XIII

7.4K 178 5
                                    


YAKAP raw siya ni Achaeus kaya't hindi niya alintana ang lamig. Iyon ang napapanaginipan ni Micah. Napapangiting mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa binata. Parang totoong totoo talaga dahil ramdam na ramdam niya ang init ng balat nito. Hindi lamang ang init nito ang nararamdaman niya kundi ang matitigas rin nitong mga braso at katawan.

Parang totoo. Nahahawakan niya ito. Kagyat na napadilat si Micah. Ang unang rumehistro sa kanya ay ang katotohanan ng yakap ni Achaeus. Nakayakap nga ito sa kanya at nakadantay pa siya rito. Naglumikot ang mga mata niya. Naroon sila sa sala ng bahay nito.

Kasabay ng unti-unting pagbalik ng ala-ala niya ng nagdaang gabi ay ang panlalaki ng mga mata niya. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Hindi totoo ang mga sabi-sabi na nakakalimutan ng isang tao ang ginagawa niya kapag nalalasing siya. Alalang-alala niya ang lahat! Nakakahiya!

Isang makapigil hiningang tagpo ang sumunod. Dahan-dahan siyang kumilos upang alisin ang pagkakapulupot ng mga braso ni Achaeus sa kanya. Ngunit hindi pa man niya lubusang natatanggal iyon ay humigpit na ang yakap nito sa kanya. Napasinghap siya.

"Let's sleep some more."

Parang sasabog na ang puso niya sa tindi ng tibok niyon. "H-hindi na ako inaantok." Totoo naman.

"Planning to flee?"

Nanlaki ang mga mata niya. Dahil sa inis ay itinulak niya ito ng malakas. Hindi lamang ito nakabitaw sa kanya kundi nahulog pa sa sahig. "Sinasamantala mo ako!"

Nagbangon ito at humalukipkip. He matched her expression. "Look who's talking. Kung may nanamantala man rito ay ikaw 'yon, Miss. I'm holding on to your word last night so I assumed na natatandaan mo ang lahat ng sinabi at ginawa mo kagabi."

Napangiwi si Micah. At talagang ipinaalala pa. Pero nuncang aaminin niya iyon. "Wala akong natatandaan." Nagmamadali siyang tumayo mula sa sofa. Halos takbuhin na niya ang patungo sa hagdan.

"Jamicah," tawag ni Achaeus ng nasa may gitna na ng hagdan si Micah.

"Bakit?"

"I'll make a cup coffee. Gusto mo bang gawin ko ng dalawa?"

Umiling siya. Paakyat na sana siyang muli ng may maisip. Lumingon siya. "Tea. Tea ang gusto ko."

He smiled. Hindi lamang ang mga labi nito kundi ang mukha. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa binata.

"If I had known na gusto mo akong ngumiti sa'yo, disinsana'y palagi na kitang nginitian."

Napalunok si Micah. Hindi siya makaapuhap ng tamang sabihin. Sa huli ay tumalikod na siya at ipinagpatuloy ang pag-akyat. But she was smiling all the way.

MATAPOS magluto nila Ciara at Micah ng pananghalian ay umakyat na ang huli patungo sa study room ni Achaeus upang tawagin ito. Nitong nakalipas na dalawang araw ay halos doon na rin tumira si Ciara sa bahay ni Achaeus. Umuuwi lamang ito para maligo at magpalit ng damit.

Para raw iyon sa ikapapanatag ng buong Kanaway. Walang kaso iyon sa kanya. Habang narito kasi si Ciara ay panay rin ang labas ng binata. Sinu-supervise raw nito ang pag-aani. Kung hindi man ganoon ay nasa loob lang ito ng study room. Hindi naman siya naiinip. Sinumang makasama si Ciara ay hindi yata makadarama kahit saglit na pagkainip. She was funny and friendly.

Napansin lamang niya na madalas paksa ng mga kwento nito ang isa pang de Gala. Si Lucas de Gala na hindi marunong ngumiti. Ayon dito ay hate na hate raw nito ang binata. Pero kabaliktaran naman ang nakikita niya.

Pagdating sa study room ay kumatok muna siya bago buksan iyon. Pagbukas niya ng pinto ay kagyat na nag-angat ng tingin ang binata mula sa binabasa sa mesa. Awtomatikong gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi nito. Tila nababatubalani siya habang humahakbang papasok ng study. He had the most gorgeous smile she had seen. At simula noong nakaraang dalawang araw ay awtomatikong gumuguhit ang ngiti sa mga labi nito kapag nagtatama ang mga paningin nila.

She suddenly realized she missed him... missed talking to him. Kahit pa nga ba sa tuwina ay wala namang nararating ang mga usapan nila.

"May kailangan ka?"

Napakurap si Micah. Nakatayo na siya sa harap ng mesa. "Nakakalimutan ko ang sasabihin ko kapag nginingitian mo ako ng ganyan."

He laughed. Ngunit ng magusot ang mukha niya ay inilagay nito ang likod ng palad sa bibig upang pigilin ang pagtawa.

"Naalala ko na. Kumain na tayo, naihanda na namin ni Ciara ang mesa."

Tumango ito. "Susunod na ako."

Naglalakad na siya palabas ng study ng maagaw ng isang portrait ang atensiyon niya. Tumigil siya at tinitigan iyon. Oil painting iyon. Hindi mahirap hulaan na si Achaeus ang binata roon na tila nasa early teens. Ang baby naman na karga ng napakagandang babae ay tiyak na si Soraya. And of course, the woman carrying her must be their mother. At ang makisig na ginoo sa tabi nito ang tatay nila Achaeus at Soraya. Napangiti siya habang nakatingin roon. They're a beautiful family. Hindi niya maiwasang hindi managhili. Sumagi sa isip niya ang sariling pamilya.

"Nasaan na ang parents n'yo ni Soraya? Kasama ba sila ng mga elders? Bakit wala ka yatang naiku-kwento tungkol sa kanila? What were your mom and dad like?" tinapunan niya saglit ng tingin ang binata bago muling ibinalik ang mga mata sa portrait. Her eyes were trained on Achaeus. Bata pa lamang ito ay promising na talaga ang anyo nito.

Achaeus cleared his throat. "My mother... I believe she's in heaven."

Napabaling siya rito. "In heav–" natigilan siya. Bumalik ang tingin niya sa portrait. So that explains kung bakit hindi latest ang edad ng mga ito sa portrait.

"Yeah, in heaven. She died giving birth sa ikatlo sana naming kapatid. But she died. And so the little angel. Mahigit isang taon pa lamang noon si Soraya. And then my father was in heaven as well. He died on car accident years ago when I was in my early twenties. Kami na lang ni Soraya ang naiwan. But I remember my mom and dad to be the best of all. Of course, all parents are."

"It must have been hard on you and Soraya..." wala sa loob na nausal niya. Baby pa si Soraya ng mawalan ng ina. And she was even younger than Yojan when her dad followed.

Habang nakatitig siya sa portrait na iyon ay tila nakalkal din ang sugat sa puso niya. "Did you cry?" she could almost see Achaeus as a boy. Umiiyak dahil sa pagkawala ng ina nito.

"I did."

Tumango siya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin niya maialis ang tingin sa portrait. Naramdaman na lamang niya na may mainit na likidong dumadaloy sa pisngi niya. Pinahid niya iyon.

"Did you miss your parents?"

Tears. How long did she avoid letting a single teardrop fell from her eyes? Ang huling pag-iyak niya ay noon pang gabi na tuluyang mailibing ang mga magulang nila ni Yojan. She was brave after that. Iyon ang akala niya. Dahil para sa kanya ay iyon ang sukatan ng pagpapakita ng tapang. Ang hindi pagpapakita ng emosyon.

"I do," narinig niya ang tinig ni Achaeus na malapit lamang sa kanya. Gayunpaman ay hindi niya ito tiningnan. Ayaw niyang ipakita ang mga mata rito na nanlalabo na sanhi ng luha. "I miss them a lot. I even cry sometimes. Lalo na kapag nagkakasakit ako... at kapag nagkakaproblema sa pagpapalaki kay Raya."

Napahikbi na siya ng tuluyan. Siya rin. May mga gabing nagkakasakit siya na nagigising na lamang siyang tinatawag niya ang mga magulang niya. She she still wouldn't cry.

"When I'm alone, I missed talking to them. And when I have accomplishments, gusto kong makita nila. Dahil gusto mong ipagmalaki nila ako. I want to joke and laugh with them. Kapag nagagalit ako, kapag naiinis, gusto kong magsumbong sa kanila. And when I'm happy I want to share it with them."

Exactly. That was everything she was feeling. As if his words had hit the key to the dam of her emotions. Tila ilog na bumuhos ang mga luha niya. Napasubsob na siya sa mga palad. Nang maramdaman niya ang pagkabig ni Achaeus payakap sa kanya ay napahagulgol na siya ng tuluyan. Ang paghagod ng palad nito sa likod niya ay tila nagsasabing ilabas lamang niya ang lahat ng kinikimkim na emosyon.

"Shh... let it go, honey," paulit-ulit na usal nito habang patuloy siya sa pag-iyak. Lumipas ang mahabang sandali. Nang makarinig sila ng mga katok mula kay Ciara ay sinabi na lamang ni Achaeus na susunod na sila.

Nang tumigil si Micah sa pag-iyak ay namumula ang mata at ilong niya. He touched her face. "Are you alright?"

Tumango si Micah. "I feel a lot better."

He smiled at that. "I'm glad," he said before kissing her head.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon