Kabanata 8

1.3K 14 2
                                    


K a b a n a t a 8


Mabilis akong bumaba habang hawak hawak ang libro ko. Naabutan ko pa si Manang na nagluluto na ng almusal. Hindi ko na siya binati pa at dumiretso na sa ref. Mabilisan kong binuksan ang freezer nun at kinuha ang mga kutsarang itinago duon sa freezer. Mabilis akong umupo at agad na inilagay iyon sa aking mga mata, ito ang ayoko sa lahat.

Pag umiiyak talaga ako ay namamaga ng sobra ang mata at ilong ko. Kaya kailangan kong paimpisin ito aish! Narinig ko ang halakhak ni Manang, ngunit nanahimik lamang ako.

"Hija, bakit kaba umiyak ha? May binasa ka bang nakakaiyak bago ka matulog o nakapanood ka ng palabas na may nakakaiyak na katapusan?" Tanong ng matanda.

Ngumuso ako bago tinanggal ang mga kutsarang naka takip sa aking mga mata at maingat na tinignan si Manang, inaayos niya ang sandwich na ipababaon niya sa akin.

"Parang ganoon na nga manang" pag-sisinungaling ko sa kanya.

Tumango tango lamang siya sa akin bago isinara ang lunch box ko. Napabuntong hininga ako at mabilis na kinuha ang baso ng gatas na para sa akin.

"Pupunta ako sa bookstore mamaya, may gusto ka bang ipabili?" Napaisip ako sa kanyang sinabi sa akin.

"Hindi pa naman po ubos ang sketch pad ko kaya hindi na po muna" anas ko.

Tumango lamang siya bago ako iniwan duon para makapaghanda na sa pagpasok sa ekwela.

Nakaupo ako sa sunflower bench kung saan nakatingin ako sa asul na langit, hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Daddy sa akin kagabi, bawat bigkas niya ng bawat salita na gusto niyang marinig ko ay tila ba napakasakit sa akin. Gusto ko mang tanungin ang Daddy kung anong nangyari sa kanila ni Mommy ay hindi ko magawa gawa.

Nung nakaraang nahuli ko sila ni Tita Momma na nag-uusap tungkol sa aking Ina ay kitang kita ko ang sakit sa mga mata ng aking ama, kung maari nga ay ayaw niya itong pag-usapan na para bang napakalaki ng kanyang kasalanan sa aking Mommy.

Kagabi ay napagtanto kong ganun nga ang problema ni Daddy. May hinanakit siya kay Mommy pero masama din ang tingin niya sa kanyang sarili. Ang tono niya kagabi ay para bang nangungulila siya at sobrang sakit na. Hindi ko lang maisip kung bakit hindi manlang magbalikan ang mga magulang ko? Siguro nga hindi talaga mahal ni Mommy ang Daddy kaya ayaw niya itong balikan?

Pero nung huli kong bisita kay Mommy ay para bang mas excited pa siya na magkikita kami ni Daddy, she even spoke good things about my Dad well kit must be sugar coated words huh?

"Hoy! Kanina pa kita hinahanap!" Napangiti ako kay Riel na bagong dating lamang.

Umupo siya sa tabi ko at inayos ang kanyang bitbit na mga libro. Napatigil ako ng may makitang malaking marka sa kanyang leeg. Napansin niya ang pagtingin ko sa kanya ay agad siyang umiwas sa aking masuring pagtingin.

"Pasensya ka na kung hindi na kita nabantayan ha?"panimula ko ngumiti lamang siya at tumango sa akin. "Pero, Riel... may masakit ba sayo?"

"Walang masakit sa akin Carmentis, ayos na ayos lang ako wag kang masyadong mag-alala, hmm?" She said and winked at me.

But something's bothering me, hindi naman siya ganito e? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Riel, we shouldn't keep secrets right?" I asked. She turned her head towards me and gave me a relief sighed.

"Ofcourse! We're bestfriends afterall!" she beamed.

"Kung ganoon saan mo nakuha ang pasa mo sa leeg? Nangingitim na Riel at mukhang hindi maganda.." pagtatanong ko, agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon