Ang hindi magplay ng music dyan sa right side mamamatay!
Haha. Jukonle. Peace! ^_^v Just play the mucic sa side. Wala lang. Para soundtrip habang nagbabasa. XD Hindi. Ano, wala lang. -.- Basta ano, dagdag impact lang. Ta's soundtrip na rin. Pero.. wala lang talaga.
Basta basahin niyo nalang while listening to the music at the left side. ----->
Masaya kami ni Nathan. Lagi niya lang naman ako pinapakilig. :"> Haha. alagang alaga ako sa kanya.
Friday ngayon. Sinundo ako ni Nate sa room.
"Wifey, pwede bang mauna na ako? May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Saan?
"A-ah, sa--dyaan lang sa kaibigan ko."
"Ah. Okay."
Okay na lahat eh. Pero...
"Uy, siya yung girl diba? Nakakaawa naman siya. Pogi nga yung boyfriend. Eh niloloko lang naman pala. Hahaha."
Pagkasabi nila nun ay umalis na din sila. AKO BA TINUTUKOY NILA?! (Tingin sa paligid) Ako nga lang tao. Baka ako nga. Sus. Alam ba nila kami?! Di naman nila alam kung gaano namin kamahal isa't isa ta's manghuhusga sila ng ganun. Duh!
Dumiretso ako sa bahay nila Nate after nung practice namin.
"Hm, hubby" Hubby/Wifey- endearment namin yun.
"Yup?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Oo naman. Ba namang tanong 'yan?!" Medyo inis siya sa tanong ko. Nanninigurado lang naman eh.
"Ah. Wala."
"Bakit? May iba ka na ba?!" Katakot naman 'to. Tanong lang eh. -.-
"Wala ah! Nu'kaba? Kasi kanina, sinabi sakin nung babae, niloloko mo lang naman daw ako tap---"
"NANIWALA KA NAMAN?!" Galit na siya. Galit na siya. Nakoooo.
"Syempre hindi kasi may tiwal----"
"Oh, yun naman pala eh. Ba't sinasabi mo pa yan?!"
"Leche naman. Nagtatanong lang diba?! Sinisigurado ko lang! Kase ayokong masaktan ulit! Ba't ka nagagalit dyan?! Totoo ba?!" Taragis. Pinapalaki pa eh.
"Eh hindi naman kasi totoo yun eh."
"Eh ba't ganyan ka maka-react?!"
Di ko na siya pinatapos ng sasabihin. Umalis na ako sa bahay nila. Pero bago pa man ako makalabas, sumigaw siya.
"Sige. Pag lumabas ka dyan, wag ka ng babalik. Kahit kelan. Wag na tayong mag usap at magkita."
Ako naman si tanga, edi bumalik din. Ayoko syempre mangyari yun. Mahal ko kasi siya eh. Mahal na mahal. Kaya ibababa ko ang pride ko para sa kanya.
Lumipas ang ilang araw, okay na kami. Baka nga kasi di naman totoo yun. Kulang lang siguro ako ng tiwala sa kanya.
Gabi na. Inaantok na daw siya. Text lang kasi kami ng text buong araw eh.
Message from "Hubby<3"
"Baby, tulog na ako huh? Iloveyou baby. Goodnight and sweetdreams."
Huh? Baby? Kelan pa niya ako tinawag na baby? -_-
"Ba't 'BABY'? At kelan mo pa ako tinawag na baby?" Curious lang. Tae. Baka naman na wrong send 'tong lalaking 'to.
"Ano, gusto ko lang sana ibahin yung tawagan natin."
Reply ko, "Ayoko."
"Okay. Sige na. Wifey. Tulog na ako."
Tapos hinantay kong mag ILY. Wala na. Baka antok na nga talaga. -.-
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Teen FictionMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.