"PATAWARIN mo ako, ate."
Nanlisik ang mga mata ni Micah. "Patawarin? Huwag mo akong patawanin, Yojan! Ginawa mo akong katatawanan!"
Naroon silang lahat sa sala ng bahay kung saan nakatira si Soraya. Magkatabi si Yojan at ito. Sa kabila ng ganda at uniqueness ng bahay ay hindi niya magawang i-appreciate iyon. There's even a fireplace na ngayon ay may sindi.
Sa kabila ng pagtutol niya kanina ay natuloy pa rin ang seremonya. Pero para sa kanya ay walang bisa iyon. Saan ba inirehistro ang kasal na iyon? Sa dahon ng saging o sa likod ng pagong? Kalokohan lamang iyon.
Mas lalong bumakas ang pinagsamang lungkot at takot sa mukha ni Yojan. "S-sorry talaga, ate. Hindi ko naman intensiyon talaga..."
"Hindi mo intensiyon?" agaw niya rito. Hindi na siya nakapapigil pa. Dinaluhong niya ang kapatid. Pinagsusuntok niya ito. Sa kabila ng pag-iwas nito ay may tumatama pa rin sa mga bira niya. Hindi niya minsan man pinagbuhatan ng kamay ang kapatid. Ngayon lang dahil mukhang iyon ang kailangan nito para matauhan.
"Ate, tama na po, ako na lang ang saktan mo!" sambot ni Soraya na pilit prinotektahan si Yojan.
Tumigil si Micah sa pag-atake sa kapatid. Tamang tama si Orly. Kulang pa nga yata. Sobrang ganda at napaka soft spoken ni Soraya. Ito iyong tipo na kahit yata surot ay hindi kayang saktan. Kahit ipagduldulan nito ang sarili sa kanya ay hindi niya ito magagawang saktan.
Pahalukipkip na nagbalik siya sa kinauupuan. "Alam n'yo naman siguro na walang bisa ang kasal n'yo kahit gaano pa ka-sagrado iyon sa lugar na ito," matter of factly na wika niya.
"True. But you should know na naikasal na silang dalawa sa huwes kahapon. So this ceremony is just a formality. And as you have said, para sa ikasasagrado nga lang ng pagsasama nila and to pay respect to our ancestors," sabat ng lalaki na nakasandal sa saradong pinto.
Saglit na tinapunan ito ng matalim na tingin ni Micah. Kanina pa siya aware sa lalaking iyon na nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto. Binabale-wala lamang niya dahil wala naman siyang pakialam sa ibang tao. Bumalik ang tingin niya sa kapatid. Mas dumoble ang panggagalaiti niya.
"Kailan mo balak ipaalam ang lahat ng ito sa akin, Yojan? Hanggang kailan mo ako gustong pagmukhaing tanga?"
Biglang lumapit sa kanya ang kapatid at lumuhod sa harap niya. "I'm sorry, ate. Believe me, balak ko talagang bumalik sa atin pagkatapos ng kasal. Ipapakilala ko sa'yo si Raya. Iyon talaga ang plano namin."
Tumabi si Soraya kay Yojan at lumuhod rin. "Totoo, ate. Please, patawarin mo na kami."
Nagbuga siya ng hangin. Kasal na ang mga ito. Ibig sabihin ay wala na siyang magagawa pa kundi ang tanggapin ang lahat. "Bukas na bukas din ay sasama kayong dalawa sa akin. Babalik na tayo sa Maynila."
"That's not quite possible," sabat na naman ng lalaking nakasandal sa pader. "At pwede bang tumayo ka, Raya? Don't kneel in front of her," matigas ang tinig nito.
Tuluyan ng sumabog si Micah. Humarap siya sa direksiyon nito. "Bakit ba sabat ka ng sabat? Sino ka ba?! Huwag kang makialam dito dahil usapang pampamilya ito! Isasama ko ang kapatid ko pabalik ng Maynila at walang makakapigil sa akin! Doon sila titira ni Soraya, you hear me?"
"Oh, great!" mainit ring balik nito. "'Cause I happen to be Soraya's only brother. At kapag sinabi kong mananatili rito ang kapatid ko and her husband, that means they'll stay."
Napipilan saglit si Micah. Wala pang lalaki na gumamit sa kanya ng ganoong tono. Pinal at nagsusuheto. Tila ba batas ang sinabi nito. Bumaon ng husto ang mga daliri niya sa palad.
"Kuya..." may halong pakiusap na usal ni Soraya.
Pilit na pinatag ni Micah ang paghinga kahit gusto na niyang maghurumentado. "Sasama kayo sa'kin bukas. Alam ko kung anong makabubuti para sa inyo."
"Oh, yeah? Paano kung sabihin ko sa'yo na buntis ang kapatid ko? Ipipilit mo pa rin ba ang gusto mo? Hindi naman kita pinipigilan na isama sila sa Maynila. But only for a short while. But to stay there? No. Never."
Napatanga si Micah. Buntis? Buntis si Soraya? Kaya ba biglaang nagpakasal ang mga ito? Unti-unti siyang humarap sa kapatid. At sa mukha nito ay nabasa niya ang sagot sa tanong niya.
Sa pinagsama-samang pagod, gutom at pagkabigla ay tuluyang bumigay ang sistema ni Micah. Nagdilim ang lahat sa kanya.
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...