(Play media at the right)
I'm out of touch, I'm out of love
I pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done, I think I love you better now
Pinunasan kong muli yung pumatak na luha sa mata ko. I can't pretend that I'm alright right now. It's been a week simula nung nilibing si Dad. And almost 3 weeks na hindi kami nagkikita.
Nandito ako ngayon sa balcony ng bahay namin sa States. Pinapakinggan yung kantang kinanta niya sakin nung Valentines. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito.
Simula nung nilibing si dad, I became emotionless. Limited ang pagsasalita ko. Wala akong pake sa nasa paligid ko. Siguro dahil na din sa sakit. Sa sakit na unti-unting pumapatay sa akin.
Nagpaalam ako kay kuya kung pwedeng bumalik sa Pilipinas. At least, magkahiwalay man lang kami ng maayos. Makapagpaalam. Kesa naman sa biglaan. At okay naman sa kay kuya so pinayagan niya ako.
-
We are now arriving at NAIA airport. Please prepare your valuable things.
Hay, andito na ako. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang magpaalam. Kung kakayanin ko bang tumalikod at... mang-iwan. Ugh. My tears just can't stop from falling. Everytime I come to think of it, it feels like stubbing me to death.
"My gosh! Bessieee! I missed you! Ba't bigla kang kinidnap ng iyong parents? Hahaha." Hay, kung alam mo lang Tinny. Kung alam mo lang.
"It's a long story. Pahinga muna ako pwede ba?" Na-miss ko talaga 'tong bestfriend ko.
"Oo sige na nga. Gusto mo kumain? Yiee, alam kong gutom yaaan!" Haha. Siraulo talaga eh. Pero napapagaan pakiramdam ko. :')
"Haha. Oo na. Sige na, kakain na tayo." Pagtapos nun ay kumain kami sa labas saglit at pag-uwi ay nagpahinga na din.
Kinabukasan.
"Bess, ano na? Kwento kwento diiiin! =_=" Sabi niya na tila naiinip. Kurimaw talaga mga expression ne'to eh. XD
"Eto na." At ayun nga. Kinwento ko lahat lahat.
"S-sorry bess." Sabi niya nalang.
"Okay lang. Pero, hindi ko talaga alam kung makakaya kong iwan si Ens. Mahal na mahal ko yung siraulong yun eh. P-pero alam mo naman, k-kailangan." Umiiyak na naman ako. Yinakap nalang ako ni Tinny at pinat ang likod ko.
"Bess, every beginning has it's own ending. Keep strong bess. Maybe God has a better plan for you."
Naiyak naman ako sa sinabi ni bess. Kasi naman, kasama si Ens sa mga plano ko na yun eh. Sa mga pangarap ko. Andun siya eh. Kasama ko siya. Hays.
"Kamusta na ba siya bess?"
"Yun? Araw araw yun naghahantay sa labas ng bahay niyo. Alam daw niya, babalik ka."
Babalik ka.
Babalik ka.
Hays. Bakit ba mahal na mahal kita Ens? :'(
"T-twing anong oras?"
"Twing 6pm." Yun yung oras na umalis kami otw to Tagaytay. It's already 5:30. Malapit ko na siyang makita.
"Hanggang ngayon ba bess?" Out of the blue kong tanong.
"Oo bess eh. Hindi daw siya titigil hangga't hindi ka niya nakikita. Lagi ko siya nakikitang naglalasing. Laging may kaaway." Ens, No. Wag mo 'kong pahirapan please.
Niyakap nalang ako ni bess to give some comfort. Alam naman niya nararamdaman ko eh.
May kumakalampag sa labas. Kinabahan ako. Wait, 6:15 na pala. So andyan na siya?
Nagkatinginan kami ni Bess. Tinanguan niya ako. Napapikit nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Dahan dahan akong naglakad. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siya. Siya na may magulong buhok. Siya na may malalim na eyebags. Siya na may mga pasa at benda. Siya na nakayuko habang umiiyak. Siya na si Ens na mahal na mahal ko. Na kailangan kong iwan.
"E-ens." Pagkasabi ko ay agad siyang napatingin sakin. Tumakbo naman ako at agad na binuksan yung gate.
"E-ens!" Sabi ko habang yakap siya. Umiiyak lang kami.
"Mahal na mahal kita Ens. Mahal na mahal." Kaso, kailangan kitang iwan.
"Mahal na mahal din kita Shi. Tandaan mo yan. Kapag tinarantado ka niyang fiance mo, huwag siyang magpapakita sa akin."
"A-alam mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo, kinausap ako ng kuya mo. Sinabi niya sakin lahat. Mas nauna ko pang nalaman yung about sa daddy mo. Ano pa bang magagawa ko? Meron ba? Wala. Kapag lumaban ako, wala din naman akong mapapala. I can't change that damn thing. Mas mahihirapan ka pa. Ayokong nahihirapan ang p-prinsesa k-ko. K-kasi mahal na *hik* m-mahal ko siya. Kaya, I'm setting her f-free..." Ramdam ko yung sakit habang sinasabi ni Terrence yun. Wala akong magawa.
"I'm so sorry Ens. Sorry. Sorry." Sabi ko habang umiiyak.
"Ssh. Wag ka mag-sorry. Hindi mo naman ginusto yung nangyari eh. Basta, mahal kita. Okay? Kahit masakit, alam mong mamahalin at mamahalin pa rin kita." Salamat Ens. Salamat talaga.
"Salamat Ens. Salamat kasi naiintindihan mo. Ang hirap Ens. Sobra. Pero salamat. Mahal na mahal kita."
"Basta ikaw. Mahal na mahal din kita." At nagyakapan lang kami dun ng matagal. Ayokong iwan 'tong lalaking yakap ko. Mahal na mahal ko kasi talaga 'to. Hays.
Pinapasok ko siya sa bahay. Dito ko na din siya pinatulog. Cherrishing the moment before I go back to States.
3 days lang ako dito. Enough to finish my unfinished business pero hindi sapat para makasama ko sila. :(
"Shi, mahal na mahal kita. Contact me kung may problema. I am always here. Kahit na magkalayo na tayo, at di na tayo pwede, tandaan mo..." Nilagay niya yung kamay ko sa dibdib niya.
"Lagi kang nandito. Hindi ka mawawala." Ugh, Ens. :'(
"Mahal na mahal din kita Ens. At sorry sa lahat lahat. Tinny, mag ingat ka dito ha? Tanga ka pa naman." I tried to lighten up the mood.
"Siraulo ka talaga bess. Nag jo joke habang umiiyak. Seriously?! Hahaha. Oo naman. Mag ingat ka din dun ah? Sige na, baka maiwan ka ng airplane. Mag-ala superwoman ka pa dyan." At yinakap niya ako.
Kinuha ko na yung bag ko. Papasok na ako ng hallway papunta sa airplane. Pero...
"I w-will miss you both. Ma-mi-miss ko talaga k-kaayoooo!" Sigaw ko habang yakap sila. Haaaays.
"Sige na. Wag ka masyado umiyak ha? Dapat sa susunod na magkita tayo, maganda ka na. :)" Sabi ni Ens.
"So, panget ako?!"
"Hahaha. Di naman. ---- onti lang. Hihi-- Araayyy!" Binatukan ko nga.
"Siraulo ka pa rin talaga. Haha. Sige na. Baka mamaya hindi na ako sumakay dun at makasama niyo pa ako pauwi." Sabi ko.
"Sige. Mag-ingat ka. Wag ka ng lilingon. At baka mahatak kita. Hindi na talaga kita papauwiin."
For the last time, yinakap ko silang dalawa at dumiretso na sa airplane.
-
Yan na haaaa! Pasalamat kayo, sinisipag ako mag update ngayon. XD
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Genç KurguMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.