Prologue

1.3K 26 0
                                    


Akeos' POV

"Aki! Gising na! Nandito na tayo." rinig ko ang boses ni Mama na tinatawag na ako.

Minulat ko naman ang aking mga mata at sinilip ang salamin ng van.

Nandito na nga kami sa ancestral house ng pamilya Maues. Birthday kasi ni Lolo Vlad ngayon at dito daw namin ise-celebrate yun.

Malaki nga ang bahay at classic ang disenyo nito. Bubungad sayo ang  pathway na may bahid narin ng mga kulay berdeng halaman, marahil ay mga lumot na iyon.

Bumaba na ako sa van at sumunod kila Mama.

"Maligayang pagdating anak!" salubong sa amin ni Lola Ysabel.

"Hello mom! Nice to see you again." sambit namn ni mama at niyakap si Lola ng mahigpit.

"Eto na ba ang mga apo ko? Naku kagwa-gwapo at kakaganda naman!! Dalaga at binata na!" sabi ni lola. Nginitian ko nalang siya at niyakap. Five years na nang huli kong makita si Lola.

"Ikaw na ba si Akeos? Kaygwapong bata." sabi ni Lola. SIyempre, gwapo talaga ako at hindi ko ikakaila yun.

"Hello lola!" bati namani ni Ate Akiera kay lola at niyakap niya ito.

"Ang ganda mo parin Kira." sabi naman ni Lola.

Pagkatapos ng kamustahan nila ay inilibot na nila kami sa bahay.

"Lahat ng kwarto dito ay may banyo. Ito ang dating kwarto ng mga magulang ni Vlad. At itong kwartong to, hay wag niyo nalang pansinin dahil bakanteng kwarto lang iyan." sabi ni Lola. At tuloy tuloy lang ang pagpapakilala niya sa ibang kwarto, paintings at mga pigurin

Susunod na sana ako nang maamdaman ko ang tawag ng panahon, may UTI kasi ako kaya hindi pwedeng hindi ko ito ilabas kaagad.

Dahil sumasakit na sa bandang puson ko ay binuksan ko nalang ang isang kwarto dahil sabi namn ni lola ay may banyo ang lahat ng kwarto. Medyo mahirap buksan ang pinto nito ngunit dahil sobra na ang sakit ng puson  ko ay nagawa kong buksan iyon.

Dumiretso na ako sa banyo ng kwarto at umihi dun. Buti na lang at gumagana pa ang flush nito.

Paglabas ko ng banyo ay inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Classic ang disenyo nito at halatang pinaglumaan na ng panahon.

Ang kama na halatang hindi na nahihigaan ng ilang dekada. Mga antique na kagamitan gaya ng vase at vanity mirror.

Ngunit isang bagay ang kumuha sa atensiyon ko, ang study table nito.

Nakapatong kasi dito ang isang notebook na mukhang pinaglumahan na ng panahon. Katabi nito ang isang makalumang disenyo ng ballpen.

Medyo naakit ako dito dahil mahilig ako sa mga antiques. Mahilig kasi si mama kaya nasali na ako doon.

May bakas ng kulay brown sa gilid gilid nito at may amoy na dahil sa kalumaan. ISa siguro itong diary o ano mang kwaderno ng mga kasulatan.

Unti unti ko namang binuksan ito upang basahin ang nilalaman nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking mga nabasa............

isa itong......................


The Killer's DiaryWhere stories live. Discover now