After ng klase na pinasukan namin ni Sweet ay umuwi na rin agad ako. Hindi na ako sumabay pa kay Sweet dahil gusto kong bisitahin yung orphanage na tinutulungan nila mommy, iyon yung orphanage na nadadaanan ko papuntang school. Malapit na ako sa ophanage at tanaw ko na ang mga batang naglalaro. Nakakatuwa. Buhay na ulit tingnan ang dating tila malungkot na bahay para sa mga batang walang tahanan.
Napinturahan na ang mga dingding na dating kupas na ang ang kulay. Napalitan na rin ng mga bagong swing, slide, at iba pa ang mga dating laruang kinakalawang na na nilalaro ng mga bata.
"Ate Hanna!" Tawag sa akin ng isang bata ng mapansin ako nitong nakatayo sa gate at nakamasid sa kanila.
Dahil dun ay napatingin na rin ang iba pang mga bata sa akin. Kinawayan ko lang sila. Agad naman nagsitakbuhan ang ito at masaya akong sinalubong.
"Ate Hanna! Namiss mo po ba kami kaya ka napasyal dito?" Tanong ni Sarah, maliit ito at may katabaan ang katawan.
"Oo eh, umuwi na kasi ulit sila mommy at daddy sa probinsya kaya malungkot ako. Pero sa tuwing nakikita ko kayong masayang naglalaro dito sumasaya na ulit ako." Sabi ko naman.
"Ate Hanna, ayaw po namin na malungkot ikaw." Sabi naman ni Tonyo, saka ako niyakap dahilan para e group hug nila ako.
Ngumiti ako ng pagkalapad sa kanila. Umaliwalas naman ang mukha ng mga ito at ngumiti na din sa akin.
"Wow naman! Napakasweet niyo talaga." Nang gigil na sabi ko sa mga ito.
"Hanna ija! Halika magmeryenda ka muna sa loob. " bati ni Sis. Riza sa akin.
Si Sis. Riza ang laging nakagabay sa mga bata. Bata pa nga ito at napakaganda din kung siguro hindi ko ito nakikitang nakasuoy ng pangmadre ay aakalain kong artista ito. Pero sabi nga niya, God's call daw kaya siya nagmadre.
"Naku! Di na po sister. Mauuna na rin po ako, napadaan lang po talaga ako para silipin yung mga bata, namiss ko lang kasi sila. " sabi ko.
"Auw, ganoon ba? Sige, mag-ingat ka ha. Dumalaw la ulit dito okay? Anytime welcome ka dito alam mo yan." Ani ni sister at nagpaalam na din ako dito.
Malapit na ako sa condo ng ma-isipa. Kong dumaan saglit sa 7/11 para bumili ng kung anu anu lang. Pagpasok ko ay nag-ikot ikot muna ako sa loob para tumingin ng kung anu anu na mabibili ko. Ng matapos ay dumiretso na agad ako sa counter para magbayad.
"348.75 po lahat ma'am." Nakangiting wika ng babae. Sabay abot ko naman dito ng 500 pesos.
"Received 500 ma'am, here's your change ma'am." Sabi nito sabay abot ng sukli ko at ng resibo. Nagpasalamat na din ako dito at lumabas na ng store.
Pagkalabas ko ay sakto namang papasok sana si Cassy pero mabilis ring tumalikod at naglakad palayo ng makita ako. I really feel burdened by her. Pakiramdam ako may pinagdadaanan siyang mabigat kaya ginaganito din niya ako.
"Cassy?! Cassy wait!" Tawag ko dito. Pero dirediretso pa rin ito sa paglakad palayo.
"Cassy please! Cassy let's talk!" Sigaw ko dito habang hinahabol pa rin siya.
Tuloy tuloy pa din ang lakad nito halos lakad takbo na ang ginagawa nito at ganun din ako. Maya-maya pa ay lumiko ito sa isang eskinita nasa pagitan ito ng dalawang gusali. Sinundan ko parin ito. I don't care. I really need to talk to her.
Pagkalabas sa eskinita ay nagulat ako sa nakita ko, para itong lumang gusali na siguro ay dating condominium. Ang daming tao. Ilang buwan na ako dito pero never ko inakalang may ganitong lugar pala dito.
YOU ARE READING
Not So Normal Love
FanfictionIt is a playful love story. The main characters here are Edward Barber as Mateo Ellisson Zamora and Maymay Entrata as Hanna Carlina Pasquin. Sabay ipinanganak Kapwang magulang ay nagalak, Dating samahang nabuo Biglang naglaho Sa trahedyang magagana...