Kabanata 31

1K 14 3
                                    

Kabanata 31



WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR AUDIENCES UNDER 18. READ AT YOUR OWN RISK.




Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang pagtakas ng dugo ko sa mukha, kung makikita ko siguro ang sarili ko ngayon masasabing namumutla ako, how come he has the nerve to say it to me? Sa harapan ng sarili kong ama hindi ba siya marunong mahiya,

Pero sa tingin ko ay hindi manlang narinig ng aking ama ang sinabi niya dahil muli siyang kinausap ng mag asawang Alcade. I step back as I pushed him, binitawan naman niya ako at mataman na tinignan. He looked at me as if I did something wrong, his eyes all over me. Mas tumangkad siya, his hair is disheveled, nakatupi sa kanyang siko ang kanyang sleeves, he’s just wearing a white longsleeves but he’s dashing, samahan pa ng mukha niya.

I can sense sarcasm in his face. Para bang iniinsulto ang itsura ko. Sinamaan ko siya ng tingin, His brooding eyes, his nefarious lips, that keeps on protruding. He looked at me again, I can sense that he’s interested on what he sees.

Hindi ko na pinatagl pa ang tingin ko sa kanya at bumaling na sa aking ama na busy sa pakikipag-usap sa kanyang mga kasosyo sa negosyo. Hindi na ako makasabay pa sa usapan nila ngunit pinakikinggan ko lamang ito. May iba pang lumapit upang batiin ako at tanungin ng kung ano ano pang nainteresan nila sa akin.

Naramdaman kong muli ang panlalamig dahil nandyan na naman siya. Inabot niya sa akin ang isang orange juice, kumunot ang noo ko, natawa naman si Daddy dahil sa ginawa niyang asal sa harapan ko.

“L, man, my daughter is not a teen anymore, she can drink hard liquors!” giit ni Daddy at tinapik pa ito, “Anak, may gusto ka bang inumin, mag-usap muna kayo ni L matagal tagal ding nawala ang isang ito” Tinignan niya si L at kumaway sa aming dalawa.

Matagal na nawala? Oo naman, hindi naman nakakali sa isang lugar ang lalaking ito, ano pa ba ang aasahan mo sa isang ito? Louoverent Lamuniere? He likes to go out, he’s a wild man who can’t be tamed, he’s bossy and cocky, he’s a big ass jerk, no can please him. Kapag hindi niya gusto hindi niya gusto.

Naisip ko tuloy ang kabataan ko nung mga panahong kasama ko siya. Spending my younger days with him makes me look like a badass kid, yes, I admit I was a bad kid way back then, I even lost something in the past. I was thirteen way back then but experienced na sa larangang iyon.

He shot me a cocky smile before placing the glass of orange juice in the round table. He sipped through his wine as he managed to look at me, as if he’s seducing me. Umismid ako dahil sa ginawa niya at agad na nag iwas ng tingin sa kanya, inabala ko ang sarili sa mga taong nag-uusap sa paligid.

“Now, can we talk privately?” He said in a well-mannered tone, as if proposing something to me. Sinuri ko ang itsura niya, he looked at me languidly.

I smirked. “Ano naman ang pag-uusapan natin Mr. Lamuniere?” I sound offended, pero binaliwala ko lang iyon at agad na uminom sa orange juice na dinala niya para sa akin. He chuckled, but I can sense sarcasm in those chuckles.

“Ano ba sa tingin mo ang dapat nating pag usapan?” Naghahamong tanong niya sa akin. “I need an explanation, why you left me behind!” he beamed, madiin at ramdam ko ang galit niya. I look straight into his eyes, ngunit hindi ako papaloko sa ipinakikita niya sa akin.

“Then you should asked yourself, why I left!” Hamon ko at agad na iniwan siya sa table namin. Alam kong walang makakapansin sa away naming dahil busy ang mga tao.

Mabilis kong tinahak ang bulwagan ng mansion kung saan walang gaanong tao, ito din ang daanan papunta sa aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya, nangako ako sa sarili ko nung nasa spain ako na kailangan ko siyang kausapin at klaruhin ang lahat nguniy ngayong nakita ko siya ay para bang gusto ko nalang kalimutan ang lahat.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon