XVIII

7.3K 161 0
                                    

ILANG ARAW ng aburido si Achaeus. Mula ng umalis si Micah apat na araw na ang nakalilipas ay tila hindi na nagbalik pa sa normal ang takbo ng buhay niya. He was thinking about her all the time. That feisty girl stole his heart. Hindi niya alam kung paano pa niya mababawi iyon mula rito.

Hindi rin maalis sa isip niya ang anyo nito ng sabihan niya ito makasarili. Her tears shattered him into tiny pieces. Nadala siya ng sobrang emosyon dahil sa mga sinabi nito patungkol sa lugar. Ngunit ng mahimasmasan siya ay naunawaan niya na dala lamang rin ng pag-aalala sa kapatid kaya nasabi ni Micah ang lahat ng iyon.

He was ready to beg her to stay. Kahit ano ay handa niyang gawin para rito. Kung pipilitin nitong umalis ay handa siyang sundan ito at suyuin. Ngunit paano niya gagawin iyon kung mayroon na palang nagmamay-ari sa puso ng dalaga?

Kapag naaalala niya ang isang linggong pinagsamahan nila ay hindi niya magawang tanggapin na may iba itong gusto. Hindi siya maaring magkamali na may naramdaman din ito para sa kanya sa kabila ng maiksing panahon. Sa kabila ng sinabi nito na pagkakamali ang halik ay ayaw pa rin iyong tanggapin ng sistema nito. It may have been a mistake but what he felt wasn't.

Darn, kahit paano pa niya paikot-ikutin ay isa pa rin ang suma. They can't be. And she's gone.

"Kuya?"

Nag-angat siya ng paningin. Ang nag-aalalang mga mata ng kapatid ang sumalubong sa kanya. Nawala sa isip niya na naroon nga pala silang tatlo sa mesa at nag-aalmusal. Maganda na rin ang pakiramdam ni Yojan. Talagang nanibago lamang ito sa panahon. Nakipagpalitan ng tingin ang kapatid niya kay Yojan. Hindi niya gusto iyon.

"What?" halos pasinghal na tanong niya.

"Goodness, kuya! Hindi kita hinahamon ng away."

Huminga siya ng malalim upang payapain ang sarili. Kahit asar na ang kapatid niya sa inaasal niya ay hindi pa rin ito nakikipagtalo o nakikipagtaasan ng boses sa kanya.

"I'm sorry, Raya. May sasabihin ka ba?"

"Napansin lang kasi namin na parang problemado ka, Kuya," sambot ni Yojan. "Parang simula yata ng..." tumikhim ito,"umalis si Ate Micah."

Kahit ayaw niyang ay kusang napapatiim siya kapag nababanggit ang dalaga.

"I don't want to talk about it."

Tumikhim ulit si Yojan. "Ngayong magaling na ako at natauhan na ay balak kong umuwi muna sa bahay, of course kasama si Raya. Magmamakaawa ako kay Ate. Hindi ako makakatagal ng alam ko na galit siya sa'kin."

Siya rin. Gusto ring magmakaawa ni Achaeus kay Micah. Pero anong ipagmamakaawa niya? Na hiwalayan na nito ang boyfriend at siya na lang ang piliin nito.

"Okay, good luck. Just be careful," para sa dalawa ang sinabi niyang iyon.

"Hindi mo ba gustong sumama, Kuya?" tanong ni Raya.

Napabuga siya ng hangin. Gustong gusto. "Wala akong gagawin r'on."

"Bakit wala?"

"Raya," banta niya sa kapatid.

"Mali ba kami sa naisip namin na gusto mo si Ate Micah?" salo ni Yojan.

Tuluyan ng naputol ang pisi niya. Hindi niya alam kung ano ba ang goal ng mga ito. "So what if I like her? She didn't like me. At kahit pa gusto niya ako ay may boyfriend na siya so everything's useless. And you know what? This is nonsense. Huling beses na natin itong pag-uusapan."

Nagkatinginan na naman ang mga ito. Si Yojan ang naunang nagsalita. "May boyfriend na si ate? Kailan pa?"

Nagbuga siya ng hangin. "How would I know kung kailan pa? I saw him. Siya ang sumundo sa ate mo n'ong araw na umalis siya. Nagyakapan sila ng magkita," halos singhalan na niya si Yojan.

"Pwede bang i-describe mo sa'kin ang itsura ng sumundo kay ate?" hindi ito natigatig man lang.

He gritted his teeth. Sa halip na magsalita ay hindi na lamang niya ito pinansin. Kunwa'y hindi niya ito narinig.

"Mukhang professor? Nakasalamin at maayos na nakasuklay ang buhok?" gulat na napaangat ang tingin ni Achaeus. Ganoon nga ang naaalala niya. Marahil ay nabasa na ni Yojan ang kasagutan sa mukha niya. Tumawa ito ng malakas. "Hindi boyfriend ni ate 'yon! Manliligaw pa lang na mukhang walang balak sagutin. Pero kung sinabi mong nagyayakapan ay malamang na sagutin na siya ni ate."

Parang naging seasaw ang emosyon ni Achaeus. All thanks to Yojan.

"Niloloko mo ba ako, Yojan?" gigil na tanong niya rito.

Umiling ito. "Seryoso ako. Ngayon siguro pwede mo ng sagutin ang tanong ko ng tapat. Gusto mo ba si Ate Micah?"

He looked straight into Yojan's eyes. Umiling siya biglang tugon sa tanong nito. "I'm in love with her."

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon