[Someone's POV]
"Subukan mong magsalita tungkol dito, hindi mo na makikita pa si Tash." Sabi ko sa kanya.
Kaya wala siyang nagawa kundi manahimik nalang.
[Tiffany's POV]
Asan ka na bang babae ka. Isang araw ka ng nawawala! T_T
Hindi pa rin ako mapakali. Lahat na ng lugar, pinuntahan na namin ni Nate. Hindi pa rin namin siya makita. Nasa bahay ako ngayon. Kakagising ko lang. Pagtapos kumain ay maghahanap na naman ako. Sana makita ko na ang bestfriend ko.
"Ma'am Tiffany, may bisita po kayo." Sabi ni yaya.
"Sge, papasukin mo 'ya."
"Tiffanyyy!"
"Oh? Alam mo na ba yung nangyari kay Tash? Samahan mo naman ako oh."
"Oo, nabalitaan ko yung nangyari. Tara."
"Teka, kain muna tayo."
Si Terrence yung bumisita sakin na nag-aalala din. At ayun nga. Pagkatapos namin kumain ay umalis na din kami para hanapin si Tash. Hindi na kami pumasok e. Pero si Nate, pumasok kasi may activity sila this week. Remember, 4th year na kami siya 3rd year palang.
"Hapon na. Wala pa rin tayong nakikita na Tash. Ni anino wala." Sabi ni Terrence.
Pagod na kami. Lahat talaga naikot na namin. Alalang alala na kaming dalawa. T_T
"Teka--- tara!" Sabi ni Terrence sabay hatak sa kamay ko.
Takbo dito, tago. Takbo dun. Tago. Whaaah! Ang hahaba kasi ng legs nitong lalaking 'toooo. Ang bilis tumakbo! Nakakapagod naaa. Parang kinakaladkad niya na ako.
"Ano ba kasi yun?! Nakita mo na?" angal ko. Ang sakit na kaya ng wrist ko. Ang higpit ng pagkakahatak sakin. -.-
"Wag ka magulo. Baka makita tayo. May sinusundan ako." Sabay nagsuot siya ng cap tsaka glasses. WHAAH! Lalo siyang pumogiiii. :"> ^_^v
"Tulo na laway mo. Tsk. Wag kasi ngayon. May misyon pa tayo." Sabay smirk. Kyaaah!~ Amgonnadieee. :"> Lecheng 'to. Ba't alam niyang pinag nanasaan ko siya? XD
Sumakay na sa kotse yung sinusundan namin. Kaya sumakay na din kami sa kotse niya. Oo, may lisensya siya. Student license.
Huminto kami sa isang bahay. Hindi naman siya mukhang nakakatakot. Ang ganda nga eh. Ang laki pa. Baka naman mali yung sinusundan namin? =_=
Kung sakaling nakidnap nga si bess, edi sana sa abandunadong building diba? Or lumang bahay o creepy na garahe. Hmmm...
"Tara. Kailangan natin makapasok dyan." Sabi niya habang tinititigan yung bahay.
"Baliw ka ba? Baka mapagkamalan pa tayong magnanakaw dyan!"
"Papasukin natin yan o mawawalan ng hope mahanap si Tash?!" Pagalit na sabi niya. Okay, siya na pursigidong mahanap si bess.
"Sorry. Mag-isip muna tayo ng plano." Yan nalang nasabi ko. Nakakahiya. Tinutulungan na nga niya ako, ako pa 'tong pa-choosy.
Pagtapos namin gumawa ng plano, ready for action na kamiii. Mala tv program to ah. Im so exciteeed! ^_^ Wahaha. Sorry besy tash. Excited lang talaga ako. XD Mahahanap ka din naman namin e. :D
Ano kaya sa tingin niyo yung planong gagawin nila Terrence at Tiffany? :) Comment your feedback below. =)

BINABASA MO ANG
This I Promise You
Teen FictionMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.