Nakaupo ako ngayon sa isang couch na parang duyan malapit sa dagat. Nilalanghap ang sariwang hangin.
Handa na nga kaya akong magmahal ulit?
Paano kung masaktan na naman ako?
Paano kung hanggang pangako lang din naman lahat ng sinaibi niya?
Hindi ko alam kung paano ako magdedesisyon.
Basta ang alam ko lang, dapat maging matalino ako sa bagay na 'to.
Mahirap masaktan. Nakakapagod mag-move on. Masakit magsayang ng effort na mababaliwala lang din pag nagtagal. Ano ba ang dapat kong gawin? Tatanggapin ko nga ba yung pagmamahal niya?
Pumikit ako sandali. Nag-isip ng malalim. Ilang minuto pa...
"Oo. Tama. Hahayaan ko lang siyang ipakita na mahal niya ako. Hahayaan ko muna siyang patunayan yung sarili niya sakin. Wala namang masama diba? Hindi din naman ako nagmamadali. Para din malaman ko kung seryoso nga siya. Ganun nga."
Pagtapos ay patayo na sana ako kaso may biglang tumawag sa cellphone ko.
"Hello, Ma?"
(Anak, baka hindi mo na kami abutan sa bahay ha?"
"Bakit naman po, Ma?"
(Kasi pinapapunta kami ng kuya mo sa states. May pinapaayos na files para sa company. Keep safe anak ha? Tonight will be our flight ng dad mo. So, kay yaya ka maiiwan. Wag masyado magkukulit anak ha? Alam ko pa namang mahilig ka maggala! Dobleng ingat lang. Iloveyou!)
"Okay, Ma. Kayo din po. Iloveyoutoo." *toot* *toot*
[Someone's POV]
Selos. Sobrang nakakapangselos. Kitang kita ko yung gulat at pagkamangha sa mga mata niya. Ni hindi man lang siya nakapag react. That should be me who surprised her. I should be the one who sang to her in front of many people. Pagmamahal ko sana yung pinatunayan ko sa harap ng maraming tao. Kung bakit kasi marunong pa akong maghintay eh. Kung hindi edi sana matagal ko ng ginawa 'yan.
Alam ko naman na hindi pa kasi siya handa eh. Sinaktan siya ng kaibigan ko. Alam kong takot pa siya.
Pero siguro, kailangan ko na ding kumilos. Bago pa siya mawala sakin. Ayoko siyang mapunta sa iba. Lalo na dyan sa lalaking 'yan. Alam ko lahat ng baho niyan. At hindi makakabuti yun kay Natasha. Ayokong sa isang katulad niya ang bagsak ni Tash. Ayokong masaktan na naman ang taong mahal ko simula pa lang.
At isa lang ang paraan. Kung sa akin siya mapupunta.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Teen FictionMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.