VIII

7.6K 159 3
                                    

NANANAGINIP yata si Micah. Paano ay parang hinahalikan siya ni Achaeus. Pero hindi sa labi nagsimula kundi sa paa. Mula sa paa ay tumaas iyon sa binti niya. Nakikiliti siya. Parang hindi lang simpleng paghalik ang ginagawa nito sa kanya. Mas lalo siyang napabungisngis.

Wala siyang pakialam. Tutal naman ay panaginip lang yata ito.

Ngunit bigla siyang napadilat. Nakailang kurap siya bago luminaw sa paningin niya ang kisame. Ang makintab na kahoy na iyon na siyang kisame ng guest room sa bahay ni Achaeus. Ibig sabihin ay gising na siya. Pero bakit... parang may humahalik pa rin sa binti niya? Parang hindi halik. Parang dinidilaan siya. At parang... parang mabalahibo.

Lumipad ang tingin niya sa paanan. At ganoon na lamang ang gimbal niya sa nakita. Napabalikwas siya ng bangon at napasiksik sa headboard ng kama. Isang malaking aso! No, parang leon dahil sa kulay ng makapal na balahibo na tila orange na parang brown. May makapal na balahibo rin na nakapalibot sa mukha na mas lalong nagpamukhang leon rito. Asong leon? Nang kumilos iyon na tila lalapit sa kanya ay napasigaw siya ng pagkalakas-lakas.

Kahit treinta na siya ay marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Ni hindi pa nga siya nakakapag-asawa! Hindi tamang magwakas lamang ang buhay niya sa kamay–sa bibig ng isang asong leon. Hindi niya itinigil ang pagsigaw hanggang sa pabalagbag na bumukas ang pinto at pumasok roon si Achaeus.

Ang anumang pagsigaw niya ay nabitin sa lalamunan dahil sa anyo nito. He was naked from the top habang nakasuot ito ng jeans sa ibaba. Kung nabatu-balani na siya sa ganda ng katawan nito kagabi ay mas lalo na ngayon na umagang umaga. Bakit nakahubad na naman ito? Nananadya ba ito?

Bilang sagot ay lumapit ito sa tabi ng kama. "Are you alright? Anong nangyari?"

Marahas na umiling si Micah. Itinuro niya ang asong mukhang leon sa ibaba ng kama. "Nagising ako na dinidilaan niyan ang paa ko!"

"Oh," anito bago natampal ang noo. He looked hotter when he did that. "I'm sorry, hindi ko siguro naisaradong maigi ang pinto kanina. Nagpasok kasi ako ng pagkain. Pinakawalan ko siya dahil paliliguan ko." Bumaling ito sa aso. "Come here, Knight," tawag nito sa asong leon na kaagad namang sumunod.

So knight pala ang pangalan niyon. She refrain herself from asking whether it was a dog or a lion. Palabas na ito ng pinto ng tumigil sa may hamba niyon at lumingon. "By the way, I like Mr. Bean, too."

Nang mapag-isa ay niyuko niya ang sarili. She gasp aloud at the realization. Isang oversized shirt na may print ng picture ni Mr. Bean ang suot niya. Iyon lamang. Hindi kaya nakitaan siya nito ng panty? Gigil na nagpapadyak siya sa ibabaw ng kama. Nasa gitna siya ng pagsasabunot sa sariling buhok ng bigla na namang bumukas ang pinto at sumungaw si Achaeus. Marahas niyang nahablot ang comforter at ibinalot ang sarili.

"Ano na naman?! Hindi ka ba marunong kumatok?!" swear pati mga kuko niya ay nag-iinit sa kahihiyan.

Nakamot ng binata ang dulo ng ilong nito. "Sorry, my mistake. Sasabihin ko lang sana na kainin mo na ang pagkain mo habang medyo mainit pa."

Nang muling sumarado ang pinto ay tumungo siya roon at ni-lock. Taas-baba ang dibdib niya sa paghingal. Ayaw ng bumalik sa normal ng tibok ng puso niya. Sa halip ay mas lalo pa yatang nagiging abnormal ang tibok niyon. Nagsimula lamang ito kagabi. Siguro ay ng makita niya ang bare body nito. O ng hawakan siya nito. O ng buhatin siya nito.

Pagdulas ng baso sa kamay ni Micah ay bumagsak iyon sa mismong gilid ng paa niya at nalasikan siya ng piraso ng bubog. Napangiwi siya sa naramdamang sakit.

Kaagad namang lumapit sa kanya ang may kasalanan kaya't nangyari ang ganito. "Don't make a step!" pautos na sabi nito.

Hindi nga siya humakbang subalit yumuko naman siya upang sana'y pulutin ang mga piraso ng bubog. But he stopped her hands. Doon na tuluyang naparalisa si Micah. His warm hands brought electrifying shocks through her skin. Gusto niyang bawiin ang kamay subalit tila naman iyon nawalan ng lakas. At bago pa siya makapag-isip ng sasabihin o gagawin o paraan para makatalilis–kung kaya man niya–ay binuhat na siya ni Achaeus.

"K-kaya kong lumakad!" protesta niya. Dahil buhat siya nito ay wala siyang ibang choice kundi ang mapakapit sa mga braso nito. Maliit lang ang sugat niya. Hindi siya nito kailangang buhatin.

"Huwag ka ng magprotesta, Jamicah. Just stay still and be quiet. It'll make things easy for both of us."

"Sinabi ko na sa'yo na huwag mo akong tawagin ng sa pangalan ko."

Ibinaling nito ang mukha kay Micah. "And what do you want me to call you? Hipag? O di kaya naman ay sweetheart?"

Kung hindi lamang sa hapdi ng sugat sa paa ay napapikit na siguro si Micah sa pinagsamang amoy ng mabangong sumpit ng hininga nito sa mukha niya at sa tila pagduduyan niya sa mga braso nito. She was breathless. She feels his hot bare skin on her bare arms. Parang gusto niyang damhin iyon.

Tumigil ka, Jamicah!

"Tigilan mo ako, Achae... Mr. de Gala," gusto na niyang tuktukan ang sarili.

"No, hindi ko gustong tawagin mo ako ng ganyan. Kung pwede mo akong utusan kung anong itatawag ko sa'yo ay pwede rin siguro akong masunod sa gusto kong itawag mo sa'kin. Call me Achaeus."

Hindi siya maaring magkaganito. Hindsi niya kailangan ng distraction sa talagang pakay niya sa lugar na ito. Hindi siya nagpunta rito para humanap ng boyfriend. Natigilan siya. Paano napunta ang conclusion niya sa pagkikipag-boyfriend?

Iba na talaga ito. Nalilito siya at hindi niya kayang pakibagayan ng tama ang mga nararamdaman. Ang huling naging boyfriend niya ay noon pang twenty years old siya. Nakipaghiwalay siya para makapag-focus sa trabaho at kay Yojan. Sa nakalipas na mga taon ay isinantabi niya ang pakikipagrelasyon.

Nagpasya siyang tawagan si Neil. Kahit lukaret ang isang iyon ay wala naman siyang ibang choice. Kailangan niya ng makakausap kung hindi ay mababaliw na rin siya.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon