Nagising ako na isang puting kisame ang sumalubong sakin.
"Mabuti naman gising ka na."
"Ba't ka andito?" cold na tanong ko.
"Muntik ka ng masagasaan. Buti nalang nasagip agad kita. 2 days ka ng tulog dyan. Di ko naman ma contact parents mo. Wala akong connection sa kanila. Wala ka pang phone."
"Sana di mo nalang ako niligtas. Umalis ka na."
"Look Tash, I'm sorry. I know I've been a jerk. I know I hurt you. Nagsisisi na ako sa lahat ng pananakit ko sayo. Hindi ko rin naman balak na balikan ka pa. Basta kung saan ka masaya, dun na din ako. Pero wag ka lang magpabaya please lang. Ingatan mo sarili mo." Sino pa ba? Edi si Nate.
"Kaya ko sarili ko. Umalis ka na. Di kita kailangan. Wala akong kailangan. Lahat kayo, sasaktan lang ako! Iiwan niyo lang din ako. Kung tuturuan niyo akong mang-iwan, wag lang sa isang partikular na tao. Sa inyong lahat nalang sana! Sana natuluyan nalang ako!" Umiiyak na naman ako.
"Ssh. Wag ka ng umiyak Tash. Please. Nasasaktan ako."
"Di niyo kasi naiintindihan! Hindi ko rin maintindihan! Di ko na alam." Iyak na talaga ako ng iyak.
"Ano? Di ko maintindihan." Naguguluhang tanong niya.
"Oh, diba? Walang nagkakaintindihan dito."
Kayo ba, naiintindihan niyo? Ako din, di ko na naiintindihan sarili kong story. XD
"Tash, andito lang ako. I won't take advantage ng dahil sa nangyari. Basta kung gusto mo ng balikat na masasandalan, tawagin mo lang ako." Sabi niya.
Wala naman akong magagawa kung di ko tatanggapin yung offer niya. Kahit na sobra niya akong nasaktan, may pinagsamahan pa rin naman kami. Tsaka wala na talaga akong masasandalan. Besides, wala namang mawawala kung tatanggapin ko diba? I hug him. I cried on his shoulders. Dinamayan niya ako.
We are here @his condo. Nag bakasyon din pala siya dito. Sembreak naman kasi eh. Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari.
"Sometimes, people can stay in your heart, but not in your life." Sabi niya.
The End na nga ba para sa amin ni Terrence? Ganun ganun na lang ba talaga yun? Feeling ko may hindi pa ako nalalaman. I want to know. But I can't. Paano ko malalaman kung tinataguan ko sila?
"Just take time to realize everything. Find yourself. Bago ka humarap sa kanila, make sure na prepared ka na. Na kaya mong tanggapin yung dahilan nila. Wag mong hayaan na mamayani 'yang galit mo. Pamilya mo pa rin sila after all." Tama naman si Nate e. Pero, siguro nga. I need space.
It's been 3 days. And napagpasyahan ko ng kausapin sila.
"Okay ka na? Mag-ingat ka ha. If there's a problem, contact me. I'm free to help."
"Thank you talaga Nate. Kung wala ka, siguro, hindi ko mare-realize lahat. Siguro, napariwara na talaga ako dahil sa galit. Salamat talaga. Wag kang mag-alala, napatawad na kita." I hug him. Salamat talaga dito. Atleast, nakabawi na siya sa lahat ng pananakit na nagawa niya sakin.
I ride a taxi on the way here sa hotel namin. Pagbaba ko, nakita ko agad sila kuya sa pinto ng hotel na tila paalis.
"Tash!" Sabay na sigaw nila. At tumakbo papunta sakin.
"Anak, sorry talaga. Wala lang talaga kaming magawa. Sorry talaga anak." Hinagpis ni mama.
"Tash, sorry sa mga sinabi ko. Ayoko lang magsinungaling sayo. Mas lalo kang masasaktan pag ginawa ko yun. Mahal na mahal kita li'l sis." Sabi ni Kuya sabay yakap sakin.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Ficção AdolescenteMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.