XV

7.2K 165 5
                                    

PAGBABA ni Micah ng hagdan ay kaagad niyang natanawan si Achaeus sa may Sala. Nakaupo ito sa mahabang couch. Nakapikit ang mga mata. Nagdalawang isip siya kung lalapit ba rito para ipalam ang presensiya o hahayaan na lamang niya.

Pinili niyang lumapit rito. Na-realize niya na parang may iniinda ito base sa ekspresyon. Kahit nagtalo sila kagabi ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala para rito. Tumikhim siya. Kagyat itong nagmulat.

"Gagawa ako ng tea. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape? You look unwell."

"Hangover. Naparami ang inom ko kagabi. But you insist on making me feel better..." tinapik nito ang epasyo sa tabi nito. "Sit beside me."

Nag-isip siya. Pabuntong-hiningang pinagbigyan niya ito. Pagkaupo niya ay kaagad nitong isinandal ang ulo sa balikat niya. Natitigan niya ang nakapikit nitong mga mata. His lashes were long and curly. Hindi iyon natural sa isang lalaki ngunit mas lalo pa iyong nakapagdagdag ng karakter sa mga mata nito. Sa ganoong distansiya ay nakita niya ang munting pilat sa may gilid ng pisngi nito. Making him look less perfect by a percentage.

His hair looks soft and luscious. Naamoy niya ang fruity scent ng buhok nito. Palihim siyang natawa. That's another unusual thing for a man.

"I'm sorry for last night. I wasn't thinking clearly. I was jealous."

Napamaang si Micah sa tahasang pag-amin nito. Mukhang umepekto ang mga pakana ni Dash. "Nagseselos ka kay Dash?"

Dumilat ang isang mata nito. "Imposible namang kay Ciara, 'di ba?"

Inis na tinampal niya ang noo nito. Napaungol ito habang sapo ang noo. "God, Micah... my head is aching like hell already!"

Kaagad na kumambiyo ang emosyon niya. Hinawakan niya ang noo nito at hinilot-hilot iyon. Nang mapansin niya na nagsasayaw ang mga mata ni Achaeus sa kaaliwan ay napatitig siya rito. "It could use some kiss, you know..."

Pagigil na isinandal niya ito. "Imamasahe na lang kita." Bago pa ito umimik ay minasahe na niya ang noo nito. Above all things ay iyon ang bagay na masasabi niyang talento niya. Palagi siyang hinihingan ng pabor ng mga malalapit sa kanya na masahihin ang ulo ng mga ito dahil parang may magic daw ang kamay niya.

Maya-maya pa ay umuungol na ito na tila nasisiyahan. "God, Micah... that feels incredible."

"I know," smug na tugon niya.

Dumilat ang isang mata nito habang nakangisi. "I was wondering if your hands can make wonders at other parts of my body."

Gigil na sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. Ang balak niya'y pisilin iyon subalit ng sapuhin nito ang mga kamay niya ay nawala sa isip niya ang balak na gawin. Lumipat ang lahat ng atensiyon niya sa kamay nito pagkuway lumipat sa mga labi nito. They looked seductive and inviting in her eyes.

Napalunok siya. "If you won't kiss me within this minute I swear..."

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. His lips covered hers in an electrifying kiss. She had been kissed before. Ngunit ang lahat ng iyon ay malalayong anag-ag. At ngayon ay tila abo na lamang iyon na tuluyang nilipad ng hangin at nawala. She expected him to kiss her roughly or something close to that. But instead he kissed her in an unhurried and teasing manner.

Mula sa mga kamay niya ay lumipat ang mga kamay nito sa baywang niya. At the end of her spine and draw her close to his solid body. Bumaba rin ang mga kamay niya patungo sa dibdib nito. She had always wanted to touch him there. Naramdaman niya ang pag-ungol nito sa labi niya ng bumaba pa ang mga kamay niya patungo sa tiyan nito. She moved her hands at the back of his neck and ercircled his nape.

He continued kissing her. Tracing every contours of her mouth... coaxing her to return his kisses which she did without further urging. The tempo of his kissed changed. His mouth consumed hers in a hot demanding kiss. Gumapang ang mga kamay niya paakyat sa buhok nito. Kinalas niya ang tali niyon upang mahawakan niya ng husto ang buhok nito. She always wanted to do that. At hindi nga siya nagkamali. His hair was soft against her fingers.

She wasn't aware of the world anymore. It's just him and her... kissing each other like there's no tomorrow. Her heart hammering agains her chest. Ganoon rin kaya ang nararamdaman ni Achaeus? Kumilos ang isang kamay niya patungo sana sa gitna ng dibdib nito upang ramdamin ang tibok ng puso nito.

Hindi tuloy nila namalayan na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nilalang na tigagal sa nasaksihan.

"Ate?"

"Kuya?"

Daig pa ni Micah ang binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa pamilyar na boses ng kapatid. Itinulak niya palayo si Achaeus at nagkukumahog siya sa pagtayo. Hindi siya makatingin ng diretso sa kapatid at kay Soraya na nakatayo sa may bungad ng sala. Habang si Achaeus naman ay kaswal na tumayo sa tabi ni Micah. Nang sulyapan ito ng bahagya ni Micah ay walang bakas ng pagkailang o kahihiyan sa mukha nito. Parang panghihinayang pa nga ang naroon.

She groaned inwardly. Naloko na talaga...

THERE was an awkward silence sa hapag-kainan. Magkaharap sila ng kapatid niya na katabi ni Soraya sa kabilang bahagi ng mesa. Si Achaeus naman ay nasa unahan.

Ramdam na ramdam ni Micah ang tensiyon maging ang pagsulyap-sulyap sa kanya ng kapatid. Sa lahat naman ng oras na babalik ang mga ito ay ngayon pa talaga. Tila anumang sandali ay magaganap ang komprontasyon sa pagitan nilang lahat. Nagkabaliktad na ang sitawasyon. Siya itong dapat na magsesermon at kokompronta sa kapatid niya ngunit mukhang siya pa ang makakatanggap niyon mula rito.

"Ate?"

Gulantang na nag-angat siya ng paningin. "Walang namamagitan sa amin ni Achaeus!" kaagad niyang bulalas. Ikinatawa iyon ng binata. Pinukol naman niya ito ng matalim na tingin. Kalmado pa rin ang ekspresyon nito gayong siya ay hindi mapakali.

"Tinatanong lang kita kung gusto mo pa ng kanin? Wala na kasing laman 'yang plato mo," iiling-iling na sabi ni Yojan.

Napatitig si Micah sa bowl ng kanin sa na nakaumang sa plato niya. Umawang ang mga labi niya. Nang makabawi ay tumayo siya at umiling.

"Busog na ako. Aakyat na ako sa kwarto ko."

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon