XI

7K 168 0
                                    


SUMILIP muna si Micah sa magkabilang pasilyo bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. She skipped breakfast to avoid Achaeus. Wala siyang tulog. Idagdag pa ang stress sa kakaisip sa bagay na dapat ay wala siyang pakialam at mukha na talaga siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Tumalilis siya pababa ng hagdan at tumungo sa kusina. Kukuha lamang siya ng pagkain at pagkatapos ay magkukulong na ulit siya sa silid niya. Prutas lamang at fresh fruit drinks ang mayroon sa fridge kaya't iyon na ang kinuha niya. Ngunit nasa may entrada na siya ng kusina ng sumulpot sa harap niya si Achaeus. Dahil sa pagkagulat ay muntik na niyang nabitawan ang mga dala.

Ngunit maagap ang binata sa pag-alalay sa mga dala niya. dahil doon ay nagkadikit ng husto ang mga balat nila. It was crazy. The most nerve-wracking moment of her life. Kung lalayo siya rito ay mahuhulog ang mga nasa pagitan nila. Kung hindi naman siya lalayo rito ay siya ang mahuhulog ng tuluyan rito. Pinili niya ang una. Sa kabutihang palad ay nahawakan na nito ng mahusay ang mga hawak niya kanina.

Kunot-noong tinitigan siya nito. Tila binabasa kung anong iniisip niya. Nag-iwas siya ng tingin sa takot na mabasa nga nito kung ano iyon. There was something in his light brown eyes. Parang kayang kaya niyong uriratin ang lahat ng nilalaman ng isip niya sa titig pa lamang.

Kukunin na sana niya rito ang mga prutas ng lagpasan siya nito. Pumasok ito sa kusina. Tarantang napasunod siya rito. "Sa kwarto ko dadalhin ang mga 'yan."\

"Bakit ito lang ang kakainin mo? Nagluto ako, sabay na tayong kumain. May sasabihin din ako sa'yo."

Lumunok siya. The offer was tempting. Nagluto. Tiyak na masarap iyon. May bonus pang presence nito. Ngunit ng maalala na naman ang nangyari kagabi ay nawalan siya ng gana. Napasimangot siya.

"Okay na sa'kin 'yan."

"Really? Then ganito na lang din ang kakainin ko."

Bakit parang nangongonsensiya ang dating niyon kay Micah?

Sinumulan nitong balatan at hiwain ang mga mansanan. Maging ang oranges ay binalatan din nito. Habang ginagawa nito iyon ay pinagmamasdan niya ito. Her eyes were focused on his capable hands. Makalalaki ang mga iyon. Those same hands touched hers yesterday. There was something magnetic about his whole being na patuloy na humihila sa kanya. And he wasn't doing much at this point but hold her hand. He wasn't even charming her tulad ng obvious na ginagawa ng pinsan nitong si Dashiell.

Tahimik nitong inabot sa kanya ang mga binalatan at hiniwa nitong prutas. Tahimik rin niya iyong kinuha. An awkward silence followed. Naiinis siya dahil doon. Nag-angat siya ng paningin kaya't nahuli niya ang pagtitig nito. His beautiful eyes were a shade darker. His lips slowly chewing the fruit. Those lips. Parang hindi niya kayang tanggapin na kagabi ay may kahalikan ito.

"Saan ka nanggaling kagabi ng magkita tayo sa may pinto?" tuluyang tanong niya.

Nangunot ng bahagya ang noo nito. "Bakit mo naitanong? But anyways, nag-jogging ako. I always do that."

Kulang sabihing nakahinga siya ng maluwag. Hindi siya aware na gumuhit ang sobrang kasiyahan sa mukha niya. Achaeus was stunned for a moment habang nakatingin sa nangingislap na mga mata niya.

"Kanina lang ay parang ayaw mo na akong makita ni makasama. And now you're smiling..." as if talking to himself.

Napigil niyon ang pagngiti. Kunwa'y nagpormal siya. Bagaman sa loob ay tuluyang nawala ang ulap ng pagkabagabag. It's not him. She should have known. Kung ito iyon disinsana'y may nakita na siyang babae na kasa-kasama nito.

"Care to tell me what's on your mind right now?"

Iwinasiwas ni Micah ang kamay. "Hindi ba't ikaw ang dapat na may sasabihin sa'kin?"

Nagkibit-balikat muna si Achaeus bago nagsabi. "Pagbalik nila Raya at Yojan ay may magaganap ulit na piging. Hindi ko pala naipaliwanag sa'yo na sa tradisyon namin ay may tatlong bahagi ang kasal. May tig-iisang linggong pagitan. Nauuna ang seremonya ng pag-iisang dibdib, ikalawa ang pagbibigay galang sa elders at ang huli ay ang pag-aalay. Tradisyon iyon na pinasimulan pa ng mga nuno ko. But then everybody from Kanaway started following it hanggang sa naging parang lahat ng taga-Kanaway ay ganoon na ang sinusunod."

Nakadama ng lungkot si Micah dahil sa mga narinig. So kung hindi pa siya sumugod rito ay hindi niya malalaman ang lahat ng iyon. At gagawin ng kapatid niya ang lahat ng iyon ng nag-iisa. Without her presence. Napayuko siya.

"Hey," usal ni Achaeus. Nagitla si Micah ng maramdaman ang daliri nito sa ilalim ng baba niya. Hindi niya namalayan na nakaikot na pala ito. Nang iangat nito ang mukha niya ay hindi na niya nagawang umiwas sa titig nito. But then maybe she doesn't want to. Nakakapagod na ang umiwas rito.

"I don't want you to think sadly about it. Hindi ko ipinaalam sa'yo ang bagay na iyon para malungkot ka kundi para maging handa ka. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kapatid mo ng magkausap kayo? He will come to you after the wedding. Ibig sabihin ay gugugulin sana nila ang honeymoon nila para kumbinsihin ka na sumama rito. But you know what? I'm glad na ikaw na mismo ang pumunta rito."

"Why?" she asked hopeful.

He chukled. "With your attitude, tiyak na hindi ka nila mapipilit. Malamang na ikukulong mo sila or itatali huwag lamang silang makaalis."

Inis na kumawala siya sa pagkakahawak nito.

Ano ba ang ine-expect mong sasabihin niya, Jamicah?

"May piging mamayang gabi para sa pagsalubong sa masaganang anihan. I want you to come with me," ani Achaeus. Tila walang ideya sa tumatakbo sa isip ni Micah.

"Paano kung ayaw kong sumama?" asar na balik niya sa binata.

Tatawa-tawa lamang ito. "Well... tiyak na iisipin ng mga tao na ayaw mong makisalamuha sa kanina. Na iniisnab mo sila porke nanggaling ka ng Maynila... Or they could think–"

"Fine! Sasama ako."

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon