XVII

7.2K 150 2
                                    


HINDI maampat ang mga luha ni Micah. Pain and fear was eating her up. Habang tumatagal ay mas lalo niyang naaamin sa sarili na tama ang mga sinabi ni Achaeus.

She was too afraid to be left alone. Kaya't sumugod siya rito upang bawiin ang tanging pamilya niya. Masama ba iyon? Masamang tao na ba siya ng lagay na iyon? She's not possessive or selfish. She's just too worried about her brother. Dahil mahabang panahon ng buhay niya ay ginugol niya sa pag-aalaga at pagpapanatiling ligtas rito.

She's spend her life taking care of Yojan. Pagkatapos ay sasabihin ni Achaeus na selfish siya dahil sa pag-aalala sa kapatid? To hell with him!

Ngunit habang pinag-iisipan niya ang lahat ay na-realize niya na may mali rin siya. Nasabi nito ang lahat ng nasabi because she awful things as well. Halos pareho sila ng naging sitwasyon. He loved Kanaway to destruction. But she called it names.

What she heard from him hurts like daggers. And as others have said, it hurts to hear the truth. All along ba ay possessive, obsessive at selfish ang tingin sa kanya ni Achaeus?

Mula sa pagkakayukyok sa ibabaw ng kama ay nagbangon siya at tumanaw sa labas ng bintana. Ngunit tila tukso na sa mismong sandaling iyon rin ay natanaw niya sa labas ng bintana si Achaeus. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Sabina. Napapikit siya sa tindi ng sakit na gumuhit sa dibdib niya ng magyakap ang mga ito.

Umalis siya sa tabi ng bintana dahil parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya. She was really nothing to him. Ano nga naman ang laban ng isang linggo sa naging relasyon nito kay Sabina na marahil ay umabot ng kung ilang buwan o kung hindi man ay taon. And now they're back into each others arms.

Sa kalagitnaan ng gabi ay ayaw tumigil sa pag-alon ng dibdib niya. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Neil. Ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. She needed someone to talk to right now. Kung hindi ay baka mabaliw na siya.

Wala siyang ibang choice. She called on Sev's number. Makalipas ang ilang ring ay sumagot ito sa inaantok pang tinig. "Yes? Wait, who's this..."

Bago pa siya makasagot ay napabulalas na siya ng iyak.

MASAKIT na masakit ang ulo ni Micah ng magising siya ng umagang iyon. Namamaga rin ng husto ang mga mata niya. Gayunpaman ay ibinasta pa rin niya ang lahat ng mga kagamitan niya. She ignore the knocks on her door. Lumabas lamang siya ng maihanda na ang lahat maging ang sarili niya. It was past ten.

She wore dark glasses to hide her eyes nang tuluyan siyang bumaba. Palabas na siya ng bahay ng makasalubong niya si Achaeus. Papasok naman ito sa loob. Nilagpasan niya ito. Nakalapas na siya ng bakuran ng bahay ng maramdaman niya na may sumusunod sa kanya. Hindi siya tumigil. Bagkus ay binilisan pa niya ang paglakad.

"Micah..." nang hindi siya lumingon o huminto ay humarang sa daraanan niya si Achaeus. Bagaman hindi siya nito pinigilan. Patuloy rin ito sa paatras na paghakbang. "Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Yojan?"

"Hindi na kailangan. Tell him to live well and to live here as long as he want," usal niya sa pinakamalamig na tinig. Tuluyan siyang nakaiwas sa dito mula sa tila pagpapatintero nila.

Gayunpaman ay umagapay pa rin sa kanya si Achaeus. "I'm so sorry for what I've said. Nabigla lang ako. I never mean it." His voice sounded desperate. But she know well.

Umismid siya. "If you say so."

"I don't believe you when you've said this is a damn forsaken place. Naniniwala ako ng sabihin mong maganda ang lugar na ito. You said you love this place. I know that's how you truly felt. Micah, can't you just stay here?"

Nagbara ang lalamunan niya. Tears formed at the back of her eyes. Naipagpasalamat niya na hindi nakaligtaan ang dark glasses. "Yes, I can't. Walang rason."

"What if I give you a reason? Will you stay?"

Tumigil siya at matatag na hinarap ito. "Anong rason?"

"I like you."

Napahugot siya ng matalim na paghinga sa kasinungalingan nito. "That's not a reason."

Nahagod nito ang mahaba at alun-along buhok na ngayon ay hindi nakapusod. He actually look desperate and stressed out. Ngunit hindi maloloko ng appearance si Micah.

"I want you to stay. Hindi pa rin ba sapat na rason iyon?"

Matigas siyang umiling. "You're not giving me a reason, Achaeus de Gala. Inuutusan mo ako. And that's more than enough for me to run away."

Sa loob ng maraming taon ay ngayon lang humanga ng sobra-sobra si Micah sa sarili niya. Dahil nakaya niyang humakbang palayo kay Achaeus sa kabila ng pagsusumigaw ng buong kalooban niya na manatili. Na pumaloob sa mga braso nito. She wasn't fully away and yet she missed how it feels to touch him.

Her sight was blurry kaya't mas lalo siyang walang makita. Nakakailang hakbang na siya ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Parang tumigil iyon sa mismong tabi niya.

"Micah!"

Napaangat ang mukha ni Micah sa pamilyar na tinig. It was Sev's voice. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang binata na humahakbang palapit sa kanya. Nang tuluyan itong makalapit sa kanya at tanungin siya kung okay lang siya ay tuluyang bumigay ang lahat ng emosyon niya. She let him hold her in his arms.

"Sev, Oh God, Sev. Thank you," aniya sa pagitan ng paghagulgol. "Get me out of here. I will do anything as long as you get me out of here. I'll marry you if you want."

BUMABAON ang mga daliri ni Achaeus sa mga palad sa tindi ng pagkakakuyom niya. Mabibilis ang mga hakbang niya habang pabalik sa bahay. It was the best thing to do. Kung mananatili siyang sinasaksihan ang tagpo sa pagitan ni Micah at ng lalaking may yakap dito ay baka hindi niya mapigil ang sariling pumagitna sa mga ito.

All she wanted to do is to yanked her off that man. Gusto niya itong ibalik sa bahay niya. He wanted to tell her how he feels for her. Kaya niyang magbigay ng isang milyong bagay na gusto niyang gawin. And yet wala siyang karapatang gawin isa man sa mga iyon.

Dahil may boyfriend na ito. Kung hindi nito boyfriend ang lalaking iyon ay bakit bigla na lamang iyong sumulpot sa kanaway? And above all bakit nagyakap ang mga ito?

Pagpasok niya sa loob ay tuloy-tuloy siya sa study upang magkulong roon. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag ng kapatid niya.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon