VII

7.8K 166 4
                                    

PAGSAPIT ng tanghali ay lumabas ng kwarto si Micah. Nauuhaw na siya at naiinip sa loob ng kwarto. Subalit bago siya lumabas ay tiniyak niya na presentable ang itsura niya. Nagsuot siya ng floral blouse at denims at plinantsa niya ng makailang ulit ang buhok niya. Isang taon na mula ng huli niya iyong ipa-rebond. Kaya naman kapag hindi niya nagagawang i-blow dry o plantsahin ay kung saan-saang direksiyon iyon tumutungo.

Naglagay rin siya ng kaunting face powder at lip balm. Gusto sana niyang maglagay ng lipstick ngunit naisip niya na baka makita siya ng Achaeus na iyon at isipin pa na nag-ayos siya para rito.

Gusto niyang dagukan ang sarili. Wala naman talaga siyang pakialam kung anuman ang isipin ng mga lalaki sa paligid niya. Ngunit iba ang kaso kay Achaeus. Hindi niya gustong isipin nito na nagpapapansin siya rito. Gusto niyang bawiin ang pride niya mula sa ginawa niyang walang habas na pagtitig rito kanina.

Bumaba siya sa malawak na sala ng bahay. May dalawang daanan siyang nakikita mula roon. Kaliwa at kanan. Hindi siya sigurado kung saan dahil hanggang sala lang naman ang napasok niya kahapon. Pinili niya ang kanan.

Pagpasok niya sa pinto ay napahinto siya. Naroon si Achaeus at nag-aayos ng mesa. Obviously para sa lunch. Huli na para umatras siya dahil tila naramdaman na nito ang presensiya niya kaya't nag-angat ng paningin.

"Tamang tama lang ang pagbaba mo. I was about to come up para tawagin ka. Here, have a sit," naghila ito ng isang upuan.

Pwede niyang sabihing busog siya at kukuha lang ng tubig. But instead she act cool about it at naupo sa hinila nitong silya. "Thank you."

Bakit siya tatanggi gayong nakakahalina sa paningin niya ang chopsuey at beefstake na nakahain? Kakain siya at wala siyang pakialam sa opinyon nito. Nang iabot nito sa kanya ang bowl ng kanin ay walang imik na inabot niya iyon.

Kung totoo ang sinabi ni Ciara na walang mga kasambahay sa lugar na iyon ay malamang na si Achaeus ang nagluto ng lahat ng ito. O pwede rin namang si Ciara. Ayaw naman niyang itanong iyon sa binata. Pero kung sakaling ito ang nagluto, well, that's quite impressive. But speaking of Ciara, nasaan na nga kaya ito? Palihim na gumala ang paningin niya.

"Ciara went home. Ang sabi ko ay ako na ang bahala sa'yo."

Muntik na siyang mabulunan. Mabilis siyang uminom ng tubig. Mas lalo niyang binilisan ang pagkain. Talaga bang pinagmamasdan siya nito para mabasa kung anong iniisip niya o kaswal lamang itong nagsasabi? Either way ay ayaw pa rin niyang tingnan ang mukha nito. Kapag napatitig na naman siya rito ay baka makahulagpos na naman siya sa sarili at matitigan ito.

"Sa palagay ko ay magpapabukas na sila Soraya at Yojan sa pagbalik dito."

Napangiwi si Micah. Hindi magandang balita iyon.

"Gusto mo bang ipasyal kita sa kabuuan ng Kanaway?"

Noon na tuluyang napaangat ang tingin ni Micah. Huli na para muli siyang yumuko. Natangay na naman siya ng appeal nito. Napatitig siya sa mga labi nito habang ngumunguya ito. His mouth looks luscious. Uminom lamang ba ito ng tubig o sadyang ganoon talaga ang labi nito.

"So... ipapasyal ba kita o dito na lang tayo?"

Tumaas ang mga mata niya patungo sa mga mata nito. Mga mata na nagsasayaw sa kaaliwan. Yumuko siya upang itago ang tiyak na pamumula ng mukha. Kaninang umaga ay nakikipagtalo ito sa kanya. He even warned her. Pagkatapos ngayon ay tila wala na iyon dito. Pinakain pa siya. Ano ba talagang klaseng ugali mayroon ito?

"Salamat but my answer is no."

"No to both? Magkwentuhan na lang tayo para hindi ka masyadong mainip."

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon