THE beautiful mountains of Benguet. Kung hindi dahil sa ginawang kahangalan ng kapatid ay hindi pa iyon mararating ni Micah. But she'll give up the beautiful sight para sa katinuan ng kapatid. Kaya niyang ipagpalit ang kahit na ano para roon.
Madaling-araw nagsimulang magbiyahe si Micah. Ngunit past lunch pa lamang siya nakababa ng bus. At pagdating sa destinasyon ay kinailangan pa niyang sumakay ng jeep upang makarating sa talagang pupuntahan niya. Sa dulo ng La Trinidad sa Benguet.
Ibinaba siya ng driver sa tila ilang na lugar na walang ibang kapiling kundi hangin. Hindi raw kasi umaakyat roon ang jeep. Wala rin siyang natatanaw na anumang maaring masakyan sa paligid. Which means she has to walk para makarating sa Kanaway Village. Nang tanungin niya kung paano makakarating doon ay lumakad lamang raw siya ng diretso.
Gaano kadiretso? Paano kung may ilog o kumunoy o kung anupaman sa daraanan niya? Ngunit wala ng makakasagot sa kanya dahil tanging alikabok na lamang mula sa papalayong jeep ang naiwan sa kanya.
Hayup talaga, oh. Ano ng gagawin ko?
Tinanaw niya ang lalakaran. Kumpara sa mga bangin na dinaanan ng bus kanina sa biyahe ay chicken feed ang isang ito. Hindi patarik ang daan. Hindi rin masukal o magubat. A normal and grassy road. At mukha rin namang may mga matatanaw siyang bahayan along the way the maari niyang pagtanungan.
Ang malaking problema ay ang malaking bag pack na dala niya. Pang hiking iyon. Ngayon pa lamang na nakatayo siya ay ramdam na niya ang pananakit ng likod niya. Paano pa kaya kung naglalakad na siya? At ni hindi niya alam kung gaano kalayo ang lalakarin niya. Bahala na. May dala naman siyang pepper spray at matalas na gunting pamproteksiyon sa sarili.
Kaysa mag-isip ng mag-isip ay sinimulan na niyang maglakad. Para siyang nagpepentensiya. Sa tuwing may nakikita siyang tindahan ay tumitigil siya upang mamahinga at magtanong. Malapit na raw siya, iyon ang palaging isinasagot sa kanya sa tuwing itatanong niya ang Kanaway. Mabuti na lamang at nakakaintindi ng Tagalog ang mga tao sa lugar na iyon.
Inabot siya ng isang oras sa paglalakad. Naghahalucinate na siya at kinakausap ang sarili. Sa isip ay paulit-ulit na sinasabing kakaladkarin pabalik ang kapatid sa oras na makita niya ito. Hindi na rin niya naaapreciate ang magagandang tanawin na nadadaanan–mga taniman ng gulay na kung sa ibang pagkakataon ay baka nabaliw na siya dahil pulos sariwa.
Naalala niya ang usapan nila ni Orly.
"Saan nagkakilala si Yojan ang Soraya na 'yon?"
Natigil si Orly sa akmang pagdadala ng kape sa bibig. Nang makita ang kaseryosohan sa mukha ni Micah ay tuluyan nitong ibinaba ang cup.
"Regular customer si Soraya sa bangko. May account kasi siya. Every week ay pumupunta siya para mag-withdraw. Ang alam ko kasi she's a college student at kaka-graduate pa lang ilang linggo ang nakalilipas. I think na-in love talaga si Yojan sa kanya."
Nakuyom ni Micah ang mga palad. "Paano mo naman nasabi, aber?"
Tila nag-iisip na mabuti si Orly. "Kasi hindi ko pa nakita si Yojan na umakto ng ganoon sa harap ng isang babae. Parati siyang nakangiti kay Soraya at talagang kinakausap niya kapag narito. Hanggang sa nagkalakas-loob na nga siya na kunin ang number nito isang araw. That's the beginning of it, I think."
"Gaano na katagal ang relasyon nila?"
"Mag-iisang taon na s-siguro."
Naipukpok ni Micah ang mga kamay sa mesa. "Isang taon? At nagawa niyang itago iyon sa akin sa loob ng isang taon na iyon?"
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...