I

18.5K 245 4
                                    


IBINABABA na ang casket ng mga magulang subalit nananatiling tuyo pa rin ang mga mata ni Jamicah. Unang pagkakataon na umiyak siya sa tila napakahabang proseso ay noong unang beses na natanggap niya ang balita na wala na ang mga magulang niya. Tila bukal ang mga mata niya na walang kapaguran sa paglalabas ng luha.

Nagbakasyon ang mga ito ng isang linggo sa Baguio. Anniversary ng mga ito kaya't pinilit nila ng nag-iisa niyang kapatid na si Yojan na mag-off ang mga ito sa trabaho at magbakasyon. Hindi nila inakala na iyon pa ang magiging dahilan ng kamatayan ng mga ito. Pababa na ang mga ito mula sa destinasyon ng makasalubong ng bus na nawalan ng preno.

She wanted to die too. Buong buhay niya ay wala siyang ibang inasahan kundi ang mga magulang. At hindi siya handa–sila ng kapatid niya. Nag-aaral pa siya. ilang buwan pa bago siya tuluyang makagraduate. At si Yojan naman ay thirteen pa lamang. Pitong taon ang tanda niya rito. She wanted to give up kung hindi lamang niya nakita ang desperasyon at takot sa mukha ng kapatid niya.

Doon niya na-realize na kung gaano kalaking takot at lungkot ang nadarama niya ay mas doble ang sa kapatid niya. Her tears dried up. Para sa kapatid ay nagpakita siya ng tapang. Sa harap ng mga kaibigan at kaanak ay nagpakatatag siya. At hanggang sa mga sandaling ito na unti-unti ng nagsisialisan ang mga bisita matapos maghulog ng bulaklak ay nananatili pa ring patag ang mukha niya.

Bawat paghikbi ng kapatid niya ay tila balaraw na tumatarak sa dibdib niya. Dumaan pa ang ilang sandali hanggang sa nagpaalam na rin ang kahuli-hulihan sa mga nakipaglibing. Tanging tango lamang ang naisagot niya. Nang maiwan sila ng kapatid niya ay hinawakan niya ito sa balikat. Nananatili kasi itong nakatitig sa puntod.

"Yojan."

"Ate," humihikbing humarap ito sa kanya at yumakap ng mahigpit.

Kaagad na namuo ang luha sa likod ng mga mata niya. Subalit tinatagan niya ang loob. Ang nanginginig na katawan ng kapatid ang nagbigay sa kanya ng lakas. Mas malaki siya rito. Umabot lamang ang ulo nito sa may tainga niya. Ngunit alam niyang ilang panahon lamang ay hindi na ganoon ang kaso. Ngunit habang ganito pa sila ay dapat na magpakita siya ng tapang.

Lumayo siya ng bahagya sa kapatid at sinapo ang mukha nito. "Makinig ka sa'kin, Yojan. Kaya natin 'to. Hindi kita pababayaan. Simula ngayon ako na ang bahala sa'yo. Tayong dalawa na lang kaya dapat na magpakatatag tayo. Naiintindihan mo ba?"

Sunod-sunod itong tumango.

But that night, she lay awake in bed habang nakasubsob sa unan. Pinakakawalan niya ang lahat ng luhang naipon sa dibdib niya. She didn't say she would act brave kapag hindi na nakatingin ang kapatid.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon