XX

13.4K 374 37
                                    


NAG-ANGAT ng paningin si Micah ng marinig ang pagtawag ni Neil. Niyayaya siya nitong kumain ng lunch. Nag-inat siya ng mga braso bago inikot-ikot ang ulo.

"Susunod na ako," tugon niya na may kasama pang pagwasiwas ng mga kamay.

Tumango naman si Neil. Silang dalawa na lamang kasi ang naiwan sa department nila. Patungo na si Neil sa pinto ng bumukas iyon. Kasabay ng pagsinghap nito ay ang labis na pagkagulat naman ni Micah.

Pumasok mula roon ang pinaka gwapong nilalang na nakita ni Micah sa buong buhay niya. Kung makatahip ang dibdib niya ay parang hindi niya ito nakita kaninang umaga lang. He was wearing a simple white shirt, kupasing maong at tulad ng dati ay nakapusod ang buhok nito. Ngunit kahit ganoon ay tila ang lugar pa nila ang dapat na mag-adjust dito. His presence alone can dominate the whole place.

Diretso ang tingin nito sa kanya bagaman hindi tuluyang lumapit. Hindi niya magawang iiwas ang paningin. Namamanghang pinaglipat ni Neil ang paningin sa kanilang dalawa. Nang marehistro rito kung sino si ang lalaking dumating ay natutop nito ang bibig.

"Ikaw si Achaeus de Gala? Ang pinakamagandang lalaki sa balat ng Kanaway?"

Those words forced him to stray his gaze from Micah. He stared at Neil while chuckling. "I'm flattered. Iyan ba ang sinabi sa'yo ni Micah?"

Ngumisi si Neil. "Kulang ang pagkaka-describe niya. She didn't said you're sexy. Gusto mo bang maging cover model ng magazine namin? Siguradong papasa ka. I'm Neil, by the way."

"My pleasure to meet you Neil. I'm glad hindi ko na kailangang ipakilala ang sarili ko."

"Oo naman. Kilalang kilala na kita."

Nagtunugan ang mga ngipin ni Micah sa naririnig. Trust her friend to betray her when it comes to men. Kunwa'y pinagpag niya ang gilid ng table upang bumalik sa kanya ang atensiyon ni Achaeus. Mukhang gusto na itong lambitinan ng kaibigan niya.

Pinaikot ni Neil ang mga mata. "Oo, aalis na nga ako. Mag-usap kayong mabuti ha? Walang lalabas dito hangga't hindi kayo nagkakaayos. Lalagyan ko ng do not disturb na sign sa labas."

Nang tuluyang makalabas si Neil ay nagkunwari si Micah na abala sa trabaho. Itinutok niya ang atensiyon sa computer monitor at basta na lamang nagbukas ng kahit anong file. Nakikita niya na nakatayo si Achaeus sa harap niya ngunit binalewala lamang niya ito.

Makalipas ang ilang sandali ng awareness sa pagtitig nito sa kanya ay hindi na siya nakatiis. Nag-angat siya ng paningin. Nagtama ang mga mata nila dahil doon. Sinasabi na nga ba niya, eh.

"Hindi ko alam kung paano kang nakapasok dito, let alone nakaakyat ng building na ito. But it doesn't matter. May kailangan ka ba?"

"I happen to know someone who works here. Humingi lang ako ng katunting pabor because I want to see you. Marami akong gustong sabihin sa'yo. Hindi ko gustong maghintay pa hanggang mamaya. I'd like you take you out to lunch. Kung papayag ka."

Umismid siya. "Ayoko. Kung anuman ang sasabihin mo ay sabihin mo na ngayon."

Tumitig ito sa kanya. Matagal. Tila ginagalugad ang bawat sulok at kailalimang bahagi ng kaluluwa niya. Humigpit ang pagkakawak niya sa laylayan ng shirt na suot huwag lamang maiiwas ang mga mata.

"Hindi mo ba ako gusto, Micah? Wala ka man lang bang nararamdaman para sa'kin kahit kaunti?"

"Anong dahilan at itinatanong mo sa'kin 'yan? Kung sabihin kong oo? Ano ngayon ang gagawin mo?"

Nangislap ang mga mata ni Achaeus. Tumaas ang mga kamay nito at inabot ang pisngi niya saka magaang humaplos. Umalon ang dibdib niya sa sensasyong dulot ng hawak nito. Kung hindi lamang siya nakaupo ay baka bumuway na ang tayo niya.

"Can we be together, Micah? Will you allow me to be part of your life?"

Tila napapasong inilayo niya ang mukha. "How about Sabina?"

Nangunot ang noo nito. "What about her?"

"Balak mo ba kaming pagsabayin? O itatapon mo na siya kapag sumagot ako ng oo sa'yo? P'wes kung gan'on mas lalo mo lang akong binibigyan ng raso para huwag kang tanggapin! Paano kung balang-araw ay makahanap ka ng iba at ako naman ang itapon mo?"

Napamaang ito sa kanya. "Where did you get that idea? I thought you knew all along na wala na kami ni Sabina?"

Napatayo na siya ng tuluyan. Gigil na dinutdot niya ang dibdib nito. "Kung hindi ko sana kayo nakita n'ong nasa Kanaway pa ako malamang na maniwala ako sa mga pinagsasabi mo ngayon. You were back in each other's arms! Dalawang beses ko kayong nakita kaya hindi ka makapagkakaila."

"Listen to me, Jamicah Guillermo. Yes, aaminin ko na nag-usap nga talaga kami. She wants us to reunite. But you have to know na hindi ako pumayag."

"Walang rason para hindi ka pumayag kaya hindi pa rin ako maniniwala." Sa isip ay naalala ang anyo ni Sabina. Walang lalaki ang tatanggi rito.

"You always talk about reasons." He said in a low whisper. "Let me give you a reason kung bakit hindi ako pumayag na magbalikan kami at kung bakit narito ako ngayon sa harap mo at handang magmakaawa na tanggapin mo kung may nararamdaman ka naman sa'kin kahit kaunti lang." He paused just to make a step closer. Pinagpantay nito ang mga mukha nila. "Because I'm in love with somebody else. And that is you, Jamicah."

"You love me..." tila parrot na gagad niya rito.

"Yes, I love you," his eyes brimming with sincerity. "I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o n'ong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name. But it doesn't matter. Walang saysay ang damdamin ko kung hindi mo naman ako tatanggapin sa buhay mo." Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. "Be with me."

Hindi ito nakipagbalikan kay Sabina. And he loves her. Namuo ang mga luha sa sulok ng mga mata niya. "Gusto mo akong sumama sa'yo pagbalik mo ng Kanaway?" she asked hopefully.

Tumuwid ito ng tayo. He misunderstood what she said. Naging napakaseryoso ng bukas ng mukha nito

"I'm not ordering you to live with me, Micah. I'm asking you to live with me. But I'm asking you right now kung gusto mo bang sumama sa akin pabalik sa Kanaway, live with me and be my wife. Pero kung ayaw mo naman na bumalik sa Kanaway, I'll still ask you the same question. Kahit saan mo gusto ay okay lang sa akin basta't kasama kita."

Nasapo ni Micah ang dibdib. She was panting for breath. She can't believe what she just heard. Simula sa deklarasyon nito ng pagmamahal hanggang sa proposal nito. Of course asking her to be his wife was a proposal, isn't it? And he was willing to left Kanaway for her. Pero hinding hindi niya gugustuhing gawin nito ang bagay na iyon.

"Are you okay?" Puno ng pag-aalalang tanong nito. Sinapo ang mukha niya.

"What made you think na hindi ako papayag sumama pabalik ng Kanaway?" she smiled... ever so slowly. "I'm willing to go to the ends of the earth with you when you said you love me."

Unti-unting nag-crack ang kaseryosohan sa mukha nito. Napalitan iyon ng labis na kagalakan. Hindi na napigilan pa ni Achaeus ang damdamin. He leaned closer and kissed her. He kissed her over and over until they were both breathless.

"Hindi mo pa sinasabing mahal mo ako," bulong nito sa labi niya.

"I love you. I love you... I love you, Achaeus de Gala."

"You have to marry me."

"I will... kahit kailan, kahit saan."

Sa labis na kaligayahang nadarama sa mga sandaling ito ay kaya niyang ipangako ang kahit na ano sa binatang minamahal.

Sinapo nito ang mukha niya at pinagtama ang mga mata nila. "Patawarin mo ako sa masasakit na salitang nasabi ko sa'yo. You can punish me everyday with our lifetime together."

Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at hinila ito palapit. Bago tuluyang maglapat ang mga labi nila ay tumigil siya sa gadaling pagitan. "Mas gusto kong marinig ang declarations mo ng pagmamahal. Tell me you're all mine as I'm all yours..."

"I will... I will always..." hindi na nito natapos pa ang sasabihin. Sa halip ay tinawid ang pagitan ng mga labi nila para sa isang marubdob na halik.

Wakas...

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon