Chapter 18: Hurt

39 0 0
                                    

Sinundo ako ni Bess tsaka ni Terrence sa room. So, sabay sabay na kami umuwi. 

Musta kaya yung swimming ni Nate? Hays. Wala man lang text text buong araw. Isang beses lang. Ang pinasabi, wala daw load. At kelan pa nawalan ng load yun? Tsk.

"Bess, dito muna kayo. Ako na bahala sa kakainin natin." Sabi ni Tinny.

Kakarating nga lang pala namin galing school. Dito kami sa bahay as usual.

Play the music at the right side. Please. :)

Pinapaikot ikot ko lang yung cellphone ko sa mesa. Nasa kusina kasi ako. Si terrence naman, dahil matalino at masipag, gumagawa ng assignment sa sala.

May biglang nagtext. Dalawa pa. Isa kay Nate. At isa kay Bro. Si bro, si Lorence yan. Super duper bestfriend ko nga pala 'yan. Nakilala ko kasi 'yan dahil kay Matthew. Eh bestfriend din 'yan ni Nate.

Dahil kanina pa ako nag-aabang sa text ni Nate, yun muna ang inuna ko. Kaso..

"Wifey, ayoko na. Nagsasawa na ako." SHIT.<///3 T_T

"Sorry pero ayoko na talaga. Siguro di talaga tayo para sa isa't isa. Malaya ka na."

Parang tumigil yung ikot ng mundo ko. Biglang tumulo yung luha ko. Hindi ako makagalaw. Nabitawan ko yung phone ko sa mesa.

Bakit Nate?! Bakit?! Lahat naman ginawa ko. Ano pa bang kulang?! Patuloy sa pag-agos yung luha ko. Hindi ko alam gagawin ko.

Eto yung pinaka ayaw kong mangyari. 

Pinaka ayokong dumating.

Pinaka ayokong makita, mabasa, marinig mula sa kanya.

Nagwala na ako sa kusina. Di ko na alam nangyayari sakin. Bakit kailangang magkaganito? Bakit?!

Biglang pumasok si Terrence tsaka si Tinny sa kusina at inawat ako. Tumigil ako pero naglumpasay ako sa sobrang pag iyak. Hindi ko makontrol yung sarili ko. Hindi ko kakayanin. 

"Bess, tama na. Bess. Ssh. Tama na please." Sabi ni bessy na sobrang nag-aalala sakin.

"Bess,*hik* bakit *hik* ganun bess *hik*? Ayokoooo pa." Sabi ko.

"Naging masama *hik* ba ako?! *hik* Nagkulang ba ako?! *hik* Ano ba?! Sabihin *hik* niyo nga! *hik*" Hindi ko talaga kaya.

Pinakalma nila ako. Maya maya din, umayos na din naman ako. Nasa sala kami. At kailangan kong ipaliwanag sa kanila 'to.

"Bess, anong balak mong ireply dito?" -Tinny

Si Terrence, wala lang imik. Pero halata sa mga mata niya yung awa at makikitang mas nasasaktan siya para sakin.

"Sabihin mo bakit." walang ganang sagot ko pero hindi ko pa rin mapigilang hindi lumuha.

Reply: "Sasabihin ko sa personal. Mag usap tayo."

"Ang kapal ng mukha niyang Nate na 'yan! Siya pa may ganang makipagbreak pagtapos ng lahat?! Ibang klase! PAMBIHIRAAAA!" Galit na tugon ni Tinny.

"Kausapin mo siya para malaman mo yung dahilan. Hindi pwedeng hindi niya ipaliwanag sayo yan." Sabi ni terrence. Madiin pero malumanay lang yung pagkakabanggit niya.

"Sge na bess. Kaya mo yan. Andito lang kami." At akmang aalis na ako nang harangan ako ni bro na kakapasok lang.

"Amm, bro. May mahalaga akong sasabihin sayo. Di mo kasi ako nirereplyan kaya nagpunta na ako dito."

At yun nga. Kinwento niya.

"Kasama ako sa swimming. Nakita ko sila ni Shanriz. Nagsusubuan ng kanin sa iisang plato. Tapos sakto, sabay kami nagpasama. Ang mas pinili ni Nate eh si Shanriz. Tapos bro, di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Pero mahalagang malaman mo. Nakita ko silang naghahalikan. Tapos sabay pa sila nagshower."

Pagkasabi niya nun, napatakbo nalang ako sa kwarto ko. Hindi ko na kailangang pumunta sa kaniya para sa paliwanag niya.

Alam ko na lahat.

Si bro yung pinapagbantay ko sa kanya palagi kasi magkaklase sila. At malaki ang tiwala ko kay bro. At lalong lalo na, malabong magsinungaling si bro sakin.

Kaya pala nagsasawa na siya. Akala ko, maayos na. Halos perfect couple na nga kami e. Pagkatapos ng lahat, ganun ganun lang 'yun?

Parang napakadali sa kanya. Useless lahat ng iyak. Lahat ng pagkapahiya. Lahat! 

Binigay ko naman lahat. Di na nga ako nagtira para sa sarili ko. Tapos ganito pa. Ang sakit. Para akong sinasaksak ng paulit ulit.

Natapos ang gabi ko nang walang ginawa kundi umiyak. Hanggang sa makatulog na lang ako.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon