"Ens?" Natatanaw ko si Ens sa malayo. Tumakbo ako papunta sa kanya. Pero bakit parang hindi naman ako umaandar? Instead, patuloy siyang lumalayo mula sakin.
Pagtingin ko sa kabilang side, si daddy. Nakangiti siya sakin. I try to run towards him but I just can't. I want to hug him. Miss na miss ko na siya sobra. Daddy! Naiiyak na ako.
May humawak sa balikat ko. Isang lalaking walang mukha. Malabo ang itsura niya. Na tila nilalagay ako sa isang daan. Pagtingin ko sa dulo ng daan, andun si kuya at si mommy. Pati si Tinny. At.. at.. sino yung mag-asawa sa tabi nila?
I tried hard to push this man's hand but I just can't. Ang lakas niya. Nanghihina na ako.
"Shi! Shi! Mahal na mahal kita Shi! Sobrang mahal na mahal kita Tashie!" Biglang sumigaw si Ens. Kaya't napalingon ako sa lugar kung saan ko siya natanaw. Pero wala na siya dun.
Si daddy, unti unti siyang lumalabo sa paningin ko. Iyak na ako ng iyak.
"Daddy! Daddy!" Tawag ko sa kanya pero isang nagpapayong mukha ang ibinigay niyang reaksyon sa akin.
"Sorry Tash. Mahal na mahal kita." sabi ni daddy.
Tinakbo ko siya ng tinakbo. Kahit pagod na pagod na ako, sinubukan ko pa rin siyang abutin. Pero patuloy din siya sa paglayo.
Ano bang nangyayari?! Sino ba 'tong mga walang mukhang 'to?! Asan ba ako?
Asan na nga ba si Tash? Mahahanap pa nga ba niya yung sarili niya? Sa paanong paraan?
----
Isang maikling bangs na update, enjoy your reading. XD Sabaw kung sabaw eh. Sorry naaa.
-Mylamylovesosweet
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Roman pour AdolescentsMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.