X

8.2K 171 3
                                    


NAPAPASULYAP si Achaeus sa direksiyon ni Jamicah habang kausap niya ang isa sa mga tagapangasiwa ng Kanaway. Kausap naman ng dalaga si Ciara. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito dahil walang kangiti-ngiti si Jamicah. Marahil rin ay sadyang hindi lang ito mahilig ngumiti. Hindi pa niya ito nakitang ngumiti mula ng dumating ito n'ong isang araw. Aminado siya na hindi niya inaasahan ang pagpayag nitong sumama sa kanya.

Siguro ay dahil naiinip na ito sa naroon lamang sa loob ng silid. At naiinip rin siya. His body seems like wanting to stay in a place where she is.

Mabuti na lamang rin at sumama ito ngayon. Hindi maaring hindi siya umalis. Meeting ngayon ng mga taga-Kanaway na ginaganap kada buwan. At siya bilang tumatayong leader ang magpapasimuno niyon. Ang agenda ng meeting nila ay para sa nalalapit na anihan ng mga pananim na gulay. Napapanahon na para sa muling pag-ani ng repolyo at patatas.

Naroon sila ngayon sa field kung saan rin ginaganap ang lahat ng okasyon o selebrasyon sa kanaway. Iyon lamang kasi ang lugar na kayang i-accommodate ang lahat ng mga taga-Kanaway.

Isa siyang arkitekto. Ngunit sa halip na magtayo ng sarili niyang firm ay ipinagpatuloy niya ang nasimulang proyekto ng nasirang ama. Ang Kanaway. He was only twenty-one then. Namatay sa aksidente ang papa nila ni Raya habang patungo ito ng Maynila. Tuluyan silang naulila dahil ang mama nila ay namatay sa panganganak sa ikatlo sana nilang kapatid ni Raya.

Noong mga panahong iyon ay dinedevelop na ang lupain ng Kanaway. Lupa ito na minana ng papa niya kasama ang iba pang mga pinsan mula sa lolo ng mga ito. Lupa na nasa hanggang ng La Trinidad dito sa Benguet. Ngunit dahil nga sa untimely death nito ay napilitan siyang akuin ang bahagi ng papa niya. Isa siya sa tumulong na magdisenyo ng mga bahay na naroon.

Mahigit sa kalahati ng lupain ng Kanaway ay pag-aari pa ng pamilya niya sa ngayon. Ang mga bahagi ng mga tiyuhin niya ay ipinaubaya na rin sa anak ng mga ito na pinsan naman niya. Siya ang pinakamalaki ang lupang pag-aari sa kanilang magpipinsan kaya't siya ang may huling salita sa mga bagay bagay. Ang kalahati ng Kanaway ay sa mga tao na ginustong manirahan sa lugar na iyon. A lot of the houses and lots were being paid by installment. Payag siya sa ganoon. Sa loob ng lumipas na siyam na taon ay naging maganda at unti-unting na-establish ang komunidad ng Kanaway.

His family may be more of Spanish descent lalo na sa anyo ngunit mas matibay naman sa kanila ang kaugaliang Pilipino lalo na ang pagiging Igorot. Kaya nga magpasahanggang ngayon ay sinusunod pa rin nila ang mga tradisyon.

Sa ngayon ay marami pa siyang plano para i-develop ang lugar na ito. Mga plano na naudlot ng bahagya dahil sa biglaang pag-aasawa ng kapatid niyang si Raya. She's only twenty-one. Kaka-graduate pa lamang nito. She's supposed to help him. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Gusto niyang kagalitan rin ito na tulad ng ginagawa ni Micah kay Yojan. Ngunit somehow ay alam niyang wala na ring maitutulong ang bagay na iyon.

May sariling isip ang kapatid niya. She's not a kid anymore. And she's a de Gala. Walang bobong de Gala.

And on the other hand, kung hindi nangyari ang lahat ng ito ay hindi sana niya makikilala ang ubod ng ingay at feisty niyang hipag. Muli niyang hinayon ng tingin ang direksiyon ni Micah. Nangunot ang noo niya ng makita na kasali na sa umpukan ang pinsan niyang si Dash. Nagsalubong ng husto ang kilay niya dahil nakangiti si Micah at tila sakay na sakay sa kung anuman ang pinagsasabi ng bolero niyang pinsan.

"Magsisimula na ang meeting natin," malakas na wika niya upang makuha ang atensiyon ng lahat. Nang tumingin sa kanya si Micah ay nagtama ang mga paningin nila. Wala na ang ngiti sa mukha nito.

Nakaramdam siya ng labis na iritasyon. So it's not that she doesn't smile. Pinipili lang ang ngingitian. Nag-iwas siya ng tingin bago pa mapasimangot.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon