SIMULA
Dinadama ko ang malabig na marmol na nasa aking harapan, iginala ko ang aking paningin sa buong paligid, hindi naman sinabi sa akin ni Tita Momma na dito kami pupunta! Hindi ko alam pero para akong naigno nung bumaba kami ng taxi, hindi kasi dinala ni Tita Momma ang kotse niya pero ayos lang naman sa akin ang pag-commute namin at ng nakita ko ang building kung saan ako galing nung nakaraang taon sa mura kong edad ay nakakapunta na ako sa mga lugar na ganito dahil kay Tita Momma.
Ngumuso ako ng makakita ng isang babaeng naka suot ng itim na palda na hapit na hapit siguro yun ang pencil skirt yung naikwekwento ng mga kabataan sa skwelahan ko may puti siyang damit sa loob at halatang makapal ang jacket niya, ang suot niyang mataas na takong ay tumutunog habang tumatama iyon sa sahig.
Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay agad kong napansin ang mapula sa kanyang labi. Hala! Ganyang ganyan yung inilalagay ni Zarrez nung nakaraan sa kanyang labi! Ano nga palang ulit ang tawag sa bagay na iyan? Ipinagmamayabang niya pa kasi iyon sa mga kaklase ko, eh sabi ni Tita Momma hindi pa daw pwedeng gumamit ang isang tulad ko sa ganyang bagay.
Lumapit ito sa amin at narinig ko ang sinabi niya kay Tita Momma, ngumuso ako makalapit sa kanila ng kaunti. Inaalala kung ano nga palang pangalan ng kompanyang ito? alam ko big time eh—
"Madam, The CEO will arrive within 15 minutes he's in an urgent meeting right now"
"Tss. Nakagago naman oh! Pati ba naman ang anak e-ieechapwera! Punyeta!" Madiin ngunit mahinang turan ni Tita Momma ng bumaling siya sa akin habang nginunguya ang paborito niyang chewing gum.
"I'll send you to his office"
Nagsimula na itong maglakad, grabe ang laki naman ng pwet niya! Siguro ay pagnagdalalaga ako ay magiging ganyan din ang akin no? Wow, grabe ano kayang itsura ko kapag—
"Carmentis, tandaan mo ang mga sinabi ko sa iyo ah? Wag mong kalilimutan"
Paalala sa akin ni Tita Momma ng lumikpo kami sa isang pasilyo kung saan sumakay kami sa elevator tahimik lamang ang naging byahe namin pa taas, nakakaigno talaga ang bagay na ito. Nakakatuwa! Dapat siguro mas mag pursige pa ako na maging isang honor student para naman dito ako makapagtrabaho.
Mayaman naman si Tita Momma kaya hindi niya ako napapabayaan pero mas gusto kong mas magpursige. Ngumuso ako ng maalala na dapat na nga pala naming bisitahin si Mama! Sabi ni Tita Momma ay masyadong busy si Mama kaya hindi kami gaanong nagkikita at busy siya. Naiintindihan ko naman iyon at alam ko naman na para sa akin ang bagay na iyon.
Nang makapasok kami sa loob ay lalo akong nagulat nang may makita akong isang malaking painting sa dingding! Hindi ko maalis ang tingin ko sa bagay na iyon! Wow ang ganda ganda naman niya! Sino kaya siya? Siguro ay siya ang kikitain namin sa araw na ito? Nang bumaling ako sa harapan ay isang itim na lamesa na may laptop at desktop, may sofa na kulay buhangin ang tanawin dito ay kitang kita ang buong syudad! Ang ganda naman!
Umupo si Tita Momma at ganun din ako pero hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng naninigarilyo, siya ba ang babaeng nasa painting? Ang nagmamay-ari ng lugar na ito? Humarap siya sa amin at binigayan kami nang mapangmatang tingin sabay pumunta sa aming inuupuan at umupo duon.
Ang ganda niya, pero hindi siya ang babaeng nasa malaking painting. Inupos niya ang sigarilyo at inilagay iyon sa ash tray. Nahiya tuloy ako sa suot ko, hindi naman sa mura ito but her fashion is intimidating and is way of envious. Hayaan mo Carmentis, sa susunod ay ganyan na din ang susuotin mo pag nagdalaga ka na.
"Its' nice to see you again Jen?"
"Anong ginagawa mo ditong bruhilda ka?"
Tumawa ito ng bahagya at ngumiwi now she's facing me. Medyo natakot ako sa tingin niya kaya naman umiwas ako ng tingin at ibinaba na lamang ang tinggin ko, sa tingin ko hindi tama para sa isang bata ang makinig sa mga usapan ng matatanda ngunit nahihiya naman akong umalis at hindi ko gamay ang lugar.
BINABASA MO ANG
Draw A Love (Mercadi Series #2)
RomanceIn which a simple girl is a member of those maniacs. Second book of DIARY OF A NYMPHOMANIAC, story of their daughter. Read at your own risks.