I wish, I could overcome this tradegy. Sana, maging maayos din lahat.
Naka-enrol na ako sa isang International University dito sa States. Dito na muna kami maninirahan para makapagsimula ulit ng panibagong buhay.
First day of school ngayon. Wala man lang akong kaibigan. Simula nung bumalik ako dito sa States, talagang sobrang tahimik ko lang. Paminsan, bigla bigla nalang akong napapaiyak.
"A-aw! Hey! Watch your steps!"
"Oops, sorry." At inirapan naman ako nung nakabunggo ko. Hays.
*KRRRRNG!*
Bell na pala! Myghaad. Di ko pa nakikita yung room ko. Hala sige Tash, takbo pa more! Takbo. Takbo. Takbo. Tak--- "Kyaaaah!"
Hinihintay ko yung pagbagsak ng katawan ko sa sahig mula sa pagkakadulas. Pero wala. Bak---wait?
"Watch your steps. Tsk." Ang taray naman ne'tong lalaking 'to. Pasalamat siya gwapo siya. Tss!
"Sino ba kasi nagsabing saluhin mo 'ko. Pwe." Bulong ko sa isip ko habang nag-aayos ng sarili.
"Edi sana bagok na 'yan ulo mo dyan kung di kita sinalo! Hahaha. You owe me one, Retard." Pinoy din pala 'to eh. Tae, mind reader lang?
Inirapan ko nalang siya sabay alis. Ayun! Room 401. Nahanap din kitaaa.
Pagpasok ko, buti nalang wala pang teacher. Kaya umupo muna ako. Ayan, andyan na si Prof. Kasabay si.. er--- yung nakabangga ko kanina?! Don't tell me, kaklase ko yun? Psh.
"Goodmorning class!" Masiglang bati ni sir.
"Goodmorning Sir." After the greeting ay pinaupo na rin kami. Eto na si walang katapusang Introduce yourself. Hays.
"Goodmorning! I am blahblahblah" Hanggang sa dumating na yung turn ko.
"Goodmorning. Natasha Elaine Parker is the name. 16 y/o. From Philippines." Yan lang ang sinabi ko. Nakakatamad magsalita. -.-'
"That's a short introduction huh?" Bulong ni Mr. Sumalo sakin kanina slash Masungit slash pogi kong kaklase sabay smirk. Katabi ko pala siya di ko namalayan. Tss.
"Sir, what about her personal background? It's so unfair, our previous classmates tell some stories and that's all for her?" sabay tingin sakin habang nakangisi.
"Uh, yeah. You're right. What about a little story Ms. Parker?" Shit. Nagsisimula ng maumo yung galit ko dito sa lintik na 'to.
"I don't have any stories to tell, sir. So, if you mind may I sit down?" Masama na talaga timpla ng mood ko. Aish!
"O-okay. Next" Natakot ata sa aura ko. Sinamaan ko ng tingin eh. Badtrip 'tong katabi ko eh. Tingin niyo ba may maganda akong maku-kwento sa napagdaanan ko?! Anong ikukwento ko?! Na pinaghiwalay kami ng boyfriend ko?! Na naka-fix marriage ako?! Na namatay ang dad ko?! UGH!
"I am Kristoffer Adam Smith. Just call me Kristoff! :) 16 y/o. I'm also from Philippines. I am really playful. I'm friendly. I always smile and laugh. We can be friends!" Nagtilian naman mga malalandi kong kaklase. Ts. Pogi lang kasi kaya ang lakas ng loob eh mayabang naman!
*KRRRRNG!*
Breaktime na. Nakakatamad kumain. Dito na nga lang ako sa room magso-soundtrip. I put my earphones on. I increase the volume on its limit. I close my eyes. And reminisce everything.
*PLUCK!*
Whathefuck! May bumato ng airplane sa mukha ko. TALAGA NAMAN! Tumingin ako sa paligid. Wala naman! MYGOD! Tatanda ako ng wala sa oras dito! Kung andito lang si Tinny eh! Edi sana sabay kami nagrerecess nun! Pati si.. Oh well, si Ens.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Подростковая литератураMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.