Chapter 11: Terrence

51 2 0
                                    

Sorry ngayon lang nakapag-update. XD Busy po si Ms Author eh. :)

------

[Tiffany's POV]

Nakarating na kami sa talagang inaasahan kong lugar. Abandunadong bahay na puro spider web na parang sira sira na parang si Terrence. :3

"Sundan natin siya dali." Mahinahong sabi ni Terrence.

Sinundan naman namin siya at sa inaasahan, nakita naming nakagapos si Tash sa isang sulok. Puno ng awa yung mga mata namin ng kasama ko. Maya-maya ay nagsidatingan na din yung mga dumukot  sa kaniya. At maya maya ay umalis din gamit ang kani-kanilang motorsiklo.

Isa lang ang nagbabantay kay Tash. Pero puno siya ng sandata. Kayanin kaya namin siya? Kaya yan! Para kay Bessie. <3

Pinasok na namin yung kwarto. Tulog pa yung mala sumo wrestler na katawan pero macho na may balbas na naka black suit na may makinis na sapatos at balat at noo at ulo na panot. In short, bantay ni Tash.

Kinuha ni Terrence ng dahan dahan yung balde na silver. Aluminum yun na napakatigas alam ko eh. Tapos dahan dahang lumapit kay kalbo-kinis-kintab. May hawak itong baril.

Inutusan niya akong kunin yung baril at in case na magising ay hahampasin niya na ito. 

Kinuha ko ng dahan dahan yung baril at himalang hindi siya nagising. Whaah. Tulog mantika. Palpakin naman 'tong siraulong nagpadukot kay Tash. -_-

Pinaasikaso na sakin ni Terrence si tash habang siya nakabantay. Nang natanggal ko na lahat ng gapos sa katawan ni tash ay umalis na kami. At himalang ligtas kaming nakauwi sa bahay.

"Bessieeee! Na-miss talaga kita ng sobraa! T_T Sino ba yung mga dumukot sayo?! May ginawa ba silang masama? Sinaktan ka ba nila? Ano ba?" Di makapaghintay na tanong ko.

"Am, Tinny, mas mabuti siguro kung pagpapahingahin muna natin siya."Singit ni Terrence. Biglang nagsalita 'ho yung singit ha? Hindi yung.. nako! HM! XD

[Natasha's POV]

-_-

O_-

-_O

O_O

Asan ako? Ligtas ako?! Whaah! Kala ko mamamatay na ako. T_T Sino kaya yung walanghiyang nagpadukot sakin?! Puro tauhan lang naman kasi yung nag-aasikaso sakin dun.

"Bessie! Gising ka na!" Bungad ni bessie. Sabay yakap sakin.

"Hay, nako bessie. Namiss talaga kitaaa! Buti nalang hindi puro kaadikan yung nasa isip niyang si Terrence at may silbi din naman kahit na pumalpak kami nung una. :3"

"Kayo nagligtas sakin?" Di makapaniwalang sagot ko. Nakakatats kasiii. T_T Yung bespren ko mahal na mahal talaga ako. :">

"Oo. :) Kami nga. Kaya mag-ingat ka na sa susunod ha?" Bigkas ni Terrence na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Ah. Oo naman. Thanks ha?"

"No problem. :) Pero ngayon, mas magiging safe ka na. Dahil sasamahan kita hanggang sa dumating ang mga magulang mo."

"Sasamahan saan? Sa mga lakad ko? Paano yung privacy ko niyan?

"Hindi naman sa mga lakad mo. Sasamahan kita dito. Para in case of emergency, mas madali kitang mapoprotektahan."

"HA? O_O You me-meaannn...."

"Oo. Dito muna ako titira. Nakausap ko na sila tita at mas mabuti pa nga raw na samahan kita dito."

"Pero si bessy--"

"Dyan lang naman siya sa kabilang bahay. Mas maganda na rin daw yung may lalaki hindi puro babae."

"A-ahh" Yan nalang nasabi ko. Kasi naman. Yung isa kong crush, nililigawan ako. Tapos etong isa ko pang crush, makakasama ko sa iisang bahaaay?! AT! Take note! Para protektahan AKO! Kyaah! :"> 

Lumipas ang ilang linggo. Nasanay na din ako. Sabay sabay kaming tatlo nila bessy at Terrence pumasok sa school. At ganun din sa pag-uwi. Minsan, dito din natutulog si bessy. Sobrang close na namin sa isa't isa. 

At, si Nate? Ayun. Nanliligaw pa rin. :"> Nililibre ako ng lunch. Pinapakilig ako palagiiii! ^_^ Lagi kasing may surprise. Kaya lalo akong natu-turn on. Tinutulungan din ako if ever. Kaso, parang kulang pa yung effort niya. Ewan basta feeling ko may kulang talaga eh.

Pag-uwi ko galing kila bessy, himala at hindi ko nakita sa paligid si Terrence. First time 'to. Madalas kasi nag-aabang yan sakin or nandito sa sala nanunuod. Or nagbabasa or naglalaptop, basta he's always around.

Pagpasok ko sa kwarto ko.. "OH MY GOSH! O_O" Gulat kong sabi at hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

-------

Ano kayang nakita ni Natasha? Positive or negative? Comment your opinioooons! =)

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon