Chapter 6: Confession

68 3 0
                                    

"Sexy niyo ah? Di ko akalain. Hahaha!" Sabi ni Terrence. Oo. Si Terrence nga. ang sexy niyaaa.

"Uh-ah. Haha. Sexy ta-talaga kami n-no!" Pinagpapawisan ako sa tanawin na nasa harap ko. *gulp*

"Hm, tara swim na tayo! :)"

"Ah. Sge." Sagot namin ni Tinny.

Halos 2 oras din kaming nagtampisaw sa pool. 9pm na. Umahon na din kami kasi baka magkasakit pa kami.

Pagkapalit namin ng jammies, nagpaiwan si Tinny sa kwarto kasi napagod daw kakalangoy. Kaya mag-isa nalang akong maglalakad lakad sa dagat. Syempre sa pampang ha? Hindi sa mismong dagaaat! =_=v

Malapit na ako sa dagat nang may biglang tumawag sakin. Nasa stage siya. Wait, may program pala? Eh naka pajama lang ako. :3

"Calling Miss Natasha? Please sit down to the red couch near us. Thankyou. :)" Sabi nung Emcee.

So, umupo naman ako. Ano kayang meron? -.-

"This song is for you miss natasha. Hope you'd like it." Dagdag pa nung Emcee.

Take time to realize,

That your warmth is crashing down on in.

Wait.....

Take time to realize,

That I am on your side.

Didn't I, didn't I tell you?

Live yun ah? Waiiiit! May kumakanta! 

But I can't spell it out for you.

No, it's never gonna be that simple.

No, I can't spell it out for you.

O_O

If you just realize what I just realized,

Then we'd be perfect for each other,

And we'll never find another.

Just realize what I just realized.

We'd never have to wonder if

We missed out on each other now.

Si..... 

"Yieeee!" "Kyaaaah!" "Swerte nung girrrrl!" "Nakakakilig namaaaan!"

Papalapit na siya ng papalapit sakin habang may hawak ng boquet of roses. Hindi na siya kumakanta. Naging background music nalang yung tugtog. Pero mas romantic.

"Flowers for you.... MISS." Sabay smirk. Di ako makapaniwala. Totoo ba 'to?

Kilala niyo na ba? Oo. Siya nga. Ang nag-iisang si Nathan Lewis.

Inakay niya ako papuntang stage. Pagdating doon ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. At ang tanging makikita lang ay ang ilaw sa projector na nasa stage.

Compilation yun ng pictures ko. Ng pictures t'wing magkasama kami. Nakita din dun na hinahatid niya ako sa bahay.

Teka, ba't wala si Tinny dun? Eh magkasama naman kami palagi t'wing hinahatid niya ah? Sino naman kaya kukuha ng mga pictures na 'to?

Pagtapos ng video ay puro hiyawan nalang ang naririnig ko. Nanahimik nalang ulit sila nang magsalita na si Nate sa harapan. Ako naman ay tulala pa rin sa mga nangyayari.

"Natasha Elaine Parker. Nung una palang kitang nakita, hindi ko alam pero napakagaan ng pakiramdam ko sayo. Gusto kitang makita palagi. Kaya hinahatid kita araw araw. Gusto din kasi kita makasama palagi. Ewan ko ba pero... Na love at first sight talaga ako sayo. Sana, payagan mo 'kong ligawan kita. Hinding hindi kita sasaktan. Pangako. Pwede mo 'kong gawing unan pag inaantok ka na. Balikat para sandalan sa mga oras na kailangan mo ng makikinig sayo. Hindi kita iiwan. Payagan mo lang ako na iparamdam ko sayo na... Mahal kita. Hindi ko naman hinihiling ang sagot mo ngayon eh. Ang sakin lang, napagtapat ko na. Wag mo sana ako pagbawalan." 

Hindi ako makapagsalita. Sobrang... Hindi ko alam na mangyayari 'to. MAY GUSTO SIYA SAKIN! Narinig niyo yung sinabi niya? Este, nabasa pala? MAY GUSTO SIYA SAKIIIIN! At eto ako ngayon. Mala-kamatis na mukha, hindi pa rin makapagreact sa sinabi niya. Puro hiyawan lang ang tangi kong naririnig. 

Naramdaman ko nalang, yinakap na niya ako. Yung yakap niya, feeling ko, secured ako. Parang walang mangyayari saking masama. Pero... bakit kinakabahan ako? Siguro dahil lang sa nangyari.

Pagtapos ay masaya nang bumalik sa kani kanilang ginagawa ang mga tao at ako naman ay pumunta na sa tabi ng dagat at nang makapag isip isip ako sa lahat ng nangyari.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon