Chapter 17: Why, oh why?

33 0 0
                                    

Pinalagpas ko lahat ng pag-aaway namin. Ayoko lang kasi talagang mawala siya. Ganun talaga ako eh. May "athazagoraphobia" kasi ako eh. (a/n: afraid of being forgotten, ignored, abandoned or forgetting)

Lahat, gagawin ko para sa isang relasyon. Kapag may problema, gagawa't gagawa talaga ako ng paraan kahit na maapakan man yung pride ko maging pagkatao ko masalba lang yung relasyon namin.

Hays. Ba't ba ang hirap magmahal? Ikaw ba? Nagmahal ka na ba ng todo? Wala na talaga ako sa katinuan. Ewan ko ba.

Wednesday bukas. Nagpaalam siya sakin na magsiswimming daw sila. Hello?! May pasok kaya? -_- Di ko pinayagan. Nagmatigas pa. Tsk. Wala naman akong magagawa. Edi pinayagan ko nalang. Hue. T^T

Nasa sala kami ngayon sa bahay namin. Katabi ko si Tinny. Si Terrence, nasa harap namin. Naglalaptop. Kasalukuyan kaming nagmimidnight snack. Nang maungkat na naman yung issue namin ni Nate ne'tong kaibigan kong sagad sa bait.

"Bess, kaya mo pa ba?" Sabi niya.

Sabay kaming napalingon ni Terrence sa kanya.

"What?!" Sabi niya. Napatitig lang kasi kami ni Terrence e. Medyo awkward.

Oo nga 'no? Kaya ko pa ba? Kakayanin ko para samin.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Then again, napatitig na naman kaming dalawa.

Hindi pa nga ba ako napapagod? Pagod na pagod na ako. Sobra. Pero kakasabi ko nga lang. Kakayanin ko para samin.

"Alam mo bess, marami pang lalaki sa mundo. Maram---"

"Eh siya nga lang gusto ko!" Bigla kong napasigaw kaya naputol yung sasabihin niya.

Hindi ko alam. Basta nasigaw ko nalang bigla. Napatingin ako kay Terrence. Shit! Kitang kita na nasasaktan ko siya. Bakit kasi ganun. Ayokong nasasaktan siya. Ayoko. Pero di ko maiwasan.

"So-sorry" Sabi ko tapos bigla nalang ako yumuko. Siguro, hahayaan ko munang magpakatotoo sa sarili ko ngayon. Hindi lang mga kaibigan ko yung pinaplastic ko eh. Pati sarili ko na rin.

"Hm, guys." Napatingin naman sila sakin.

"Di *hik* ko na talaga *hik* kaya" TT____TT Tinakpan ko ng mga palad ko yung mukha ko para pigilan ang pagiyak pero hindi ko na magawa.

"Sobrang *hik* sa-sakit na. *hik*" Kailangan ko ilabas 'to para hindi ako mamatay ng maaga. 

OA e no. XD Haha. Basta yun. Tawa lang. Para masaya. ^_^v Hays. Panggap na naman. 

"Ba't kasi hindi mo pa hinihiwalayan? Ba't nagtitiis ka sa sakit na hindi mo naman dapat nararanasan ngayon? Bakit kasi hinahayaan mong saktan ka niya? Bakit kasi hindi ka lumaban? Bakit kasi... Bakit kasi hindi nalang ako." -Terrence. Habang tumatagal, humihina yung boses niya lalo na sa dulo.

Oo nga. Bakit ba kasi hindi nalang si Terrence? Bakit kasi ganun? Bakit? Lahat na bakit? Bakit ang ganda ko? :( Este, Bakiiit? T_T

"Hm, Terrence, Bessie, gabi na. Maganda siguro kung matulog na tayo, okay? Tama na ang drama. Pahinga naman. Bess, PAHINGA. Huminga ka naman kung nasasakal ka na. Wag mo hayaang sakalin ka lang forever okay? Sige na bess. Andito lang kami para sayo." At yinakap ako ni Tinny. 

Salamat talaga at may mga kaibigan ako na laging nandyan para sakin. At isang Terrence na nandyan pa rin sa lahat ng sakit na napadanas ko sa kanya.

----

Guys kasi bakit ang ganda natin?! Bakiiit? T^T Este-- itutuloyyyy.... XD

-Mylamylovesosweet.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon