XIV

7.4K 162 4
                                    

NANG gabing iyon ay nagsisugod sa bahay ni Achaeus ang mga pinsan nito. Maraming dalang strawberry wine ang mga ito. Ang wine na siyang sinisisi niyang dahilan ng naging kabaliwan niya noong gabi ng piging.

Katatapos lamang nilang tatlo nila Ciara na maghapunan ng kumatok ang mga ito. They settled themselves comfortably on the living room.

"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ni Achaeus. Tila hindi nagugustuhan ang presensiya ng mga pinsan sa bahay nito.

"Don't worry, hindi ikaw ang binibisita namin," mabilis na sambot ni Dash. "Gusto naming bigyan ng welcome party si Micah. Why she's here for almost a week pero wala ka man lang yatang plano na gawin iyon." Sabay tingin at kindat kay Micah.

She just rolled her eyes. Kilala niya ang dalawa pa sa mga naroon, si Yanno at Brien. This time ay may kasama ng babae ang mga ito at isa pang lalaki na sigurado siyang pinakabata sa lahat. Marahil ay kaedad lamang ni Yojan.

"Hi, I'm CJ," pakilala sa kanya ng babae na may mahaba at alun-along buhok. Malugod na tinanggap ni Micah ang pakikipagkamay nito. "Finally, nakilala din kita. Maraming kwento sa'kin 'tong mga kolokoy kong pinsan."

Natawa si Micah. "I hope maganda ang mga kwento nila."

"Pulos magagandang bagay lang ang lumalabas sa bibig ko pagdating sa'yo," nakangising wika ni Dash bago naupo sa tabi ni Micah.

She rolled her eyes. Obvious na parati nitong sinasadya na dumikit sa kanya at makipag-flirt. Pero sigurado naman siyang hindi ito interesado sa kanya.

"Kilala mo na kami," turo ni Yanno sa sarili maging kay Brien.

"I'm Livio," pakilala ng pinakabata. Akmang kukunin nito ang kamay ni Micah ngunit mabilis na naiiwas iyon ni Dash.

"No touch. May magagalit," ani Dash bago hinayon ng tingin si Achaeus na magkasalubong na ang mga kilay. "Ako!" mabilis na dagdag nito bago humalakhak ng mapang-asar.

Kasunod niyon ay naagaw ang atensiyon nilang lahat ng babaeng kapapasok pa lamang. Ngumiti ito. At seductive kind of smile. "Late na ba ako sa party?"

The woman was wearing a halter floral dress na umabot hanggang sa sakong ang haba subalit bukas naman sa gitna kayat sa bawat pagkilos nito ay lumalabas ang mahahaba at pang modelong mga hita at binti. Tila rumarampa ito sa stage kung makalakad.

Umabrisete ito kay Achaeus ng tuluyang makarating sa sala. "Long time no see, Achaeus."

Pinigil ni Micah ang mapasimangot sa nasaksihan. Halatang-halata na pinaaarte nito ang boses. Sino naman ang babaeng ito?

"We've seen each other a few days ago, Sabina," ani Achaeus.

Lumabi ito. Parang gusto tuloy ni Micah na lapirutin ang napakapulang labi nito sanhi ng lipstick. "Kahit isang araw lang matagal na sa'kin."

Umarko ng tuluyan ang kilay ni Micah. Aba't mukhang may relasyon. Humigpit ang pagkakakuyom niya ng mga palad wala siyang ibang naririnig ni nakikita kundi si Achaeus at ang Sabina na iyon kaya't nagulat pa siya sa bulong ni Dash. "Relax. Ex siya ng pinsan ko." Napatingin tuloy siya rito. He smiled sheepishly. "Listen, you don't have to feel threatened. I'll help you out."

"Umpisahan na ang party!" malakas na tawag ni Dash sa atensiyon ng lahat.

Naglabas si Ciara ng mga baso at iba pang snacks. Si Sabina naman ay pinakialaman ang component ni Achaeus na tila ba pamilyar ito roon. Nagpatugtog ito ng malamyos na tugtugin at niyayang magsayaw si Achaeus.

Gustong gusto ni Micah ang jazz music ngunit sa mga sandaling ito ay parang gusto niyang hilahin ang lahat ng wire na nagkokonekta sa saksakan matigil lamang ang tugtog. Sa tingin niya ay hindi naman nagsasayaw si Achaeus at Sabina. Parang nagyayakapan lamang ang mga ito sa dulong bahagi ng sala. Tila sadyang lumayo sa kanila.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon