IX

7.3K 152 10
                                    

LUMABAS ng bahay si Micah matapos ang naging pag-uusap nila ng kaibigang si Neil. Hindi niya alam kung tama ba ang mga sinabi nito sa kanya. Subalit wala namang mawawala kung susubukan niya.

"Pinakamagandang lalaki sa balat ng Kanaway? That great, huh? Sige nga, paki-describe nga kung anong itsura ng Achaeus de Gala na 'yan, Jamicah."

She hissed. "Wala na akong oras para d'yan. Kung alam mo 'yong animal appeal, p'wes may idea ka na kung anong klase siya. At hindi 'yan ang dapat nating pag-usapan! The thing is... I think I'm attracted to him." Nakagat niya ang ibabang labi.

"Then good! About time na magkaboyfriend ka na."

"Hindi mo naiintindihan. Hindi nga 'yon ang ipinunta ko rito. Hindi ko gustong sumapi sa tribo nila. Sinusubukan ko siyang iwasan pero habang ginagawa ko 'yon ay parang mas lalo ko naman siyang naiisip."

"Ah, gets ko na. Eh, di huwag mong iwasan. Kasi kapag mas lalo mong iniwasan mas lalo ka lang maku-curious. Mas lalo mo siyang maiisip. Ang mabuti mong gawin ay subukan mong makipag-truce sa kanya. Kapag nakakasama mo na siya ng mas madalas siguro naman magiging mas komportable ka na sa kanya at mawawala na kung anuman 'yang nararamdaman mo ngayon."

Gullible as it may seem pero pinaniwalaan niya ang mga sinabi ni Neil. Nakita niya ang punto nito. Kung magiging familiar nga naman siya kay Achaeus ay hindi na siya matetensyon around him. Ang kailangan ay huwag niya itong iwasan o pagtaguan para kapag nagkaharap sila ay hindi siya nagugulantang.

Tama. Masasanay rin siya.

Paglabas ng bahay ay hindi niya ito nakita sa harap. Hindi kaagad siya umalis roon. Her eyes appreciatively roamed through the house and the landscapes. Maganda ang bahay ni Achaeus. Kaiba sa mga bahay na nakita niya noong unang dating niya. Mas modern ang dalawang palapag na bahay na iyon. Sa labas ay mukhang maliit iyon ngunit sa loob ay malawak ang espasyo.

Walang bakod ang bakuran. Ang nagsisilbing bakod ay mga kawayang halaman na kulay dilaw ang katawan at hindi gaanong kataasan. Sa tabi niyon ay may makakapal na bushes na hindi niya alam kung ano eksakto ang tawag. May mga halamang namumulaklak rin sa unahan. Nakakalatan naman ng pinong damo ang lupa. Tila pasadya.

Sa kaliwang bahagi ng bahay ay may coffee table at may duyan na parang pwede sa magsing-irog. Kasya kaya silang dalawa ni Achaeus roon?

Ano na naman 'yan, Jamicah?

Inalis na niya ang atensiyon roon. Lumigid siya sa likod na bahagi ng bahay. May naririnig siyang tila daloy ng tubig. Sinundan lamang niya iyon. Hanggang sa makita niya ang totoong pakay. Tulad ng sinabi ni Achaeus kanina ay nagpapaligo nga ito ng aso. Naka-side view ito mula sa kinatatayuan niya.

Siguro'y dahil sa laki ng aso nito kaya parang pati ito ay parang naligo na rin. At dahil doon ay napatanga siya. Para siyang nanonood ng commercial ng tamang pagpaligo sa aso.

Tumatawa ito sa bawat pagtilamsik ng tubig sa katawan nito dahil sa pagpagpag ng malaking asong leon. Nasundan niya ng tingin ang tubig mula sa mukha nito habang umaagos iyon pababa sa dibdib nito na nakakalatan ng pinong balahibo patungo sa may bahaging tiyan. Napalunok siya. Totoo palang may abs sa tunay na buhay. Alam niyang masama ang tumitig ng walang paalam. O kahit pa magpaalam ay masama talagang tumitig. Pero makulit ang mga mata niya. At matigas ang mga leeg niya. Ayaw bumaling.

Sa bawat pagkilos nito ay nagfe-flex ang muscle sa mga braso nito. He was surreal. Humahakab sa thighs at legs nito ang kupasing jeans nito na may mga punit sa bahaging tuhod. He was lethal. Face and body. He's sexy and handsome in the most rugged kind of way.

Nahaplos ni Micah ang lalamunan. Tila biglang nanuyo iyon.

"May kailangan ka ba? Ayaw sana kitang istorbuhin kaya lang kasi baka may gusto kang sabihin."

Napanganga si Micah. Ni hindi tumingin sa kanya si Achaeus ng sabihin iyon. Patuloy pa rin ito sa ginagawa. Lumingon siya sa kaliwa't kanan at sa likuran. Walang tao. Siya ang sinabihan ni Achaeus!

Ibinalik niya ang tingin sa binata. "Napadaan lang ako," pagpapalusot niya. Ang pinakawalang kwentang palusot sa lahat.

"You were staring."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi kita tinititigan!" mabilis ang tahip ng dibdib niya sa tindi ng pagkapahiya. Ni hindi man lang ito nagpakagentleman at nagkunwari na hindi alam ang ginawa niyang pagtitig rito! "Anong gusto mong palabasin? Binobosohan kita, gan'on?" bago pa niya napigilan ay nanulas na sa labi niya.

Tuluyang bumaling sa kanya si Achaeus. "Wala naman akong sinabi na ako ang tinititigan mo. I just said you were staring. Malay ko ba kung si Knight pala ang tinitingnan mo? So that only means... well, as you have said... binobosohan mo nga ba ako?"

"Hindi!" halos pumutok ang mga litid sa lalamunan niya. Binirahan niya ito ng talikod. Hindi uubra ang suhestiyon ni Neil. Hihiyain lamang niyang lalo ang sarili. Ngunit may naalala siyang itanong kaya lumingon siya. "Ano ba 'yang alaga mo? Aso o leon?"

He smiled. Saglit nitong sinulyapan ang aso. His eyes full of fondness. "He's a dog. Tibetan Mastiff ang breed. Talagang mukhang leon lang dahil sa kulay at itsura ng balahibo. But he's sweet, really."

Tumingin siya sa aso. Napakalaki talaga niyon. Kapag tumayo iyon ay tiyak na mas malaki pa kay Achaeus. And its tooth doesn't look sweet at all. Naiiling na tumalikod siyang muli.

"Miss Sungit?"

Bumaling siya rito habang nakatikom ang mga kamao. "Tawagin mo ako sa pangalan ko!"

"Finally," lumawak ang ngiti nito. He looked as though he had won the lottery. Mas lalong naging kahindik-hindik iyon para kay Micah dahil mas lalong namutawi ang kaguwapuhan nito.

"Gusto lang kitang tanungin kung gusto mo bang makita ang kabuuan ng Kanaway. Would you like to have a little tour? I'm serious."

Seryoso nga sa pagkakataong iyon si Achaeus. Nag-isip na mabuti si Micah. Kahit anong piliin niya ay parehong delikado ang lagay ng sistema niya at imahinasyon sa lalaking ito. Sasama ba siya?

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon