Chapter 11: FamBond II

253 15 0
                                    

Yesterday was one of the best day of my life. Pagka uwi namin sa condo mga bandang 11:40 ng gabi, ang buong akala nga namin ay tulog na si Manang Carlota ngunit hinintay pa pala kami nito na makauwi.

"Aba'y manang gising ka pa pala, sana'y hindi mo na kami hinintay." - ani ni mommy kay manang. Bilang tugon ay nginitian ni manang si mommy.

Maya maya pa ay nagsi ayos na kami at naghanda para sa pagtulog.

Nang nakahiga na ako sa silid ko ay kumatok si mommy at pumasok sa loob. Napaupo tuloy ako sa kama ko para salubungin si mommy. Naglakad si mommy palapit sa akin at naupo sa kama ko.

"Hay! My baby😊" sambit ni mommy kasabay ng paghaplos nito sa mahaba kong buhok. Damang dama ko ang pagmamahal at kasiyahan nito. Napangiti na lang tuloy ako ay niyakap siya. Nanatili akong nakayakap sa kanya.

"You know what Hanna? Napakasaya namin ng daddy mo nung dumating ka sa buhay namin. The word happiness is not enough to explain our feeling back then. And we are so blessed that you grew to be such a loving daughter. " wika pa nito. Nakikinig lang ako pero sa puso ko ay nag uumapaw na ang tuwa sa kaalamang mahal na mahal din ako ng aking mga magulang.

"No matter what happen, you will always be our baby, and we will always be proud of you. Wala man kami lagi sa tabi mo always remember na lagi ka naming naaalala ng daddy mo. I love you my baby.!" Wika pa ni mommy saka ako hinalikan sa ulo.

"I love you too mommy. I'm so blessed din naman po na I am your daughter. I will do everything to make you proud and happy. " sabi ko kay mommy saka ito niyakap ng mahigpit.

"Okay, you go to sleep na. Tomorrow we will gi to church. Its been a while since we pray together in the church. " sabi ni mommy, kaya humiga na din ako. Inayos pa nito ang kumot ko bago lumabas ng kwarto ko.

Sunday morning. Maaga kaming nagising para magsimba. Kasama ni mommy at daddy pati si manang Carlota. Sabi ng nila di ba the family that stays together, stays together.

Pagdating sa simbahan ay umupo kami 4th na upuan mula sa harap. Masyado kami napaaga dahil kaunti pa lang ang mga tao sa loon ng simbahan. Pagkaupo ay agad na lumuhod si mama upang magdasal at ganun din si manang carlota at si daddy kaya lumuhod na din ako at nanalangin.

Pagkatapos magdasal ay naupo na kami at hinintay ang pag pasok ng pari. Di nagtagal ay tumunog na ang kampana hudyat na magsisimula na ang misa. Tahimik lang kaming nakikinig sa sermon ng pari tungkol sa mga salita ng Dyos. Nagyakapan at pinaghahalikan ko sila mommy at daddy ganun din si manang Carlota ng mag peace be with you na.

Halos tungkol sa pamilya ang homily ni father. Tungkol sa pagmamahalan at pagpapatawad sa mga nagkasala.

Naisip ko lang si Cassy, kailan kaya niya ako mapapatawad sa kasalanang hindi ko naman alam. Gayunpaman, ay ipinagdadasal ko pa din ito.

Mapayapang natapos ang misa. Pagkatapos ng misa ay sumaglit sila mommy at daddy na kausapin si father. Marahil ay tungkol ito sa karatulang nakapaskil sa labas na "Tulong mula sa Puso".

Habang nag aantay ay nakatayo lang kami ni manang sa labas.

"Manang, I'm just wondering. Alam kaya nila mommy kung nasaan si Cassy. " tanong ko kay manang.

"Hindi ko alam ija. Pero ang alam ko maayos daw siya at narinig ko din na papaaok din siya sa paaralan pinapasukan mo ngayon. " sagot ni manang.

Malungkot akong tumango dahil sa hindi ko parin alam ang rason ng pag alis nito at kung saan iyo naruroon ngayon. Hindi ko na rin tinanong pa sila mommy at daddy dahil minsan ko na silang tinanung ngunit sinabihan lang nila ako na 'wag ko na alalahanin si Cassy at mabuti naman daw ito. Hayaan ko na lang daw muna ito.

Not So Normal LoveWhere stories live. Discover now