[Tasha's POV]
<Patugtugin yung video sa right para mas feel. XD>
Hindi naman ako ganun ka-slow kaya alam kong may isinulat siya dito. :3 Diba naman? -_-) *Turns pages*
1st page
Natasha Elaine Parker. Nagbibiruan kaming magkakaklase nang makilala ko yang babaeng 'yan. Unang kita ko palang sa kanya, minahal ko na siya. Inalam ko lahat ng bagay sa kanya. At dun ko nalaman na may boyfriend pala siya at! Kaibigan ko pa.
2nd page
Hindi nagtagal, nabalitaan kong nag-break na sila. Imbes na matuwa ako, nainis pa ako sa kaibigan ko. Hindi ko napigilan kaya nasuntok ko kagad siya sa mukha.
Alam kong nasaktan si Tashie nun ng sobra. Tashie kasi ang gusto kong tawag sa kanya. Pero sa akin lang yun. At hindi birong magmove on ng ganun ganun lang dahil ang tagal nilang dalawa.
3rd page
Kung sakin din ginawa yun, talagang masasaktan ako. At alam kong mahirap sa kanya ang magtiwala ulit. Kaya hihintayin ko nalang muna na tuluyan ng humilom yung sugat sa puso niya. Hihintayin ko nalang na maging handa na siyang umibig muli. Hindi ko siya bibiglain dahil alam ko, kahit na ilang beses pa ako mangako, hindi siya agad agad magtitiwala dahil alam kong takot pa siya. Edi lahat na alam ko. XD
4th page
Magkaibigan na kami sa wakas! Lagi ko siyang nakakasama. At sobrang masaya ako.
5th page
Kaso, may naunang kumilos. At kitang kita sa mga mata ni Tashie na may gusto din siya kay Nate. Nakakapangselos. Hindi siya pwedeng mapunta kay Nate. HINDI PWEDE.
Kaya siguro, dapat na rin akong kumilos. Mahirap na pag naunahan pa ako.
6th page
Sa iisang bahay kami nakatiraaa! Walang makakapalit sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon! Mas madali 'to para sa pagco-confess ko. :)
7th page
Ito ang araw na magco-confess ako. Sana magustuhan niya yung set up ng room niya. Ako pa mismo nag paint niyan. Sana ma appreciate niya. Hindi ko alam kung magugustuhan ba niya. Ang mahalaga, alam na niya. Hindi na ako makapaghintay.
8th page
Siguro ngayon, binabasa mo na 'to. Oo Tashie. Mahal kita simula pa man. Kaya nga EVER SINCE ang nakalagay sa kisame mo eh.
At alam mo naman na kung bakit ngayon ko lang sinabi diba? Hindi ko naman hinihiling na maibalik mo yung pagmamahal ko sayo eh.
Just let me love you. It's enough. And I won't make promises to you. I will just do it.
I LOVE YOU TASHIE. I REALLY DO. AND I ALWAYS WILL.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
Fiksi RemajaMahirap mangako ng hindi mo naman matutupad. Kaya dapat, diretso gawa. Hindi puro salita.