XII

7.6K 174 2
                                    


MAY bonfire sa gitna at sa paligid na siyang nagsisilbing ilaw. May sayaw at tugtugan na hindi pamilyar kay Micah ngunit nakatitiyak siyang tradisyunal na tugtog ng mga Igorot. May mga tradisyunal na kasuotan. Maraming pagkain at maraming alak. So far she liked the taste of strawberry wine and the blueberry wine. It was nothing like the fancy wines she'd tasted. It was more subtle and unique.

Sa piging na iyon rin niya napatunayan ang sinasabi na si Achaeus raw ang pinakamagandang lalaki roon. Bilang leader ay kailangang ito ang aktibo at siyang magpsimula ng lahat.

Sa nakikita niya, women of all ages adored him. Ito lamang yata at ang pinsan nitong si Dash ang umiikot at sumasayaw sa bonfire. The rest were women. The dancing was nothing like neither the dances on disco houses nor the sweet slow dance on typical parties. Their dancing involves more of rotation and hand movements.

Nag-e-enjoy siyang panoorin ang galaw ni Achaeus. She didn't expect gracefulness and control on such a big man like him.

"Wala pa bang nangyayari sa inyo ni Achaeus?" malakas na bulong ni Ciara sa tapat ng tainga ni Micah.

Sa labis na kabiglaanan ay nainom ni Micah ang lahat ng laman ng baso niya. Gulat na lumingon siya sa paligid.

"Walang magkakainteres na makinig at tumingin sa atin sa ganitong piging," matabang na paliwanag ni Ciara. "Mas interesado ang mga tao na titigan ang mga lalaki at babaeng de Gala."

"Nakikita ko nga," hindi na niya hinintay na salinan ni Ciara ng wine ang baso niya. Siya na mismo ang gumawa niyon.

"Kumusta ang pagtira n'yo ni Achaeus sa ilalim ng iisang bubong? Alam mo bang kung hindi ka lang kapatid ng napangasawa ni Raya ay malamang na nasuheto na si Achaeus ng mga elders? Siguro nga ay nakarating na sa mga elders at sa pagbibigay galang sa kanila next week ay saka nila susuhetuhin si Achaeus. Pwede niyang idahilan na wala ang mga pinsan niyang babae rito sa Kanaway. Pero narito naman ako. But he never asked me to sleep over. That means gusto ka niyang masolo."

Nangunot ang noo ni Micah. Ang elders ba na tinutukoy ni Ciara ay ang mga nakatatandang de Gala? Siguro. At hindi nga niya naisip na may masasabi ang mga tao sa pagsosolo nilang dalawa sa bahay ng binata. Or subconsciously ay aware siya but she chose to ignore.

At wala rin namang masamang dapat isipin ang mga tao. Dala ng maraming nainom na alak ay wala na siyang pakialam ano man ang masabi o magawa niya. Napaismid siya. Gustong masolo? "Hah! Walang dapat isipin ang kahit na sino. He's doing nothing. As in nothing."

Namilog ang mga mata ni Ciara. "Ni hindi niya sinubukang yakapin ka o hagkan?"

"Nope. Mabuti pa nga ang aso niya at hinalikan ako."

Napabunghalit ng tawa si Ciara. Inis na nagsalin muli si Micah ng alak. Parang nakakalakas ng loob ang alak na iyon.

"At nadi-dissapoint ka na wala siyang ginagawa?" nananatiyang tanong ni Ciara.

Bago pa siya makasagot ay sinaluhan na sila ng maingay na si Dashiell at ng pinsan nito na si Yanno. May atraso pa nga pala si Dashiell sa kanya. He kissed her hand ng walang permiso niya. Hinarap niya ito. Tatalakan sana niya ito subalit naunahan siya nito.

"Bakit nandito lang kayo? Tara magsayaw tayo!"

Nang hilahin siya patayo ni Ciara ay nagpatianod na lamang siya. Si Dash ang partner niya habang si Yanno at si Ciara naman. Madali lamang ang lahat. Ginagaya lamang niya ang galaw ng mga nakapaligid sa kanila. Natagpuan na lamang niya ang sarili na umiindak na para bang matagal na niyang alam ang sayaw na iyon.

Subalit maya-maya ay natigilan siya. Parang bigla ay bumabaliktad ang sikmura niya. Napatakbo siya patungo sa sulok at doon siya nagsuka. She felt awful matapos iyon. Gusto na niyang mahiga dahil umiikot na ang lahat sa kanya.

PINAKAMAGANDANG LALAKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon