NAGISING ang diwa ni Micah dahil sa tunog na naririnig. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Disoriented pa siya sa hindi pamilyar na anyo ng nakikita. Mas lalo pa iyong nadagdagan ng humarang sa paningin niya ang mukha ng isang nakangiting babae.
"Hi! Nagising ba kita? Sorry, ha? Nakisuyo kasi si Raya na dalhan kita ng breakfast dahil sigurado raw na nagugutom ka na. Para paggising mo ay makakain ka na."
Breakfast... Raya? Soraya?
Tuluyang nagbalik sa isip niya ang lahat. Lahat-lahat ng nangyari kagabi hanggang sa mawalan siya ng malay.
"Nasaan si Yojan at si Soraya?"
"Nagpunta sila ng Baguio. May kailangan yatang asikasuhin."
Nakaramdam ng lungkot si Micah. Ni hindi nagpaalam sa kanya ang kapatid.
"Pero huwag kang mag-alala babalik din sila kaagad. Hindi ka na nila ginising dahil daw alam nilang pagod ka," sagot nito na tila nabasa ang naiisip niya. "Ako nga pala si Ciara," inilahad nito ang palad sa harap niya.
Friendly naman ang bukas ng mukha nito kaya't tinanggap niya ang pakikipagkamay. "Micah."
"It's a pleasure to meet you. Walang silang kasambahay, hindi kasi uso dito sa amin ang ganoon. Kaya nakisuyo sa akin si Raya na asikasuhin ka habang wala sila ni Yojan."
Iwinasiwas niya ang kamay. "Wala rin akong kasambahay sa Maynila. I can take care of myself. Salamat sa kabaitan mo."
Inakala ni Micah na aalis na si Ciara. Subalit naupo na ito sa gilid ng kama. Ngunit bago iyon ay inilapag muna nito sa harap niya ang tray ng pagkain. Napilitan tuloy siya na kumain na. Nakaramdam siya ng ginhawa matapos makahigop ng mainit-init na kape. Iba ang lasa ng kapeng iyon. Higit na masarap kaysa sa mga naiinom niya sa Maynila.
"Anong masasabi mo sa lugar namin?" anito sa conversational na tono.
"Maganda actually," tapat na tugon niya. "At malinis."
Humagikhik si Ciara. "How about the de Gala men? Nakita mo na ba sila or si Achaeus lang?"
Napaisip siya. Kung ang de Gala men ang tinukoy nito, ibig sabihin ay iyong mga pinsan siguro ni Soraya. Pero ang Achaeus na sinasabi nito ay wala siyang ideya.
"Hindi mo kilala si Achaeus?" nang umiling siya ikiniling nito ang ulo. "Siya iyong kapatid ni Raya. Binuhat ka pa nga niya kagabi ng mawalan ka ng malay. Nakakainggit ka! Anong pakiramdam ng buhatin ng isang Achaeus de Gala? Ay, wala ka nga palang malay."
Natigil sa pagkain si Micah. Nawalan siya ng gana sa pagkaalam kung sino ang Achaeus na tinutukoy nito. Iyon pala ang walang modong kapatid ni Soraya. Talagang mapapatay niya ang kapatid dahil hinayaan siyang buhatin ng ibang lalaki.
"Si Achaeus ang leader namin dito sa Kanaway," pagpapatuloy ni Ciara. Walang ideya sa bugnot na tumatakbo sa isip niya. "Kumbaga, siya ang parang tumatayong president ng homeowners. Oo nga at sa mga de Gala ang nakahihigit na bahagi ng Kanaway pero may ibang nagmamay-ari rin ng lupa. Hindi purong angkan lang ng mga de Gala ang nakatira rito. Ang iba pa nga sa lupa nila ay ipinamigay nila. Mayaman sila, sobra. Marami silang lupain sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province pati na rin sa Baguio. Ang alam ko ay pati na rin sa Maynila."
Napukaw niyon ang interes niya. "Gaano karaming de Gala ang nakatira rito? Bakit si..." sino nga ba 'yon? "si Achaeus ang leader n'yo rito? Wala na bang mas nakatatandang de Gala?"
"Mer'on naman, pero masyado ng matanda ang mga de Gala na iyon. Elders ang tawag sa kanila. Ipinaubaya na nila kay Achaeus at sa mga pinsan niya ang lahat. Si Achaeus nga ang leader dahil pinaka responsible siya. Marami rin sa magpipinsang de Gala ang may posisyon rito sa Kanaway. Pero may iba rin namang may say na hindi de Gala."
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...