"Manang, I'm home.. " tawag ko kay manang Carlota pagpasok ko sa condo. Nadatnan ko rin ang pinsan kong si Cassy na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV. Pagkapasok ko ay tiningnan lang ako nito, at agad rin naman ibinalik ang tingin sa pinapanuod niya.
"Oh ija! Hali ka at mag meryenda ka muna. " tawag sa akin ni manang saka ako hinila paupo sa hapag kainan.
"Wow, anu po bang meryenda manang? Mukhang nangangamoy paborito ko ah." Pagbibiro ko kay manang.
"Ibang klase din naman talaga yang pang amoy mo. O ito ang paborito mo turon." Sabi ni manang sabay lagay ng plato na may mainit at malutong na turon.
"Wow! Thanks manang, the best ka talaga. " sabi ko.
"Cassy ija! Halika magmeryenda ka na din sabayan mo na itong si Hanna." Pag aaya ni manang kay Cassy. Pero tumingin lang ito sa amin at saka tumayo at pumasok sa kwarto.
"Di ko talaga maintindihan yang batang yan. " napapailing na sabi ni manang.
"Hayaan na lang po muna natin siya manang, baka may mabigat lang siyang pinagdadaanan ngayon. Let's give her time and space. O tara na manang kainin na natin itong turon! Yum! " sabi ko kay manang.
Naupo na rin si manang at sinaluhan na lang din niya ako sa pagkain. Masaya lang kaming nagkwentuhan at kinuwento ko rin sa kanya yung mga nangyari sa akin kanina at ang kamalasang dala ng pangalan ng luke-ong yun.
"Naku manang, senior ko pa pala yung Luke-ong yun, at kahit di pa nagkikita ang landas namin sa school, knowing na nakadance battle ko siya ay madami talagang nang intriga sa akin kanina. At alam mo ba? Legendary daw siya! Sus. Legend niya mukha niya manang. Suplado naman yun. " pagdadaldal ko kay manang at mukhang aliw na aliw naman ito kasi napapangiti pa.
"Naku ija! Kay bigat bigat ng dugo mo sa batang iyon eh. Kay gwapo na noon. Sus, daw artista lang. Kung ako lang kasing edad mo baka nag pacute na ako doon." Pagbibiro ni manang.
"Aaayyy! Si manang feeling bagets?! Naku manang mag asim ka pa naman gusto mo ilakad pa kita sa kanya eh." Pagsakay ko naman sa biro ni manang.
"Loka kang bata ka! Di mo alam nung kapanahunan ko ay pila pila ang manliligaw ko. Kamukha ko pa naman si Maja Salvador!" Sabi pa ni manang.
"Ahahahahaha.. Ibang klase ka talaga magbiro manang." At nagtawanan pa kami ng nagtawanan ni manang.
"Naku ako nga ay tigilan mo na ha. Maglinis ka na ng katawan mo dun at ako naman ay maghahanda na ng hapunan natin. Bakit di mo ayain maglakad lakad si Cassy sa park?
Ani ni manang.Napatungo lang ako at napapa-isip kung susundin ko ba yung suhestyon ni manang.
Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ko para a aware si Cassy na papasok ako. Pagpasok ko ay nakahiga lang ito sa kama at nagbabasa ng libro. I really feel awkward, I don't like this.
"Aaahheeemm.. Ahmm.. Cassy do you want to walk with me in the park later? " panimula ko. I want to try one more. I will try to bring back the closeness we have before..
"Okay. " simpleng sagot lang nito, ni hindi man lang nag abalang tumingin sa akin. Pero okay lang it gives me hope na din kaya napangiti na lang ako.
"Okay sige.. Sandali lang at magpapalit lang ako ha." Excited kong sabi sa kanya.
Dali dali naman akong nagtungo sa banyo at na ayos na. I will take this chance to talk to her and make things back to normal between us. Go Hanna! You can do it. One more try!
YOU ARE READING
Not So Normal Love
FanfictionIt is a playful love story. The main characters here are Edward Barber as Mateo Ellisson Zamora and Maymay Entrata as Hanna Carlina Pasquin. Sabay ipinanganak Kapwang magulang ay nagalak, Dating samahang nabuo Biglang naglaho Sa trahedyang magagana...