Chapter 30: It's Not Yet Goodbye

230 20 7
                                    


    Maaga paggising ko, di paman ako nakapaghihilamus, alam mo yun?pero yung sinag ng kagwapuhan, este ng araw ay bumabati na sa akin.

Napatalikwas ako ng kama ng makita kong nakamasid sa akin si Elly. Itinago ko ang mukha ko sa kumot ko at iniisip baka nanaginip lang ako. Dahan-dahan kong binaba yung kumot at sinilip siya.

Nariyan pa rin siya. Kaya nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.

"E-Elly?" Nagtatakang tanong ko.

Tumango-tango lang ito at nakangiting nakatingin sa akin.

Agad kung nilingon ang kabilang kama para tingnan kung nandoon Pa ba si Sweet ngunit wa na ito.

"Don't worry,  Sweet knows that I'm here. " sabi nito na tila ba nababasa niya ang iniisip ko.

Tumango-tango lang ako, inalis ko na ang kumot ko para makapag-ayos na ng bigla naman ako nitong hawakan sa kamay kaya napabalik upo ulit ako sa kama.

Dahil malambot ang kama nagbounce ako ng bahagya sapat lang para mapalapit pa lalo sa kanya. With that inch distance between us, tila isang ihip lang ng hangin ay magdidikit na ang mga labi namin.  Hindi ko makontrol ang pag pula ng pisngi ko dahil sa iniisip ko. Nakafocus lang ang tingin ko sa mukha nito at ganun din siya sa akin.

Unti-unting umangat ang sulok ng labi nito,  sabay ng unti-unting pag lapit Pa lalo ng mukha nito sa mukha ko.

He's going to kiss me!  Oh my goodness..

Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang halik niya ng biglang...

"Mommy? Daddy?" May maamong boses na puna ng bata sa amin. Batang babae. Napakagandang batang babae.

Agad na napalayo ako kay Elly at bumalik upo sa kama. Lumapit naman si Elly sa bata at binuhat ito.

"Good morning, mommy!" bati nito sa akin.

***
"Beeeesssshhh!!" Rinig kong sigaw ni Sweet bago ko maramdaman ang paghampas nito ng unan sa mukha ko.

And I'm back to reality.

"Baby!" Wala sa sariling sabi ko pagkabangon ko.

Magkasalubong ang kilay na napatingin si Sweet sa akin.

"Goodness! It's just a dream.." Sambit ko.

"Stop dreaming sleepy head. Mag-ayos ka na, before kita iwan dyan." Saway ni Sweet sa akin.

We still have a half day before our flight back to the Philippines. Naiisip ko pa lang na babalik na ako sa Pilipinas at di ko na naman masisilayan si Elly ay namimiss ko na agad siya.

Sama-samang nag-umagahan ang buong team. May picture taking pang naganap. Bago kami sumakay sa service na maghahatid sa amin sa airport. Excited ang lahat at sa wakas ay makaka-uwi na din kami.

"At last! We're going home and for sure my girls missed me soooo muuucchh!!" Ani ni Luke ng tumabi ito sa akin.

"Woooowww!! EDI ikaw na!" Pangbabara ko.

"Hey, chill! If I know you're just jealous." Pang-aasar pa nito.

Tumawa nga ako ng sarkastiko at hinarap ito ng may malapad na ngiti.

"Could you please look at me?" Pacute kong sabi sa kanya. Nang may maiisip na naman akong kalukuhan.

Agad din naman itong humarap ng may about tengang ngiti pa at yung tipong, mapapatulala ka nalang sa dimples nito. Pero duh? I'm so used to it.

Not So Normal LoveWhere stories live. Discover now