Hindi ko alam, tumutulo na pala yung luha ko. Naguguluhan na ako. Dalawang mahalagang tao yung nagmamahal sakin. Pag may pinili ako, masasaktan yung isa. UGH! Ba't naman kasi ang ganda ko?</3 :'( Este, banamanyaaan. T_T
*Calling bessie Tinny* "KRRRNG! KRRNG!"
"Hello bess? Why oh why?" sagot ni Tinny.
"Bess. *hik* Punta*hik*han mo naman ako di*hik*to sa bahay." Hindi ko na kaya. Kailangan ko ng masasabihan. Naguguluhan ako. Ayokong may nasasaktan. :(
Akala niyo ba madali? Hindi kasi madali. Dalawang kaibigan ko. Minamahal ako. Kailangan, isa lang yung piliin ko. Ayoko ng nakakasakit. SOBRANG HIRAP MAMILI. Kung alam niyo lang.
-----
"Whoaaa. O_O" Reaksyon ni bess sa setup ng room ko. Pero nung nakita niya na ako, "WHA! BESS?! An'yare sayooo?"
"Bess. Just listen okay? Set aside muna yung comment. Okay?"
"Uhh. Yeah sure thing bess."
"Bess. Alam mo namang mahalaga sakin si Nate at Terrence diba? Hindi lang dahil sa crush ko yung dalawang yun. Syempre kaibigan natin yun eh. Nung nagconfess si Nate, ayus lang sakin. Syempre. Hindi naman masama maglabas ng feelings. Pero alam kong alam mo naman na naguguluhan pa ako diba? Kung tatanggapin ko yung pagmamahal na binibigay niya o hindi. Ngayon naman, mas lumala yung problema. Si Terrence. Nagtapat rin sakin. Kaya nga ganito setup ng room ko eh. Surprise niya sakin. With this boquet of roses. Bess. Ayoko ng pinapapili ako. Tiyak na masasaktan yung isa. Bess. Ano bang gagawin ko? Sobrang gulong gulo ako."
"Bess. Magulo nga 'yan. Pero kung ako sayo, wag ka na munang pumili. Hayaan mo silang maghintay sayo. Kasi kung talagang mahal ka nila, maghihintay sila. At isa pa, wala ka namang pinanghahawakan sa kanila. Hindi mo alam kung totoo ba yung pangako na binitiwan nila. Go with the flow ka muna. Cause we don't find love. Love finds us. Okay? Cheer up bessy!"
Medyo natauhan naman ako dun sa sinabi niya. Oo nga. Wala pa akong pinanghahawakan sa kanila. Kaya wala pa dapat ako piliin. Oo. Tama.
"Thankyou bessie! Da'best ka talaga! :')" Hay. Ang sarap ng may matinong kaibigan pag seryosong usapan.
"No problem bess. Ikaw pa ba?! Andito lang ako. Just call my name... and I'll be there" Pakanta niya pang sinabi yung last line. Hahaha. Nakakagaan talaga sa pakiramdam kapag nilalabas mo yung sama ng loob mo.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Ficção AdolescenteMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.