Maaga akong nagising ngayon. At simula pagkagising ko ay di na natanggal ang mga ngiti sa labi ko. I've got a very light feeling in this day.Napakaganda ng sikat ng araw, katamtaman lang ang lamig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko tuloy nakangiti sa akin ang lahat ng bagay.
7:30 am sakto, palabas na ako sa pinto ng kakatok pa sana si Elly. Nakangiti itong bumati sa akin at ako din sa kanya.
"Shall we?" Tanong nito saka inilahad ang kamay sa akin.
Sandali pa akong napatingin sa kamay nito na tila nag-aantay na abutin ko, na siyang ginawa ko rin naman. Malamig ng kaunti ang kamay nito, kinakabahan ba siya? Napangiti na lang tuloy ako sa isiping iyon.
"Are we going to eat breakfast with your parents? " tanong ko ng makapasok na siya sa kotse niya at e-start ang engine nito.
"Nope. I want this day to be just for the two of us." Sabi niya saka pina andar ang kotse nito.
Lihim na lang akong napangiti at tumingin sa labas.
"Where are we going?" Tanong ko.
"Where do you want to go?" Balik tanong nito sa akin.
Sandali akong nag-isip pero wala akong maisip, lahat ng naiisip kong puntahan ay yung ga napag usapan lang namin ni Sweet. Sayang, sana pala ay nag research din ako ng mga magagandang puntahan dito. Well, I didn't expect naman na magkakamoments ako ng ganito.
"Don't think too much, You have me." Natatawang sabi nito nang mapansing kunot noo na ako sa pag iisip. Nginitian pa ako nito ang it makes me feel so good and safe.
Saglit pa itong nagmaneho hanggang sa magpark siya sa tapat ng isang cafe.
Parang Disney theme restaurant siya. Maganda ang ambiance at maaliwalas.
Bumaba na ito saka umikot para pagbuksan ako ng pinto. Sheemmmee.. Haba ng hair ng lola nyo. Kaya kinikilig na sinuklay, suklay ko yung buhok ko gamit ang kamay ko. Pagkabukas nito ng pinto ay kinindatan naman ako nito sabay ngiti pa ng nakakatunaw nga naman. Hay kay gandang umaga.
Iginiya naman na ako nito papasok sa loob. Ang cute. Para akong nasa disney world. Kasi disney inspired maging ang loob ng resto.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Hindi ko din inakalang may ganito rin palang lugar dito sa germany, dahil akala ko sa Hong Kong lang ang disney land.
"Wow! This place is sooooo.. YUMMY!" I exclaimed na nakaagaw naman agad sa attention ni Elly na nakikipag usap sa waiter.
"Yummy?" Nagtatakang tanong naman nito.
Tumango-tango lang ako sa kanya at masayang inamoy amoy ang bango ng mga pastries na binibake. Nakakagutom.
Tumawa ito saka naman ginulo ang buhok ko at inaya na akong umupo para makapag breakfast na daw kami. Dahil kulang na lang daw maglaway na ako sa naamoy ko.
Umupo na kami at nag order na rin kami ng foods. Habang hinihintay ang order namin ay nililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng resto hanggang sa lumanding ang tingin ko sa napakagwapong mukha ni Elly na nakatitig pala sa akin habang nakangiti. Yung ngiting napakapayapa.
"Stop staring okay? You're making me shy." Nahihiyang puna ko sa ko siya marahang tinampal para iiwas nito ang tingin sa akin.
Pero tumawa lang ito saka hinawakan ang kamay ko.
"Why would I look away, if I already saw the missing piece in me?" May hugot na tanong nito.
Napakagat labi na lang ako para mapigil ang namumuong ngiti sa labi ko. Isa pa talaga, puputok na ako sa kilig dito.
YOU ARE READING
Not So Normal Love
FanfictionIt is a playful love story. The main characters here are Edward Barber as Mateo Ellisson Zamora and Maymay Entrata as Hanna Carlina Pasquin. Sabay ipinanganak Kapwang magulang ay nagalak, Dating samahang nabuo Biglang naglaho Sa trahedyang magagana...