Kabanata 2

2.2K 30 0
                                    

Kabanata 2


"Carmentis! Bilisan mo na dyan at iniintay ka na ni Toleng!" Sigaw ni Manang mula sa ibaba.

Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit iyon sa aking likod. Mabilis akong dumungaw sa ibaba at kinawayan si Manang habang siya naman ay nakangiti sa akin. Nagmamadaling bumaba ako para malapitan si Manang, ibinigay niya sa akin ang isang maliit na pink bag, siguro ay ang aking lunch ang nakalagay dito. Niyakap ko siya saglit at agad din naman akong bumitaw sa kanya, inangat ko ang tingin ko at nginitian siyang muli, she's been so warm to me since I moved here, hindi ko na gaanong naalala sina Tita Momma, the gap of loneliness is no longer that wide, kasi si Manang hindi niya ako pinapabayaan, and Papa keeps on checking on me naman.

"Maraming salamat, Manang!" usal ko at kumaway sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay kung saan nag-aantay si Mang Toleng sa akin para maihatid na ako sa aking skwelahan. I warmly smiled at him, gaanon din siya sa akin, mabuti naman at mababait ang mga tauhan ng Papa.

"Oh! Carmentis, bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa unang klase mo" Nagmamadaling saad ni Mang Toleng at pinagbuksan ako ng pinto. Maya maya pa ay nasa byahe na kami papunta sa school ko.

Ito ang unang araw ng pagbabalik ng skwela. At tatlong buwan nalang ang aking iintayin at magtatapos na ako sa elementarya. Iniisip ko pa kung saan ako mag-aaral pagka graduate ko ng elementarya. Iniisip ko din kung makakapagbakasyon ba ako kina Falacer dahil simula nung iniwan ako ni Tita Momma dito ay hindi na niya ako muli pang pinuntahan. Nakakalungkot mang isipin pero mas mabuti na ito dahil baka nga pabigat na ako kina Tita Momma.

Ngunit iniisip ko din naman na hindi naman ako magiging pabigat sa kanya, dahil may ari naman siya ng isang ospital at bukod sa pagiging spoiled ni Falacer ay halos hindi naman siya nahihirapan dito. Siguro nga hindi kaya ni Tita Momma ang mag-alaga ng dalawang bata habang may ospital na pinapatakbo, siguro ay sa susunod na araw ay pupuntahan ko sila sa kanilang bahay at tatanungin ko siya kung pwede ko ba siyang isama sa pagpunta namin kay Mama. Namimiss ko na din kasi siya e.

Napangiti ako ng tumunog ang aking cellphone, nakakatuwa lang dahil bumili si Dad ng isang latest version ng cellphone para sa akin. Kasi si Tita Momma ay hindi ako pinapayagang mag cellphone at kung ano ano pa dahil makakasagabal lamang daw ito sa aking pag-aaral. Ganun din ang napapansin ko sa aking mga kaklase sa ekswela. Halos lahat sila ay may mga latest ng cellphone samantalang ako ay wala naman ngunit wala lang iyon sa akin.

Mas mabuti na siguro na ang focus ko ay sa pag-aaral na muna. Humikab ako, medyo inaantok pa dahil maaga ang pasok, tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon at nakitang may message si Papa sa akin, hindi ko na siya naabutan sa bahay, mukhang hindi din umuwi kagabi baka busy masyado sa kompanya?? Nai-swipe ko ang message ni Papa at agad na tumabad sa akin ang message niya.

Dad:

Baby, are you in your school yet?

I smiled because of my Papa's message for me. Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng Papa. Dati rati ay pinagdadasal ko na makita ko ang Papa ko at makasama siya kasama ni Mama pero hindi na nga nangyari pa dahil maagang kinuha si Mama sa akin. Naalala ko pa ang mga pambubully ng ilan sa mga kaklse ko dati dahil wala akong Papa na madala sa school kapag may family day at nakikisampid lang ako kay Falacer. Ngayon may masasabi na ako, na may tatay na ako.

Agad akong nagtipa ng ire-reply kay Papa. At naisend ko na agad iyon.

Ako:

Yes, Dad. Dito na po ako.

Nginitian ako si Mang Toleng habang siya ay nagpapark ng aming sasakyan. Hindi naman masyadong mamahalin ang skwelahang pinag-aaralan ko bukod kay Falacer, magkaiba kasi kami ng school dahil All boys ang school niya, yun ang gusto ng kanyang Mama kaya naman hindi siya makahindi dito, kaso nga dahil magkalapit lang ang school namin ay madalas na napagkakamalan na kapatid niya ako. At syempre hindi papayag si Falacer na ganon, nandidiri yon masyado sa akin e.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon