J. January 6, 2*** [3]

278 13 0
                                    


January 6, 2*** [3]

Magsisimula na nga ang pagtatanghal.

Nagkunwari akong kagigising ko lang at ginigising si Asha.

Pinilit kong tabigin siya upang magkaroon siya ng malay. Kahit nahihirapan din ako dahil sa aking pagkakatali sa aking sarili ay ginising ko padin siya.

Ilang sandali pa ay may narinig akong kumalampag sa kusina.At may narinig akong sumigaw na babae.

"Diyos ko! Anong nangyari dito?!" sigaw ng babae.

"Asha! Anak!" sigaw ng babae at binuksan ang pinto ng kwarto ni Asha.

Bakas ang pagaalala sa kanyang mukha ng makita niya kami sa ganung posisyon.

Nagkunwari akong nagmamakaawa sa kanya upang pakawalan niya kami.

"Anak! Asha! Anong nangyari sa inyo!" kanyang nagaalalang sabi habang ginigising niya si Asha.

Mukhang siya ang ina ni Asha, na kagagaling lamang sa abroad. May pagkakahawig sila ni Asha, ang kaibahan lamang ay blonde ang buhok nito.

Tinignan rin niya ako at tinanong.

"Anong nangyari sa inyo?!" tanong nito habang inaalis ang busal ko maging ang kay Asha.

Napatawa ako sa aking utak sa kanyang nag-aalalang mukha. Napakaganda ng kinalabasan ng aking pagtataghal.

Umiyak pa ako upang madagdagan ang drama ng aking pagtatanghal at humagulgol pa.

"Yung tatay po ni Asha! Natatakot po ako! Bigla bigla nalang niya kaming tinali kanina! Natatakot po ako!!" madrama kong sabi sa kanya.

Bakas naman ang gulat, takot at galit sa kanyang mga mata. At inilabas ang kanyang cellphone at tinawagan ang mga pulis.

"M-mommy?!" rinig kong sambit ni Asha na umiiyak na rin dahil sa lagay namin.

"Anak? Okay ka lang ba?! Hayop si Adrian! Bakit niya ginawa to?!" sigaw ng mommy niya. Napatingin siya sa akin at mas lalo siyang napaiyak ng makita niya rin ang lagay ko.

"Ysa! Sorry! Sorry!" hagulgol niya sa akin, marahil ay narealize niya na siguro ang nangyari. Mas natuwa ako sa aking pagtatangahal dahil napaka-succesful nito.

Kinalagan na niya kami ni Asha. Niyakap naman ako ni Asha at gayundin ako sa kanya.

Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis.

At gaya nga nang plano ko ay dinakip ang daddy ni Asha dahil sa salang pagpatay sa kanyang kabit.

Matigas man itong tumanggi ay kahit sa anong anggulo ay siya ang makikitang pumatay. Buti at walang mga surveilance camera ang bahay nila.

Ang babae naman sa banyo ay hindi na nila nakilala dahil sa wakwak nitong katawa.

Ang mommy ni Asha ay galit na galit sa asawa nito , hindi lang sa pagtataksil niya kundi narin sa ginawa nitong pagpatay.

Napakasaya ng araw ko ngayon diary.

Hindi lang dahil isang buhayna naman ang nakuha ko, kundi dahil napakasaya ng paraan ng pagpatay ko sa kabit na iyon at natulungan ko si Asha na maalis sa landas nila ang kabit ng tatay niya.

Isa akong tapat at mabuting kaibigan kay Asha, hindi na siya ulit iiyak para sa walang kwenta niyang ama.

Nagmamahal,

Ysa

The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now