Ten years later
PAGBUKAS ni Micah ng pinto ay kadiliman at mainit na singaw mula sa loob ng bahay ang sumalubong sa kanya. Kaya naman pala kahit anong katok ang gawin niya'y walang nagbubukas. Wala naman palang tao. Pakapang binuksan niya ang switch ng ilaw.
Pagpasok sa loob ay inilapag niya ang shoulder bag sa couch sa loob ng sala at tumuloy sa kusina upang ilagay roon ang mga pinamili. Walang indikasyon na umuwi rito ang kapatid niyang si Yojan. At nakapagtataka iyon. Nakita niya sa wall clock sa may sala na 8 o'clock na halos. Ang out ng kapatid niya sa trabaho ay 4 pm. Kadalasang nakakauwi ito ng bahay ng alasingko hanggang alasais. Pero ang dumating ito ng lagpas sa alas ocho?
Napailing siya. Hindi naman siguro siya dapat na mag-isip ng kung ano-ano. Baka nayaya lamang ito ng mga katrabaho. Nangyari naman ang mga ganoong okasyon sa nakaraan. Minabuti niyang magluto na lamang ng hapunan. Kadalasang alas siyete siya dumarating subalit naatrasado siya ngayon dahil nagpatawag ng biglaang meeting ang boss nila.
Nagtatrabaho siya bilang editor-in-chief sa isang publication for magazines sa may Makati. Ang kapatid naman niya'y nagtatrabaho sa isang bank sa may Quezon City.
It had been ten years since their parents passed away. Gamit ang naiwang ipon ng mga magulang ay nakapagtapos pa rin si Micah at naka-survive sila ng kapatid niya hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Matapos makatapos maka-graduate sa kursong creative writing ay sumubok siyang mag-appy sa mga tv stations ngunit hindi siya nakalusot. Kahit ang pangarap niya ay maging isang novelist ay isinantabi niya iyon. Hindi praktikal. Walang kasiguraduhan.
Sa kabutihang palad ay natanggap siya sa magazine publication na pinagtatrabahuhan niya hanggang sa ngayon. She started from the botton. It actually took her nine long years bago niya nakamit ang pagiging editor-in-chief. She worked hard for it. Ngunit kahit abala sa pagtatrabaho ay nagawa pa rin niyang i-juggle ang pagpapalaki at paggabay sa nag-iisa niyang kapatid na si Yojan.
Wala na siyang mahihiling pa now that she's been seeing the fruit of her hard work. Bukod sa nakatapos ang kapatid niya at nagkaroon ng maayos na trabaho ay lumaki rin ito ng tama. Aminado siya na may mga pagkakataong naging sobrang istrikto siya rito. Subalit nakabuti naman iyon. At dahil iyon naman talaga ang tama.
Matapos magluto ng hapunan ay nag-relax siya sa sala at nanood ng tv. Ngunit ng tumapat na sa alas nuwebe ang kamay ng orasan ay hindi na siya mapalagay. Tinawagan na niya ang kapatid. Sa labis na panggigilalas niya ay patay ang cellphone nito. Doon na siya nakaramdam ng kaba. Makailang ulit pa niyang sinubukan na tawagan ito ngunit wala talaga.
Sinubukan na rin niyang tawagan ang mga katrabaho nito. Subalit ang sabi ng mga iyon kasabay nilang umalis si Yojan subalit naghiwa-hiwalay na sa pag-uwi. Inakala raw ng mga ito na umuwi na si Yojan. Sinagilahan na siya ng pag-aalala. Patakbong tumungo siya sa kwarto nito. Pabukas niya ng ilaw ay tumambad sa kanya ang maruming kwarto ng kapatid. Sumalubong rin sa pang-amoy niya ang di kanais-nais na amoy ng silid.
Alright, hindi ganoon ka-perfect ang pagpapalaki niya rito.
Dumiretso siya sa bintana at binuksan iyon upang makasingaw naman ang amoy ng silid. Pagtungo niya sa study table nito ay naagaw ng mga pictures na naroon ang atensiyon niya. Tila transition ang pagkakasunod-sunod ng pictures. Sa unang larawan ay noong mas malaki pa siya sa kapatid. Sa sumunod ay pantay na sila. Hanggang sa mas malaki na ito sa kanya ng di hamak.
Ipinilig niya ang ulo upang ibalik sa talagang dapat ang pag-iisip niya. Hinalungkat niya ang drawer sa table na iyon. Binuklat niya ang mga notebooks upang tingnan kung may numbers na maari siyang tawagan. Nang walang makita ay tumungo siya sa close nito at binuksan iyon.
Napanganga siya ng tumambad sa kanya ang bunging closet. Kakaunti ang nakahanger na damit. Sa nanginginig na palad ay binuksan naman niya ang mga cabinet. Walang laman iyong una at mangilan-ngilan naman ang laman ng mga sumunod. Nanlamig ang buong katawan niya.
Anong ibig sabihin niyon?
Sa kabila ng panginginig at pag-alsa ng emosyon ay lumabas siya ng silid ng kapatid. Muli niyang tinawagan ang mga ka-trabaho nito. Subalit tulad pa rin ng nauna ang sagot ng mga ito. Mukha ngang walang alam ang mga ito kaya't hindi na niya sinabi na wala ang mga damit ng kapatid.
Nilayasan ba siya ng kapatid niya? Pero bakit? Wala silang pinagtalunan. Mabuti ang relasyon nila. Kaninang umaga ay okay na okay sila... Kaninang umaga!
Habang kumakain ng almusal ay nagulat si Micah ng bigla na lamang humilig sa balikat niya ang kapatid. Kunot-noong nilingon niya ito.
"May ginawa ka bang kasalanan?" naghihinalang tanong niya.
Lumayo ito sa kanya. He wrinkled his nose. "Bakit kapag naglalambing ba ako may ginawa na agad akong kasalanan?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman. Nagsisigurado lang," aniya bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ate, bakit kaya hindi mo tanggapin ang inaalok na kasal ni Severino Divero? Hindi ka na rin bumabata, ate. Isa pa mukhang mabuting lalaki naman si Kuya Sev. At kaya ko na ring pangalagaan ang sarili ko."
Nangunot na naman ang noo niya. "Anong kaya mo na ang sarili mo? Tigilan mo nga ang kalokohang 'yan. Seriously, anong ginawa mo?"
Umiling ito. "Suggestion lang naman ang sa'kin," kakamot-kamot sa ulong sagot nito. Hindi na ito nagsalita pa. Matapos kumain ay sabay silang lumabas ng bahay. Inihahatid niya sa trabaho ang kapatid gamit ang kotse niya. Kaysa naman mag-commute pa ito.
Plus, she never lets him drive.
Nanlaki ang mga mata niya. Pahiwatig ba iyon ng kapatid niya? Tila sasabog ang ulo niya sa pag-iisip. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalaman kung nasaan na ang kapatid niya.
Tumungo siya sa kwarto upang magbihis. Pupunta siya sa mga kamag-anak nila na naroon lamang din sa paligid ng Maynila. Mabilisan siyang nagbihis. Ngunit palabas na siya ng kwarto ng mahagip ng mga mata niya ang puting papel sa ibabaw ng side table niya. Pahablot niya iyong kinuha upang tingnan ang laman.
Nakilala niya kaagad ang sulat kamay ng kapatid.
Ate Micah,
You know that I love you, right? I'll always will. Kaya sana maintindihan mo ako, ate. Mahal ko si Soraya. Hindi ko siya nagawang ipakilala sa'yo because I know hindi mo pa ako gustong sumabak sa isang relasyon. But what can I do? I've fallen madly in love with her. Don't worry, you'll meet her soon. Huwag ka sanang mag-alala. I'm in a good condition. Hinding hindi ko pababayaan ang sarili ko. At huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, ate.
Don't be mad at me at me. We'll see each other soon. Bye, ate.
Sincerely yours,
Yojan
Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa katawan patungo sa ulo. Napakaraming
tanong ang nag-uuna-unahan sa isip niya. Kailan nailagay ng kapatid niya ang sulat? At kailan nito nagawang samsamin ang mga damit nito? Ibig sabihin ba ay umuwi ito kanina? Maaring ganoon na nga.
Ngunit ang pinakamalaking tanong niya sa lahat ay kung sino si Soraya? Ni dulo o simula ng pangalan nito ay hindi nabanggit ng kapatid niya. Pakatapos ngayon ay nakipagtanan na lang ito basta?
Hindi! Hindi maaari ito!
Sa labis na gigil ay pinagpunit-punit niya ang sulat ng kapatid. Magkikita raw sila soon? Hah! Kailan naman kaya iyon?
Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kapatid niya. Never in her wildest dreams. Not her sweet, shy brother, Yojan. Kung sinuman ang Soraya na iyon ay hintayin siya nito dahil babawiin niya ang kapatid mula sa mga kuko nito!
Soraya? Pangalan pa lang ay tunog mangkukulam na. Makikita nito at ng magaling niyang kapatid.
Malalaman ng mga ito kung paano magalit ang isang Jamicah Adcoy Guillermo!
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...