Kabanata 39

912 12 0
                                    

Kabanata 39

Nakangiting pinagmamasdan ko ang aking Lolo at Lola na nagkukulitan, ito ang ika-tatlong araw kong pamamalagi dito sa Sorsogon. Nakapag gala gala na din ako kahapon kasama si Ace at ang aking mga pinsan kay Tita Tyreen. Lahat naman sila ay mabait, samantalang itong si Ace naman ay masyadong protective na mawala lamang ako sa paningin niya ay nagagalit na. I wonder kung nalaman ko ng mas maaga na magkapatid kami at kambal ko siya ay baka hindi na din ako umalis pa noon.

He’s being a good sibling now. Nakakatuwang isipin. Bumaling ako sa kanya na nakasimangot ngayon sa aking harapan. Nakasimangot siya habang nakahawak sa kanyang telepono. Sino naman kaya ang kausap ng isang ito? Bumaling siya sakin ng mapansin ang paninitig ko sabay taas ng kilay niyang makapal.

“Sinong katext mo?” agad kong tanong

“Strang,” he said in a cold voice.

Agad akong ngumiwi dahil sa aking narinig. Strang, still the girl he loves is Strang, he was very smitten to her, bata palang kami ay grabe na ang debosyon niya sa babaeng iyon hanggang ngayon ba naman ay si Strang pa din? Hindi ba siya nag try na maghanap ng ibang babae bukod sa kanya?

Sumimsim ako sa orange juice na nasa table bago muling nagsalita, “Kayo pa din?”

Obvious naman diba, bakit tinatanong ko pa din hanggang ngayon? Tinitigan muna ako ng aking kakambal bago bumaling sa kanyang telepono at ibinaba iyon sa table na pumapagitna sa aming dalawa. Tinitigan ko ang bawat kilos niya, mukhang may hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa ah?

“May problema ba kayo ni… Strang?” hindi na ako nakapag pigil na magtanong sa kanya, “I’m sorry for being nosy pero, I just want to know bits of your love life, twin.” Agad kong angal dahil alam kong magrereklamo ang isang ito dahil pinakekealaman na naman siya.

Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at sumandig sa inuupuan bago muling binaling sa akin ang mga matang pagod. He looks so matured now, masculine body, a perfect life I guess? Sa yaman ng pamilya naming bakit hindi hahayahay ang buhay ng kapatid kong ito? At may babaeng mahal na din, kulang nalang ay anak—What siguro naman wala pa sa isip ng kapatid ko ang kasal diba? Hindi pa naman diba?

“If given a chance, who will you choose between L and Winter?” napatigil ako dahil sa tanong niya. Seryoso ang kanyang tono at nakatingin lamang sa akin.

Lumunok ako ng sunod sunod, damn what’s wrong with him? “Ano bang klaseng tanong yan!”

If I’m given a chance? Nabigyan na ako mahal kong kapatid, but I suck at those chances hindi ako makapag desisyon ng tama sa mali kahit na alam ko ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang mamili, hindi ko kayang bitawan ang isa sa kanila, at yun ang kahinaan ko. Pero… kailangan kong magdesisyon at ang desisyon kong iyon ay hindi na magbabago pa. Kahit kailan.

“Just answer my question” anang niya, para bang natatagalan sa sagot ko.

“Wala…”

“Anong wala?” kunot noo niyang saad,

“Wala akong pipiliin sa kanila, Ace.” That’s it. Wala naman talaga diba? Diba?

Bakit ko pa kailangang mamili sa dalawang lalaki? Kung sa huli ay masasaktan ang hindi ko mapipili? Mas maganda nang hindi nalang akong mamimili, para lahat kami ay magdurusa.. ang selfish mo Aletha, ang selfish mo, sobrang selfish. Mas gugustuhin mong masaktan sila pareho para lang sa katangahan mo sa buhay. Napaka tanga mo. Ang tanga tanga.

Pero ano nga ba ang dapat kong gawin? Ang maging masaya sa piling ng isa habang ang isa naman ay nagdurusa dahil sa pagmamahal na hindi naman makakamit kailanman? Kasalanan ko ang bagay na ito, kung hindi nalang kasi ako nagpakatanga sa pagmamahal ay hindi mangyayari ito sa akin, at hindi din masasaktan si L at si Winter, ako naman talaga ang problema kaya ayun ako din ang reresolba.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon