MATAPOS maghapunan ay niyaya ni Achaeus si Micah na magpahangin sa labas. Kahit nag-iinit siya sa hinalang nasa mga mata nila Yojan at Soraya ay nagtiis siya. Ang sabi ni Achaeus ay dapat silang mag-usap. Dapat nga talaga. Habang wala pang itinatanong sila Soraya at Yojan ay dapat na mag-coordinate na ang mga dahilan nila.
Naupo ito sa duyan sa may gilid ng bahay nito ngunit tila sinadyang sa gilid lamang pumuwesto. Dahil doon ay napatotohanan niya na para nga sa magkasintahan ang size ng duyan na iyon.
"Maupo ka dito," tinapik ni Achaeus ang espasyo sa tabi nito. His smiles as though he was inviting for another intimacy. Parang bale-wala pa rin dito ang lahat. It must've been really fun for him. Afterall alam naman nito na hindi siya magtatagal sa lugar na ito.
Matigas siyang umiling. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harap nito. Kapag tumabi siya rito ay baka kung ano na naman ang mangyari sa kanila.
"Kailangan nating mag-usap," she started desperately.
Tumango si Achaeus. Hindi pa rin nawawala ang easiness sa mukha nito. "Will you relax, Micah?"
"Hindi ako makakapag-relax!" nahawakan niya ang noo. "Hindi dapat nangyari ang halik na iyon. Isa iyong pagkakamali."
Unti-unting napalitan ng kaseryosohan ang ekspresyon ni Achaeus. "You think it was a mistake?"
"Of course! Ano pa ba sa tingin mo ang halik na iyon kung hindi isang pagkakamali?"
May nagdaang galit sa mga mata nito. His face become dark. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay tuluyan itong huminahon unti there was nothing left. His face was void of any emotion. "If you say so, then let's just view it as a mistake."
Nasaktan man sa naging sagot nito ay hindi siya nagpahalata. At the deepest corner of her heart, umaasa siyang kahit papaano ay tatanggi ito at sasabihing ginusto talaga nitong hagkan siya. "Kapag nagtanong sila Yojan at Soraya ay dapat na ipaliwanag mong walang namamagitan sa atin."
"I get it," he said flatly. Silence followed. Marahil ay hindi nakatiis si Achaeus. "Kung wala ka ng sasabihin ay maari na sigurong iwan mo ako. Gusto kong mapag-isa."
Malungkot siyang tumalikod. Habang paakyat siya ng hagdan ay tila napakabigat ng mga paa niya. Her heart refuse to believe na walang kahulugan sa binata ang nangyari sa pagitan nila. Siguro ay sumunod na lamang ito sa pinasimulan niya. Hindi siya makakatulog hangga't hindi ito natatanong kung wala ba talaga siyang halaga rito.
He said he was jealous of Dash. Bakit ito nagseselos?
Paglabas niya ng pinto ay natigilan siya sa nakita. Hindi na nag-iisa si Achaeus. Kasama na nito si Sabina. At nakaupo na ang babae sa espasyo na kanina ay inaalok sa kanya ni Achaeus. She clutched her chest dahil sa biglang pagkislot niyon.
She never thought it would hurt like this. Realization dawned upon her. Her feelings for him were deeper than she wanted to believe.
Unti-unti siyang umatras at bumalik sa loob ng bahay habang pinipigil ang sariling mapaluha.
KINABUKASAN ay mabigat ang pakiramdam ni Micah. Halos sumisikat na ang araw ng makatulog siya. Ngunit ng malaman niya mula kay Soraya na may sakit ang kapatid niya ay tila nawala ang lahat ng nadarama niyang bigat. Ang pumalit roon ay pag-aalala.
Nang pasukin niya ito sa kwarto nito at ni Soraya ay napag-alaman niyang may trangkaso ito. May sinat na raw ito ng dumating ang mag-asawa mula Baguio. Subalit kaninang madaling araw ay lumala iyon. Tuluyan ng sumakit ang mga kasu-kasuan ni Yojan. Dinadalahit rin ito ng ubo.
"How are you feeling?" alalang tanong niya sa kapatid habang hinahawi ang buhok nito. Noon lamang niya napansin na para na pala itong ermitanyo dahil hindi lang ang buhok nito ang mahaba. May stubbles din ito.
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...