Akeos' POV
Bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang paa niya ng mahigpit. Kahit na masakit ang pagkakatama ko sa poste ay pinipilit ko parin siyang pigilan.
Halos mapadaing naman ako sa sakit ng sipain niya ako gamit ang kanyang kabilang paa. Tumama kasi iyn sa aking mukga dahilan para pumutok ang bibig ko. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking bunganga.
"Bitawan mo ako!" sigaw niya sa akin.
Kahit masakit na ang katawan ko at pagod na ako ay pinilit ko paring ginapang ang itak na nabitawan niya kanina at tinaga ang kanang binti niya.
Napahiyaw naman ito sa sakit at kita ko narin ang dugong bumubulwak galing sa hiwa na dulot ng pagtaga ko. Mas nadoble ang hiyaw niya ng hugutin ko ang itak mula sa pagkakabaon.
"Magbabayad ka!" sigaw niya at inatake ako.
Laking pasasalamat ko ng makatayo pa ako at tumakbo palayo.
Dumiretso ako sa gubat na hindi ko alam kung saan patungo. Ni hindi ko alam kung anong direksiyon ang tinatahak ko ngayon. Basta ang alam ko ay tumatakbo ako palayo habang hawak hawak ang isang itak upang makalayo sa demonyo na iyon at upang mailayo narin siya kila ate.
Tama nga ang hinala ko, sinundan niya ako habang paika-ika siyang tumatakbo.
Dahil nasa mortal na katawan siya ngayon ay talagang mararamdaman niya ang sakit. Alam kong mahina narin ang katawan ni Lolo Vlad na ginamit niya.
"Bumalik ka dito!" sigaw niya sa akin. Patuloy kong pinipilit na makatakbo palayo sa kanya.
Hiniling ko na sana ay may makita na akong daan o makabalik na ako sa sibilisasyon. Hinang-hina na ako.
Napapikit naman ako sa hapdi tumama ang paa ko sa isang bato at napasalampak ako sa sahig. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong itak na tumilapon sa malayo.
Inatake ako ng kaba ng makita ko na ang pigura ni Devi habang papalapit sa kinalalagyan ko.
Sana may tumulong sa akin.
Pilit kong itinatayo ang aking sarili upang makatakbo ulit, ngunit mukhang hindi ko na makakaya pa. Kaya't naisipan ko nalang na magtago sa isang malaking puno ng balete. Malapad ito kaya posibleng hindi niya ako makita.
Itinikom ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng kung ano mang ingay. Rinig narinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa direksiyon ko.
"Lumabas ka na diyan, Aki! Alam kong nasa paligid ka lang!" umalingawngaw ang mala demonyong boses nito sa kagubatan.
Pigil na ang aking hininga at nanginginig narin ako sa takot. Masakit na ang halos bawat parte ng katawan ko at mukhang magiging katapusan ko na ito.
Unti-unting tumahimik ang paligid kaya kahit papaano ay nabawasan ang aking kaba. Ang huni ng kaluskos ay malayo na, siguro ay wala na siya.
Salamat naman at mukhang nailigaw ko na siya.
Napaupo ako sa may likod ng puno at nakawala na ang buntong hininga na kanina ko pa gustong pakawalan.
Sana matapos na ang lahat ng ito.
Dahan-dahan akong sumilip sa kabilang dako ng puno at wala na nga siya doon.
"HANGAL KA!!!!" nagulantang ako ng bigla siyang nagpakita kung saan at sinakal ako. Napakahigpit ng hawak niya sa aking leeg na para bang gusto niya itong putulin o warakin. Napakasakit nito at hindi na talaga ako makahinga.
Pinipilit kong sipain siya ngunit tila ba wala siyang nararamdaman.
Unti unting nilalalamon ng dilim ang aking paningin at halos pumutok na ang mga ugat sa aking ulo.
"Argh!" unti unting nagliwanag ulit ang paningin ko ng maramdaman kong bumagsak ako sa lupa.
Kita ko ang pagbagsak ni Devi kasabay ng pagbulwak ng dugo sa kanyang bunganga. Napaubo naman ako at hingal sa pagkakakapos ng hininga.
Kita ko ang isang babae na may hawak hawak na isang baril na umuusok pa. Nakatayosiya sa hindi kalayuan.
"Halika na, Aki." rinig ko ang isang pamilyar na boses. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Tinitigan ko ang pamilyar niyang mukha.
Maalon na buhok, maputing balat, maamong mukha at malamig na boses. Siya ang babaeng nakita kong nagpatihulog sa rooftop.
Halos hindi ako makapaniwala na makita si Ysa ngayon.
"Pa-paanong..." nauuutal kong sambit ngunit hindi niya ako pinansin at inakay nalang ako.
Napatingin naman ako sa bangkay ni Lolo Vlad ngayon na wala nang buhay. Binalot ako ng lungkot na makita siyang duguan.
Bakit ba kasi si Lolo Vlad pa ang napiling saniban ni Devi?!
Inakay ako ni Ysa hanggang sa makarating kami sa sibilisasyon at saktong nakita ko ang paparating na mga sasakayan ng pulis at ambulansiya.
"Aki!!" rinig ko ang boses ni Ate at niyakap ako.
"Thank you talaga, Sandra! Maraming salamat sa pagligtas sa kapatid ko!" sambit ni Ate habang yakap ako.
Sinong Sandra? Hindi ba siya si Ysa?
"You are welcome, Ate Kie. Sakto kasi na nangangaso kami ni Tatay sa gubat, napahiwalay kasi ako sa kanya kanina at swerteng nakita ko yung kapatid mo." sagot niya. HIndi nga siya si Ysa.
Pagkabitaw ng yakap ni Ate sa akin ay napatingin ako kay Sandra. Pwede bang mabuhay ang dalawang tao sa mundo na magkamukhang-magkamukha?
"Kamukha mo talaga si Vlad...." rinig kong bulong niya at naglakad na paalis. Anong sinabi niya? Hahabulin ko na sana siya ng makita kong inilalabas na nila ng kagubatan ang duguang bangkay ni Lolo Vlad.
Rinig ko ang iyak ni Ate Kiera, unti unti naring tumulo ang mga luha galing sa aking mga mata. He passed on his 66th birthday.
It maybe a devils number, but my grandpa is an angelic person. Hindi niya deserve ang mamatay sa ganyang paraan.
"Lolo!" hagulgol ni Ate habang naglalakad papunta sa bangkay ni Lolo.
Napakasakit ng ekesenang ito ngayon.
"You dont deserve this!" sambi niya at umiyak.
Wala naman akong nagawa kundi hagurin nalang ag likod niya at hilain siya papalayo roon upang maidala na sa ambulansiya ang katawan niya.
"Aki! Si Lolo!" she said and she hugged me tight.
"He's in paradise right now." pang-aalo ko naman sa kanya.
"Buti hindi karin namatay, baka mabaliw na ako ngayon." she said and she looked at me. Ngayon lang kasi siya naging ganito ka-concerned sa akin ngayon.
"Halika na at gamutin na natin ang mga sugat mo." the nurse said at dinala na ako patungo ng ambulansiya.
Kung hindi dahil kay Sandra ay baka patay narin ako ngayon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya ngayon.
Napatingin tuloy ako sa direksiyon kung saan lumisan si Sandra. Wala na siya doon.
Sana tapos na nga sana talaga. Sana hanggang dito nalang.
****
A/N: May bagong record na naman tayo! Rank #76 na ang The Killer's Diary!!! *sabog confetti!*
To the few supporters of this story maraming salamatsuu!!!!!
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Mistério / SuspenseHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY