin.
Kahit na masama ay ipinagwalang bahala ko nalang yun dahil baka guiguni o hakahaka ko lamang yun.
Hindi ko ngalang inakala na aabot ang kaibigan niyang yun sa panaginip ko.

YOU ARE READING
The Killer's Diary
Misteri / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY