A/N: Always stay tuned for updates.
January 9, 2*** [1]
Dear Diary,
Ngayon na ang huling araw nang pagpatay ko.
Di gaya ng dati ay walang pumapasok sa utak ko na pwedeng patayin.
Ngunit pumapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Devi na bakit hindi ko patayin si Vlad.
Yun siguro ang kagustuhan Devi ngunit hindi ako pumapayag. Patayin ko na ang kahit sino wag lamang si Vlad.
Gulong gulo ang utak ko ngunit tumulak parin ako sa hospital upang bisitahin si Vlad sa pag-asang baka makausap ko na siya.
Bulaklak naman ang idinala ko ngayon para sa kanya.
Binalot ako agad ng amoy ng hospital pagkapasok ko dito. Kumpara kahapon ay mas madami ang isinusugod ngayon.
Pumapasok tuloy sa utak ko na baka si Devo ang may gawa nito dahil sa galit niya sa akin kagabi.
Ipinilig ko nalang ang aking ulo at tumungo na sa silid ni Vlad.
Laking gulat ko naman nang makita kong gising na siya at nakikipagtawanan sa kanyang ina.
"Oh Ysa. Nandiyan ka na pala." sambit ng mama ni Vlad.
"Lalabas muna ako ng makapag-usap kayo." may bahid ng tukso ang boses at mukha ng mama niya na nagbigay naman sakin ng kakaibang ilang.
Nang magsara na ng pinto at tuluyan ng lumabas ang mama ni Vlad ay tumingin ako sa kanya.
Lumiwanag naman ang ngiti ni Vlad at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
Mas gumwapo siya ngayon.
Hindi na halata ang 14 years old Vlad sa kanya noon. Malamang ay dahil 18 na siya ngayon.
Mas tumingkad din ang brown niya na mata. At halata ko narin ang pagtubo ng maliliit niyang balbas.
"Ikaw na ba yan, Ysa?!" excited niyang bati sa akin, o baka mas maganda kung sabihing tanong niya sa akin.
"Oo...Apat na taon na kasi ang nakalipas eh." sambit ko naman na may bahid ng pait at inilapag ang bulaklak sa isang silya.
"Salamat sa bulaklak. Sabi din ni mama na maghapon mo raw akong binantayan kahapon?" mayabang ngunit parang hindi kapanipaniwalang sabi niya.
"Oo. Hinihintay kasi kitang magising para sigawan ka sa pagiwan mo sakin noon!!" sigaw ko sa kanya. Yun naman kasi talaga ang totoo.
Naramdaman ko rin nananubig na ang mga mata ko. Parang bumalik kasi lahat ng naramdaman ko nung iniwan niya ako apat na taon na ang nakakalipas.
Mukhang nagulat din siya sa ekspresyon at pagsigaw ko sa kanya. Nawala naman ang ngisi sa kanyang maamong mukha at napalitan ito ng lungkot.
Ngunit ilang sandali pa ay ngumiti ulit siya sa akin.
"Kaya nga bumalik ako ulit eh. Sorry na sa nangyari nun." sabi niya. Ramdam ko naman ang sinseridad sa kanyang boses. Lumambot naman bigla ang aking galit na tila ba ilang salita pa niya ay baka malusaw na ito.
"Tapos naaksidente ka pa?! Anggandang bati naman ata niyan?!" singhal ko pa ulit sa kanya. Napapikit tuloy siya sa lakas ng sigaw ko.
"Aksidente nga eh. Di ko nga sinasadya." nasimangot niyang pagrarason.
"Kahit na! Dapat nag-ingat ka parin! Pano kapag natuluyan ka eh di bangkay mo nalang ang bibisita sakin?!" naiiyak kong sigaw ulit sa kanya.
Nakikita ko na gusto niya akong lapitan pero hindi pa niya kaya. KIta ko ang pagaalala at sinseridad sa kanyang mga mata.
Minuwestra niya naman sa akin na lumapit sa kanya kaya sinunod ko naman.
Pagkalapit ko ay hinila naman kaagad niya ako at yinakap.
Sa yakap niyang yun ay pakiramdam ko wala na akong problema pa. Pakiramdam ko ay nakauwi na ulit ako sa mahabang panahon na pagkagala ko.
Ang sarap ng pakiramdam ng yakap niya. Na para bang wala ng mananakit sa akin kahit kailan.
Pinunasan rin niya ang aking mga luha at tumawa.
"Para talaga kitang nanay kahit apat na taon ang tanda ko sayo. Pero ang iyakin mo." pang-aasar niya kaya kumunot tuloy ang no ko.
'Patayin mo na' rinig kong bulong ni Devi. Pinilit kong labanan iyon at tumingin sa krus sa itaas ng kama ni Vlad. Hindi makakalapit si Devi sa amin. Hindi niya malalapitan sila Vlad at ang pamilya nito.
'Patayin mo na!' mas malakas na sigaw ni Devi sa utak ko. Sa sobrang lakas ay pumintig pa ang mga ugat ko sa ulo.
Ngunit dahil nasa harapan ko si Vlad ay pinilit ko iyong labanan. Kahit na paulit-ulit at halos pumutok na ang ulo ko ay hindi ko iyon ipinahalata.
Hindi ko kayang patayin si Vlad. Hindi.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong sa akin ni Vlad dahil napansin ata niya na hindi maayos ang pakiramdam ko.
Umalingawngaw naman ang paulit ulit na sigaw sa akin ni Devi. Hindi tuloy ako makasagot kay Vlad dahil napipintig na ang tenga ko at sobrang sakit na ng ulo ko.
'Papatayin ko ang mga kapamilya niya. Pati ang mga magulang mo!' sigaw ni Devi.
Sa puntong iyon ay sobrang kinakabahan na ako. Nagsisisi ako na lumapit pa sa kanya at maniwala sa kanya.
Pero hindi niya pwedeng patayin si Vlad, ang kapamilya nito o kahit ang mga magulang ko. Hindi pwede.
Hindi ako papayag.
Humarap naman ako kay Vlad at niyakap siya.
Sana tama ang magiging desisyon ko.
Sana matahimik na ang buhay ni Vlad at pati nila mommy.
Sana matapos na to.
![](https://img.wattpad.com/cover/133157253-288-k350691.jpg)
YOU ARE READING
The Killer's Diary
Mystery / ThrillerHighest Rank: #63 in Mystery/Thriller (02-04-18) I found her diary in my grandparents house. I thought it was just a normal one, written by a normal human.. It turned out that it's THE KILLER'S DIARY