Kabanata 3

1.9K 28 0
                                    

Kabanata 3



"You said that you'll attend the Valentines Party?" giit ni Riel.



Actually, kaninang umaga niya pa ako kinukulit about sa gagawing party na 'yon sa nalalapit na buwan. Hindi ko alam kung bakit pinipilit niya ako gayong wala naman akong ka-date o kasintahan sa magaganap na romatikong event na iyon.



Naiiling na bumaba kami sa stairs, uwian na at hanggang ngayon ay yan parin ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa, palibhasa ay maraming nagkakandarapa sa kanya kaya naman malakas ang loob niya na pumunta sa party na iyon. Tumikhim ako bago bumaling sa kanya at nagsalita.



"Wag na lang, Riel wala naman akong gagawin doon kung hindi tumunganga e." I said matter of fact.



Hindi ko din ma-eenjoy ang event nay un dahil araw ng mga puso iyon, at wala naman akong kabiyak. Hindi ko naman gustong ipangalandakan na single ako e. Kaya ayos na ako sa bahay at magbabasa ng mga libro o kaya naman ay mag-swimming. Napapadyak si Riel at ako naman ay ngumingiti lamang sa kanya. Nang makarating kami sa parking lot ay muli ko siyang binalingan ng bumanat na naman siya.



"Come on! That would be the last year of ours! Please naman, Aletha Carmentis, cooperate with us, okay? Join us!" She pleaded as she shoves me her puppy eyes.



Tumawa habang umiiling, it won't work Riel. "Riel, Valentines is for those who are in love, those are in relationships. Anong gagawin ko dun? I'm single, so I'm not going fit in" Naglakad akong muli, habang siya naman ay hinahabol ang lakad ko.



Ang kulit kulit talaga ng isang ito.



"Omygod! Carmentis, is that your problem? Wala pa bang nag-aaya sayo? I mean, the party is for all! Even High schools are invited! Wala bang lumapit sayo ni isa at niyaya ka? Or you turn them out immediately?" She concluded, napasapo pa siya sa kanyang noo.



"No! Riel, masyado pang maaga para dyan sa party na 'yan, bakit ba pinoproblema mo iyan?" Anas ko at inayos ang mga librong dala dala ko. This is the last day of the week, ang hectic ng sched.



"So wala pa talagang nag-aaya sayo?" Makahulugan niyang tanong at nagtaas ng kilay sa akin.



"Wala" Matipid kong saad.


"Riel!"



Parehas kaming napatahimik at napabaling sa kapatid ni Riel, he was waiving at us while jogging. Ngumiti ito sa amin, ngumiti ako pabalik at inilipat ang aking mga tingin sa aking kaibigan na nakangiwi na at hindi na maipinta pa ang mukha. Riel, dislikes this brother of her, that much.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon