MAKALIPAS ang pagmumukmok ni Micah sa bahay ng ilang araw upang tapusin ang dalawang linggong bakasyon ay bumalik na siya sa trabaho. Tila nagbalik na sa normal ang lahat. Everything was the same to her workplace. Ngunit hindi na kapareho ng dati ang niloloob niya.
Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at bigla ay hindi na ang tumaas pang lalo ang posisyon ang pangarap niya. Muli ay nabubuhay sa kanya ang kagustuhan na tuparin ang unang pangarap. Ang pangarap na maging manunulat.
Marahil ay naguguluhan lamang siya at nalulumbay. Subconsciously ay naiisip niya siguro na hindi na naman niya kailangang asikasuhin ang kapatid. Sarili na lamang niya ang kailangang intindihin kaya't somehow ay kaya na niyang gawin ang kahit na ano.
She was missing the cold weather and the beautiful scenery of Kanaway. And above all she was missing Achaeus. Hindi nabawasan kahit kaunti ang intensity ng pagka-miss niya rito. Bagkus ay mas lalo pa nga yatang tumitindi. Ganoon siguro talaga dahil naiwan niya ang sugatang puso sa lugar kung naasan ito.
Hindi pa man lang siya nakakaupo sa cubicle niya ay inaararo na siya ng mga pabulong na tanong ni Neil. Kahit wala siyang planong magsabi dito sa ngayon ay wala ring nangyari dahil hindi siya tinigilan nito.
"Kay Severino sinabi mo tapos sa akin hindi? Hindi ko lang nasagot ang tawag mo dahil talagang groggy na ako sa dami ng trabahong iniwan mo sa'kin!" pangongonsensiya pa nito.
Wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang lahat. Pagkatapos niyang magkwento ay panay ang singhap nito. "Ngayon ay pwede ka na sigurong bumalik sa trabaho mo, Neil."
Ngunit sa halip ay pinakatitigan pa siya nito. "Talaga bang hindi mo pinagsisisihan ang pagtanggi mo sa offer niya na mag-stay ka?"
She glared at her. Sapat iyon upang taas-kamay na umatras ito. Ibinuhos naman niya ang lahat ng atensiyon at lakas sa trabaho. Desidido na siyang mag-resign. Ngunit hindi naman niya iyon gagawin ng biglaan. She will stay hanggang sa ma-settle ang lahat. Sa tingin niya'y deserving si Neil sa posisyon niya ngayon. Kahit intrimitida ito at makulit ay masipag naman at dedicated sa trabaho.
Pagdating ng uwian ay naiwan siya sa opisina. Marami siyang nabinbing trabaho kaya't balak niyang mag-overtime ngayon at sa mga darating na gabi.
Pagsapit ng alas-siyete ay uminat siya at hinilot-hilot ang batok.
"Hindi ka pa ba uuwi?"
Napasinghap si Micah sa labis na pagkagulat. Kahit ang cubicle na lamang niya ang may ilaw ay nagawa pa rin niyang maaninag kung sino ang nakaupo sa may gilid ng office ilang dipa ang layo sa kanya.
"Sev? Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba d'yan?"
Tumayo ito at lumapit sa kanya. "About an hour ago? Hindi kita gustong istorbuhin kaya nag-stay na lang ako rito."
"May sasabihin ka ba?"
"Gusto lang sana kitang kumustahin kung okay ka na. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko nitong mga nakaraang araw. Sorry kung medyo makulit ako. I know you wanted some time alone. I was just worried."
Binigyan niya ito ng magaang ngiti. He's really a good man. "Okay na ako. Maraming salamat, Sev."
"About what you've said ng puntahan kita sa Kanaway..."
"I know," pilit pa rin siyang ngumiti. "Pinag-iisipan ko." She was really touched by his action. Nang tawagan nito ito in the middle of the night ay walang pagdadalawang isip na umakyat kaagad ito ng Benguet upang puntahan siya. Kaya nga kahit by impulse lamang niya nasabi na pakakasalan niya ito ay pinag-iisipan na niya iyon ngayon. She was alone afterall. At tiyak na mamahalin talaga siya ni Sev.
BINABASA MO ANG
PINAKAMAGANDANG LALAKI
Romance"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa p...